*Summer Before College*1

Start from the beginning
                                        

dumaan ang graduation ng ganon ganon na lang…naiisip ko, hindi man lang namin nakasamang grumaduate si Alex, kahit pa di ko siya kasabay, syempre…sayang pa rin.

Naalala kong kausap ko nga pala si Kesooo

"Mae,may sakit kasi ako sa puso, inborn. Matagal na kaming nakapila nun para sa heart transplant. Pero nito lang, weeks before nung prom, napadalas yung pagsakit nito kaya niconfine ako sa hospital..." gulat na gulat ako sa sinabi ni Percy

"bakit di mo sinabi samin man lang ha? Sinarili mo yan?! Keso, ano ba naman?! Si Leo, alam niya ba to?" medyo madiin kong tanong sa kanya

"alam niya t--"

"alam niya?! Pero wala man lang kami na rinig sa kanya? Ah! Nung prom, sang ospital ka non? sa AAA ba? kaya ba siya nandon?Hindi dahil kay alex....dahil sayo?" medyo huminahon na ako ng kaunti, dahil nasa harapan kami ng puntod ni Alex. Nakakainis lang kasi eh, di man lang niya sinabi samin? Magkakaibigan kami diba?

"oo EmE....kaya rin....kaya huminto rin ako ng panliligaw sayo pati, nakapagsinungaling ako. Ang akala ko kasi, di na ko tatagal. Ayoko lang nang, iiwan kita sa ere" pagkasabi niya non, hindi ko alam kung ano ba yung nararamdaman ko. nandon yung galit, tampo, lungkot at sakit

FLASHBACK

(yung sa coffee shop din nun. may dagdag details lang)

"kasi may girlfriend na ko" sagot niya </3 ano nararamdaman ko?

ano daw?

nabingi lang naman ako diba?

nung narealize kong malinaw na malinaw ang narinig ko....

EWAN KO. sa sobrang gulat ko, parang ang sarap muramurahin sa muka si percy, pero wala eh. di ko kaya, nganga lang tsk

"EmE, sorry" sabi pa niya

"bakit?" tanong ko ng mahina...kasi...pinipigil kong maiyak. seryoso ba siya? Joke to diba? hindi naman yun totoo diba? Bakit naman niya gagawin yun? Hindi nga kasiiiii

"EmE sorry talaga...kasi ano...kami na ni Joan" sabi niya ng parang nahihirapan...

EH? bakit ganun siya? nagpapanggap pa siyang nahihirapan siyang gawin to. nakakainis ka Percy >.< BAKIT KA GANYAN? haissst. Liar, pretender. i hate you.....?

hindi ko alam isasagot ko e. kung kayo ba yun? </3

Tek. nagagalit ako pero di ko mapakita, ni hindi nga ako makapagsalita eh. Pero para sa sarili ko, pinilit ko. Di ako papayag na ganito, ayokong magmukang tangang iiyakan siya or pipilitin siya sa'kin.

"okay. sige alis na ko" sabi ko ng nakatingin sa kanya ng deretso. akala niya di ko kaya?

eh akala niyo ba kaya ko? kung alam niyo lang gano kahirap. na imbes isumbat mo lahat sa kanya...yan lang yung sinagot mo

bago ako makalabas ng shop, hinila niya ko

"ano nanaman ba?"  inis kong tanong dahil na rin pigil na pigil na yung mga luha ko

hindi siya sumagot...kaya di ko mapigilang magtanong...

"PERCY, bakit siya? ano ba mali ko? Lagi na lang tayong ganito" sumbat ko

"kasi ano...kasi..."

"kasi ano percy?!" natatawag ko na siyang percy sa sobrang...ewan ko

It Started Because of Cheese ^.^ &lt;ongoing&gt;Where stories live. Discover now