Chapter 29: Group Call

69 6 0
                                        

Maye's
"Hello!" Sabi ko nalang at niloud-speaker ko na para naman marinig ni Jace kahit papaano.
"Magkasama ba kayo ni Jace?" Tanong nya agad. Wala man lang bang bati? Tsk!
"What if i say yes?" Natatawa kong tanong sakanya.
"Sus! Nasaan ba kayo?" Singit bigla ni Trystyn sa kabilang linya.
"Nasa rooftop po kami hehe." Biglang singit naman ni Jace sa usapan.
"AYIEEEEEE! I knew it!" Kinikilig na sabi ni Zyanya, oh? Akala ko ba magkasama sila nila Hildie? Tsk!
"Baliw.... so, bakit ka nga pala napatawag Hildie?" Seryosong tanong ko kay Hildie, kilala ko itong si Hildie eh, pag tumawag yan may sasabihin yan...
"Hahahahaha! Wala naman tatanungin lang sana namin kung magkasama nga kayo ni Jace and CONFIRM! Magkasama nga kayo." Sabi nya na lamang..... sinungaling.
"Ano nga yun kasi Hildie?! Kilala kita alam kong may sasabihin ka pa eh!" Kalmadong ko nalang sabi.
"Uhm si Cyrene kasi......" panimula ni Hildie. Putcha naman sya! Ang bagal naman nya!
"Ano?! Huwag mong pinapabitin." Naiinis kong sabi.
"Aish! Itong si Cyrene kasi hinahanap si Judson!" Sabi ni Zyanya na ikinatigil ko bigla pati si Jace.
"Oh? Bakit? Akala ko ba magkaaway ang dalawang yun?" Sabi nalang ni Jace.
"Oo nga pero itong si Cyrene kasi sumobra kay Judson kaya ayun nagalit si Judson kay Cyrene at nagwalk out." Singit ni Trystyn bigla.
"Ha? Bakit naman nagalit si Judson kay Cyrene?" Tanong ko naman.
"May nasabi kasing itong si Cyrene kay Judson na ikinagalit nya ng todo." Sabi na naman ni Trystyn na ikinataka ko sakanilang dalawa ni Cyrene at Judson..... ano na naman bang sinabi nitong si Cyrene kay Judson? Mapagsabihan nga yung si Cyrene.
"Aish! Naalala na naman nya!" Sabi ni Jace.... what?!
"Ang ano?" Tanong ko kay Jace.
"Ah wala hehe." Sabi nalang ni Jace kaya naman tinaasan ko nalang sya ng kilay.
"Eh, nasaan na si Judson?" Tanong ko ulit.
"Aba malay namin, lumabas na dito sa cafeteria eh, sinundan nga sya ni Twain eh, mabuti na yun para wala na ako makitang king-kong" Sabi nalamang ni Trystyn sa kabilang linya na sinuway naman nila Hildie at Zyanya.
"Si Cyrene?" Tanong ko na naman, ang dami kong tanong shemay!
"Sinundan din." Simpleng sagot ni Zyanya sa kabilang linya.
"Aba dapat lang!" Sabi ko nalang.
"Wow ha! So, mas kinakampihan mo pa yung Judson na yun kaysa kay Cyrene?" Naiinis na tanong ni Trystyn sa akin.
"Hindi naman sa ganun! Kaso nga lang kasi dapat magsorry talaga sya kay Judson kasi ginalit nya sya ng todo." Kalmadong sabi ko at tinignan ko saglit si Jace.
"Yeah i agree with that." Kalmadong sabi din ni Jace at tiningnan ako saglit.
"So, anong ginagawa nyo?" Pagchachange topic ko nalang.
"Hahahaha wala naman nagkwekwentuhan lang kami." Sabi ni Hildie, if i know kasama nila si Ian at Burleigh.
"Kasama nyo ba sila Ian at Burleigh?" Tanong ko na naman at bigla nalamang akong napangisi wala sa oras.
"Yesssss pooooo Mayeeeee! Hiiiiii!" Bigla singit ni Burleigh kaya naman napatawa nalang kami ni Jace.
"Hi Mayeeeee! Inaasar ka ba dyan ni Jace? Susuntikin ko sya!" Sabi nalamang ni Ian na ikinatawa ko lalo habang si Jace nakakunot na ang noo nya.
"Unahin muna kita dyan." Sabi ni Jace na ikinatawa nila Zyanya sa kabilang linya habang ako kinurot ko ulit sya sa ilong saglit.
"HAHAHAHA! So, nasa canteen parin ba kayo?" Tanong ko sakanila.
"Yeah sayang nga kasi kayong lima lang ang kulang dito." Naghihinayang sabi ni Burleigh.
"Ah ganun ba, sige pupunta nalang kami dyan ni Jace." Sabi ko na lamang at tatayo na sana ako nang bigla akong hilahin ni Jace paupo kaya tinignan ko sya ng masama.
"Huwag na Maye! Dyan na kayo ni Jace! Baka nakakaistorbo na kami sainyo." Sabi ni Ian na ikinatawa nila sa kabilang linya.
"Oo nga dyan nalang kayo ni Jace, para naman masolo nyo yung isa't-isa! Ayieeeeeee!" Kinikilig na sabi ni Zyanya at mas lalo lang silang tumawa na ikinamula ng mukha ko bigla.
"Hahahahaha! So kayo? Anong ginagawa nyo dyan?" Tanong ni Trystyn sa amin ni Jace.
"Wala naman nagpapahangin lang at nagkwekwentuhan." Simpleng sagot ko nalamang.
"Ahh ganun ba? Akala kasi namin kung ano ng ginagawa nyo dyan, HAHAHAHAHAHA!" Nag-aasar na sabi ni Burleigh na ikinamula pa ng mukha ko lalo.
"Aba loko ka ah!" Sabi ni Jace.
"Joke lang! Ikaw naman Jace, masyado mong sineryoso yung sinabi ni Burleigh!" Pang-aasar din na sabi ni Ian.
"Hala Maye! Late na tayo sa next subject natin ng 20 minutes!" Sabi ni Jace na ikinagulat ko.
"ANO?! HALAAAAAA!!!" Napatayo nalang ako bigla at nagpapanic.
"Kalma lang kayo, ano ba! Walang klase kasi may meeting daw yung mga teachers pero sabi nila bawal daw lumabas ng school." Natatawang sabi ni Zyanya kaya naman napahinga ako ng maluwag, kinakabahan kasi ako pagnalalate na ako hays.
"Ahh ganun ba? Hehe." Sabay naming sabi ni Jace at umupo nalang ulit ako sa tabi ni Jace.
"Sige na patayin na namin toh, baka kasi nakakaistorbo na kami sa moment nyong dalawa." Sabi nalamang ni Hildie.
"Oo nga naman!" Pangsasang-ayon ni Ian.
"Byeeeeeee!" Pagapapaalam ni Zyanya.
"Mamaya nalang ulit." Sabi naman ni Burleigh.
"Nagugutom na akooooo! Mamaya na!" Sabi ni Trystyn na ikinatawa ko. Lagi naman syang gutom.
"Wait—" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang pinatay na nila yung tawag. Bwisit yun aish!

"Loko talaga yung mga yun." Sabi ko nalamang sa hangin at nagpout nalang ako.

"Hahahha kaya nga!" Pasasangayon ni Jace at bigla nalamang syang tumawa.

"Pero masaya naman silang kasama." Sabi ko nalang at ngumiti sakanya at tumingin nalang ako sa langit.

"Uhm....Maye?" Tawag sa akin ni Jace kaya naman napatingin ako sakanya.

"Yes?" Tanong ko sakanya at nginitian sya.

"Ahh wala pala!" Sabi nya nalang at umiwas ng tingin kaya naman tinawanan ko sya saglit.

"Uhm, Jace?" Tawag ko naman sakanya pagkatingin nya sa akin tamang-tama naghihikab na ako.

"Inaantok ka na ba?" Tanong nya sa akin kaya naman tumango nalang ako sakanya.

"Oo eh, bumaba ka nalang kung gusto mo o kaya naman kung naboboring ka na." Sabi ko nalamanh at nginitian ko ulit sya tsaka ipinikit ko nalang yung mga mata ko.

"Sige, dito nalang ako." Sabi ni Jace na ikinamulat bigla ng mga mata ko at tinignan sya ng maigi, seriously?!

"Ha?! Sure ka?! Baka maboring ka lang." sabi ko sakanya at tinaasan sya ng kilay.

"Hahahaha! Hindi noh! Magdradrwawing nalang ako." Sabi na nalang at may nilabas sya sa bag na sketchpad,lapis, at mga coloe materials.

"Ahh sige." Yun na ang huli kong sinabi at tuluyan ko nang ipinikit yung mga mata at ilang saglit nalang nakatulog na ako.

When I'm With YouWhere stories live. Discover now