hindi ako comfortable sa pwesto ko kaya nagising ako...pagtingin ko sa oras...3 am na pala
tinabihan ko na lang ulit sa alex at binantayan
oh God. Please, wag niyo pong papabayaan tong taong to. nasabi ko na lang sa sarili ko
naidlip na pala ako ulit. pag gising ko 7 am na
nag-aayos ayos yung mommy ni alex sa room
after ilang minutes, gising na rin si alex kaso parang...namumutla siya?
"alex, bat ang putla mo ata? Tita Ana, namumutla po si Alex oh" sabi ko
hindi ako pinansin ni tita ana at sigurado ako, parang narinig ko siyang humikbi
"diba sinabi ko na sayo kagabi?" sabi ni alex...
huh? ano? di ko siya naintindihan...ano yung sinabi niya?
pilit ko pa ring iniintindi yung sinabi ni alex kahit nakalabas na ko ng room....pero parang.....
Parang nakita ko si Leo?
sinundan ko kung san ko siya nakita
papunta pala siyang chapel...sinundan ko naman siya.
Pero bakit nandito siya? dadalawin niya kaya si Alex?
----------------------------------------------------
LEO'S POV
nandito ako sa hospital...ako kasi yung bantay niya
papunta na kong chapel para ipagdasal na maging ayos ang lahat na mangyayari sa kanya
pero parang may sumusunod sakin? dinedma ko na lang at nagpatungo sa chapel
nang papasok na ko sa chapel ng hospital....
"Leo?" nagulat ako sa boses ng isang babaeng tumawag sakin...NAPAKA pamilyar na boses...
nilingon ko siya at di nga ako nagkamali....si Trine nga
bat siya nandito? alam na ba niya yung sakit niya? pero imposible eh. Ako lang nakakaalam non
"oh trine" sabi ko sabay ngumiti ng pilit
"ano ginagawa mo dito?" tanong niya. hala lagot na -_- ano papalusot ko?
"magdadasal ikaw?" sabi ko
"tssss. dito sa hospital!" sabi niya
"ah eh.....eh ano... may binabantayan akong kamag-anak" palusot ko
"oh?! hala sino? tara nga, dalawin ko na rin" sabi niya. nako po! patay na! di niya pwedeng makita siya
"ah eh hindi! hahaha joke lang yun" palusot ko ulit
"hmmmm....ah alam ko na bakit ka nandito!" sabi niya
alam na niya? nako naman...DI PWEDE
"ah eh....eh bakit?" tanong ko naman
"kasi dadalawin niyo ng barkada si alex! haha ano ba yan. nakalimutan ko yun!" sabi niya
huh? si Alex?
"alex?'
"oo si Alex, di mo alam? haha sabi ni Loke dadalawin nyo daw si alex eh. kasi naaksidente siya"
"oo tama! alam mo pala" palusot ko na lang. sana naniwala si Trine
muka namang naniwala eh? Pero si Trine pa? grabe ba talaga lagay ni alex para magulo utak nitong si trine? kadalasan kasi, hindi umuubra sa kanya yung mga palusot ko. haisssst whatever
nagdasal na rin kami sandali sa chapel tapos inaya na niya ko sa room ni alex
tek. di ko maintindihan
bakit di ako sinabihan nila Loke? nandito din pala si Alex?
kamusta naman kaya ang lagay niya?
"trine....kamusta naman si Alex?" tanong ko
tumingin lang siya sakin ng napakalungkot...
nanahimik na lang ako
pagdating namin sa harap ng room ni alex...nakita ko na ang barkada
talaga ngang pumunta sila, pero bakit di ko man lang alam?
nagtama naman ang tingin namin si Sammy, medyo nagulat siguro siya na nandito ako...di nga nila ko nasabihan diba? Sigurado ako...kakausapin ako nito mamaya -_- pero...sasabihin ko ba sa kanya? haisssst ang hirap naman nito
bakit mo ba kasi ko nasali? haha jk lang. kakayanin to :) para sa kaibigan ko
====================================================================
A/N
may kasunod pa to weh. maya maya haha
ahm...kung masyadong madrama yung updates, sana ayos lang sa inyo haha
please bear with me. Madalas naman talaga may ganung part diba? haha
so ayun. drama drama muna :))
YOU ARE READING
It Started Because of Cheese ^.^ <ongoing>
RomanceNAGSIMULA ANG LAHAT SA KESOOOO SA ILONG...a story about love ng dalawang tao na nawaste ang 1st and 2nd chance pero nagkaroon ng 3rd chance :) ito na ata ang love story na puno ng pagkakaudlot at mga kontra pero pano kung sa story na ito....HINDI na...
