Chapter 8: I'm sorry

115 9 0
                                        

Jace's POV
Habang nagdidiscuss yung sir namin hindi ako makaconcentrate sa lesson. Hindi ko nga alam kung bakit? Tinignan ko si maye at ayun nakatingin lang sa harap at nakikinig, habang nagsusulat sa board yung sir namin kinalabit ko sya pero tumingin lang sya saglit sa akin at tumingin nalang ulit sa harap. Tinawag ko sya pero hindi na naman nya ako pinansin. Siguro nagtatampo sya sa akin yung nalate kami. Halata naman sakanya na ayaw na ayaw nyang malate dahil baka mamaya madetention sya wala sa oras hays. Hanggang sa kinukulit ko sya pero hindi parin nya ako pinansin hanggang sa sumuko nalang ako at tumingin sa harap pero bago yun may sinulat ako sa papel at ibinigay kay maye napatingin naman sya nun at kinuha yung papel.

Curious siguro kayo kung anong sinulat ko noh? Ito lang naman ang sinabi ko napakasimple. "Maye, im very sorry kasi ng dahil sa akin kaya tayo nalate i know that big deal na yun sayo. Hindi ko naman sinasadya na malate tayo. Babawi nalang ako sa'yo Maye promiseeeeee!" Yan ang sinabi ko sa papel. Maya-maya nagulat nalang ako nang ibigay sa akin ni Maye yung papel nagkatinginan kaming dalawa saglit akala ko talaga hindi nya lang yun papansinin pero tinaasan nya lang ako ng kilay pero nginitian ko lang sya ng tipid. At binasa yung nasa papel. Maski few words lang napangiti nya na ako. Alam nyo kung anong nakasulat "Yeah it's ok, sorry din kung ikaw ang sinisisi ko". Yan ang nakasulat tinignan ko ulit pero nakatingin na ito sa labas. Mamaya ko na nga lang sya kausapin pag tapos na yung klase hehe. Nakinig nalang ako sa discussion.

*KRING! KRING!*

Hays salamat at uwian na din tumayo nalang ako at kinuha yung bag ko. Nagpaiwan muna ako dito sa room at Hinintay ko munang makalabas yung mga iba naming kaklase kasi siksikan na akala mo may racing na kung sinong unang makalabas panalo.

Ngayon ko lang napansin na kami nalang pala ni Maye ang naiwan dito sa room kaya naman nilapitan ko sya pero bigla syang lumayo, until i'll pull her closer to me and whisper to her ear.

"Babawi talaga ako sayo bukas" sabi ko at lumayo na sakanya. Tinignan ako ng masama si Maye pero tinawanan ko lang sya, lumabas nalang sya ng room kaya naman lumabas na din ako. Nang nasa labas na ako na kami ng room namin nakita ko sila Zyanya na kausap si Maye na para bang magpapaalam na. Hanggang sa umalis na yung apat kaya naman nilapitan ko na naman sya at tinawag.

"Maye"tawag ko sakanya at lumingon naman ito sa akin habang hawak yung cellphone nya. Sino kayang katext nya? Aish! Ba't ko pa yun tinanong!

"Hmmmm?" Tanong nya sa akin at nilagay na nya yung cellphone nya sa bulsa nya at tumingin sa akin ng diretso.

"Uuwi ka na ba?" Tanong ko din sakanya at nginitian sya.

"Oo naman, bakit mo natanong yan?" Tanong sya din sa akin at nagtaas ng kilay. Oo nga naman bakit ko naman itatanong yun sakanya? Oo nga pala dahil sa concern ako sakanya as a friend! soon to be friends palang hehe.

"Uhm wala naman. Sige uuwi na din ako, ingat ka pauwi byeeeee!" Sabi ko sakanya at kumaway muna ako sakanya bago tuluyang umalis.

Maye's POV
Pagkaalis ni Jace pumunta nalang din ako sa parking lot kasi nandoon si kuya malamang, Ay shocks! Oo nga pala kailangan ko ng bilisan huhuhuhuhu. Kasi ba naman yang si kuya madaling mainip sa kakahintay. Arte lang eh noh? Sabagay ganun din ako hehe.

Nang makarating na ako sa parking lot nakita si kuya na nakasandal sya sa kotse namin habang nakatingin sa kawalan kaya naman tuluyan na akong lumapit sakanya maski kinakabahan ako ng todo baka mamaya pagalitan na naman nya ako wala sa oras. Nang makalapit na ako ng tuluyan sa kanya tinignan nya lang ako at pumasok na sa kotse, ni hindi nya ako pinagbuksan. Tsk! Un-gentleman na po sya kaya naman pumasok nalang din ako sa kotse at tinignan ko si kuya pero nakatingin ito sa akin ng masama. Ito na nga ba yung sinasabi ko eh!

When I'm With YouWhere stories live. Discover now