nine

60 2 0
                                    

ang dali lang magsulat noon,
pero bakit nahihirapan ako ngayon?
dahil ba sa wala tayong pinagsamahan?
o baka dahil alam na ang kahihinatnan?

paano nga ba magkakaroon ng pinagsamahan
e, tayo'y magkaklase lang naman
at sa simula pa lang na mahulog sa'yo,
alam na hanggang tingin lang ako.

noon ay tamad na tamad pumasok,
ngayon, sa uwian ay laging nakasimangot
sa apat na sulok ng silid aralan,
gumagawa ng paraan
para ikaw ay masilayan.

sa bawat paglihis mo ng tingin,
malaya akong nakakanakaw ng titig
masilayan lamang ang mga mata mong naging dahilan
ng aking pagkahulog sa'yo nang biglaan

akala nila, madali at masaya
magkagusto sa taong palagi mong nakikita
kailanman ay hindi naging madali
makitang sa kanya'y may ibang nagpapangiti

hindi kailanman nagkasama
palaging malayo sa isa't-isa
sa tuwing may groupings ay umaasa
magiging kagrupo ka kaya?

sa seating arrangement ay walang pag-asa
malayo kasi ang apelyido sa isa't-isa
pakasalan mo na kaya ako,
para hindi na malayo sa'yo?

pero bumalik tayo sa katotohanan,
ako lang naman ang may nararamdaman
alam ko naman na walang pag-asa
ang aking nadarama.

langit ka, lupa ako
porkchop ka, ketchup ako
beefsteak ka, cornbeef ako
ramyeon ka, pancit canton ako

kaya naman uulitin ko...
"hanggang tingin lang ako sa'yo"

hoshi.

eunoia (unspoken poetry; book 1)Where stories live. Discover now