*Erntrine's POV*
gumising na ko. naligo, kumain. haha ayun. papalabas na sana ako ng room ng tumunog yung phone ko, nagtext si Sammy
ui ern! kakagising ko lang. mauna ka na!!!!hahahaha anu ba yan.choir ha
awwww. so hindi ko nanaman sya kasabay. ano ba naman yan. pag pasok kasi ng school sabay din kami ni sammy, nagkikita lang kami sa kanto. parehas lang kasi kami ng street, kumpara sa bahay nila kuya kakkoi, mas malayo si sammy samin.
so ayun, since maaga pa naman, nilakad ko na lang paputang school. pag late na kasi, nagjejeep na kami.
medyo wala pa ko sa ulirat kasi maaga pa nga dibaaa. tapos biglang...*crash* may sumagi saking nakabike tapos nalaglag yung shoulder bag ko, magagalit sana ako kaso nakita ko yung nagbibike na bumangga sa poste. nilapitan ko, at nagulat ako NANAMAN na si Percy a.k.a keso yun. bakit kaya lagi na lang sya? dinaig ako sa pagiging troublemaker eh! :)))
okay. naawa naman ako, di ko na tinanong na "okay ka lang ba" ayoko kasing mapilosopo haha
de sabi ko "akayin na kita, malapit na tayo sa school. sa clinic ka na magpahinga kung gusto mo"
"salamat. hahaha, talagang sa clinic eh noh?" sabi naman nya ng parang nakakaloko
"tawa ka pa dyan. san mo ba gusto magpahinga ha?" sabi ko naman ng parang naiinis
"sa puso....ahm okay nga sa clinic! henyo ka eh" sabi naman nya. tapos ayun nakarating na kami sa gate, may lumapit samin na lalaki. kung di ako nagkakamali, best friend nya to, si Leo
"ako na" sabi nya sakin. sabay kuha kay keso
"osige" sabi ko
"salamat nga pala ano...ahm?"
"trine" sabi ko na lang ng nakasmile
"ah oo, trine, nakwento ka sakin ni pe...(siniko sya ni percy) ah ano, salamat talaga!una na kami" sabi nya ng nakangiti. ano kaya yung sasabihin nya?nino?wahhh. pero ang cute nya ha. nako hmmmm. ang cute nya pang ngumiti! :")
ayun. naalala ko yung choir. kaya pumunta na ako sa social hall. buti na lang di ako late :) nag-ayos na ko dun ng mga kopya nung songs habang nagsisidatingan na yung choir members. nung medyo madami na, nagstart na kami. nakita ko na rin si sammy, kumaway sya sakin. tapos ayun sa kalagitnaan ng practice...bumukas yung pinto, at nakita ko si...si.... PERCY?at may kasama syang ilang kabarkada, tinignan ko kung andun si leo pero wala...wuhahaha, hinanap talaga si leo?landi mo trine,landi
"bakit parang ang aga naman nila?mamaya pa yung lahatang practice ah" tanong ko sa isang kamember ko
"ah ano kasi, napasok sila kahapon sa audition" sagot naman nya. O_O talaga?choir na siya?!wahhhhh
oo nga pala, di kasi ako nakaattend kahapon habang may mga nagauauditon...grabe, percy...choir? ano gagawin nito dito? mangkekeso? :)) pero buti na lang, medyo nakakalakad na sya ng matino kaysa kanina.
nilapitan ako ni Sir Sena "trine, pakibigyan sila ng kopya kasi di pa nila masyadong kabisado yung songs" -.- wala akong nagawa kundi sumunod
lumapit na ko sa kanila, saka inabot yung mga copies
"thank you nga pala kanina" sabi ni percy, nagulat ako. first time ko narinig ng seryoso yun ah!
pero tumalikod lang ako saka bumalik sa pwesto ko. kaso ang malas ko kasi nigroup ni sir yung mga bagong members para sa voicing. pinagtabi kasi yung soprano at tenor. HAY NAKO -____-
YOU ARE READING
It Started Because of Cheese ^.^ <ongoing>
RomanceNAGSIMULA ANG LAHAT SA KESOOOO SA ILONG...a story about love ng dalawang tao na nawaste ang 1st and 2nd chance pero nagkaroon ng 3rd chance :) ito na ata ang love story na puno ng pagkakaudlot at mga kontra pero pano kung sa story na ito....HINDI na...
