*Summer Before College*1

Start from the beginning
                                        

"kasi...NAPAKAINDEPENDENT MO KASI TRINE! Yan yung mahirap sayo eh! Gusto ko, dun sa taong mararamdaman kong kailangan niya ko. hindi tulad sayo! parang kayang kaya mong mag-isa" nagulat ako sa sinabi niya...dere-deretso akong lumabas ng shop at nagkulong sa kwarto ko.

<PERCY'S POV> / FLASHBACK PA RIN (SAME SCENE)

bago makalabas ng shop si EmE, hinila ko siya

"ano nanaman ba?"  inis niya tanong sakin

hindi ako nakasagot...hindi ko alam kung bakit ko siya pinigilan. dapat hinayaan ko na lang siya eh? Kasi yun naman yung dapat mangyari ngayon eh. Yung magalit siya sakin para kalimutan niya na ko hanggat maaga pa

"PERCY, bakit siya? ano ba mali ko? Lagi na lang tayong ganito" nagulat ako sa tinanong niya. wala akong nakahandang sagot

"kasi ano...kasi..."

"kasi ano percy?!" kanina pa niya ko tinatawag na Percy, kaya alam kong seryosong seryoso siya

"kasi...NAPAKAINDEPENDENT MO KASI TRINE! Yan yung mahirap sayo eh! Gusto ko, dun sa taong mararamdaman kong kailangan niya ko. hindi tulad sayo! parang kayang kaya mong mag-isa" nagulat ako sa sinabi ko.

kasi...wala akong problema sa pagiging independent ni EmE...wala akong pakialam kung an siya. Kasi nga, mahal na mahal ko siya. Kahit ako, kontra sa mga pinagsasabi ko, pero wala eh. yun lang yung way para di ko na siya MAS masaktan pa

tuluyan na siyang lumabas ng shop. at eto ako, pinapanood lang umalis yung babaeng sobrang mahal ko...

END OF FLASHBACK

 "ibig sabihin...yung mga sinabi mo sakin noon..."

"oo EmE...hindi yun totoo..ikaw lang..promise"

"yung independent ako kaya ayaw mo sakin..."

"EmE ano ka ba, wala akong pakialam sa ugali mo. pati, isa yun sa mga katangian na gusto ko sayo"

"kesooo....puso ba talaga ni alex yung nasayo ngayon?"

"oo, diba alex?" pagkasabi ni kesooo non, biglang humangin ng malakas

si Alex kaya yon?

"Pero pano nangyari yun?" tanong ko

"dahil na rin sa nasa parehas kaming ospital non. Sabi pa nga ng mommy ko, masaya daw si Alex nung nalaman na ako yung makikinabang sa puso niya. Kasi daw, kahit papano...hindi siya malalayo sayo" sabi niya

kaya pala...nung gabing kausap ko siya....ulit ulit niyang sinasabi na patuloy akong mamahalin ng pusong yon.....

"kaya pala..." tanging nasagot ko lang

"tapos...nung pumunta kami sa mommy ni Alex kanina para makapagpasalamat ako ng personal...ang sabi niya, pinapasabi daw ng anak niya na alagaan kong mabuti yung puso niya at na sana.....

sana daw wag na wag ka mawawala sa pusong 'to" sabi niya at tumingin sakin

" EmE....mahal na mahal ka ni Alex..." muli, humangin ng malakas

ngumiti lang ako at yumakap sa sarili ko, niramdam ko yung hangin.

"Napakaswerte ko dahil minahal ako ng taong yon, sayang nga lang dahil di ko nasuklian" 

"Minamahal EmE, minamahal" sabi ni kesoo

"ano?"

"hanggang ngayon, ang weird nga eh. Nararamdaman kong ikaw pa rin yung tinitibok nito, di ko alam kung dahil sakin lang o kasama na rin yung sa kanya. Posible ba yun?"

"Ewan ko sayo kesooo! ang gulo mo!" sabi ko ng pabiro

"haha, basta sinasabi ko sa harap ng tomb ni Alex, na hinding-hindi ka mawawala sa puso na to EmE" seryosong sabi ni Kesooo

gumaan yung pakiramdam ko sa sinabi niyang yon. Akala ko, di ko na makakausap si Kesooo, pero eto, karamay ko siya sa pagdalaw kay alex

natuwa ako sa nakasulat sa tomb niya na : 

"there'll be two dates on your tombstone everyone will read them..but the only thing that matters is the little dash between them" 

kahit papaano, maswerte kami kasi kahit sa maikling panahon...nakasama namin si Alex

after ng prayers,nagpaalam na rin kami sa puntod ni Alex

habang pauwi, napagkasunduan namin na, sabay naming dadalaw-dalawin yung puntod niya

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 CAESAR'S POV (haha trip lang ipakwento sa kanya :))) )

napansin kong medyo umaliwalas yung muka ni Mae nung pauwi na siya, hinatid pa nga siya ni Percy eh. Ayos na pala sila?

buti naman at ayos na siya. Simula kasi nung kay alex...di mo makausap ng maayos eh. Laging matamlay

Ipinaalam siya sa'kin ni Percy na ilalabas daw bukas. dito lang din naman daw, para malibang naman si Mae. Pumayag naman ako kasi napakadalang niya ngang lumabas ng bahay, dinadalaw lang siya ng mga kaibigan niya minsan dito sa bahay. Basta ang tamlay niya

"Percy, pwede ayain mo na rin yung barkada. Siguro mas gagaan pakiramdam nito kung maglalaro kayo" sabi ko pa kay Percy bago siya umalis

"sige po, parang maganda nga yan. Salamat kuya!" sabi niya

"ge. Ingat bro" sagot ko na lang

tama yun. baka bumalik kahit papano yung sigla niya

=========================================================================

A/N

so ayun. tagal ko eka magupdate hahaha

ta-type ko na yung kasunod :)

so ayun nga nangyari kay Alex

sa mga silent readers, paramdam naman ng konti diyan. Lalo na yung isa dyan! HAHAHA

It Started Because of Cheese ^.^ &lt;ongoing&gt;Where stories live. Discover now