Chapter 6

34 10 8
                                    

Chapter 6: When I Saw You

Blaire's POV

Break timeee...

Niligpit ko mga gamit ko at inilagay ko sa loob ng bag ko tsaka tumayo

"Hmm... miss? Saan ang Canteen dito? Kasi bago lang ako eh. Pwede makisabay sayo?"tanong ng katabi ko kaya napalingon ako sa kanya

"Ahh... oo tara"sabi ko tsaka inantay ko siyang mataps magligpit tapos lumabas na kami ng classroom namin

"Ano pangalan mo? Miss Cute"omaygoddddd tinawag niya akong Cuteeee

"Blaire Aryanna Xavier"sagot ko

"Ganda na nga ng pangalan, maganda rin din may ari ng pangalan"sabi niya

Pakiramdam ko namula ako sa sobrang init ng mukha ko ngayon waaaahhh

"Ha? Ehh... thank you! Ikaw din hehe gwapo ka"sabi ko

"Naks, gwapo pala ako hahahaha"sabi niya "Hindi ko kasi iniisip na gwapo ako o kung ano kaya bihira ko lang marinig na may magsasabi ng gwapo sa akin"dagdag pa niya

"Ay ganun? Gwapo ka naman eh! Mukhang mabait pa! By the way! Ang ganda ng boses mo kanina! Sana all!"sabi ko at malapit na pala kami sa canteen ng hindi ko namalayan

"Hindi naman, hahaha mahilig lang ako kumanta dahil sa Mommy ko. Mahilig kumanta si Mommy"kwento niya

"Ay nandito na tayo"sabi ko

"Tara! Libre kita! Ikaw kauna- unahan kong nakilala dito"sabi niya sabay hila sa akin

"Omay! Jusko! Wag na! Nakakahiya Zachary"sabi ko sa kanya

"No, hahahah libre ko talaga! Promise wag nang mahiya"sabi niya kaya no choice

"Hahaha sige? Ikaw bahala kung ano ibili mo sa akin. Hindi naman ako namimili ng kung ano ano eh"sabi ko tsaka ngumiti siya waaaah Gwapo niya

"Hanap ka na ng upuan natin Blaire. Susunod na lang ako"sabi niya at tumango ako tsaka naghanap ng uupuan namin ni Zachary

Nang nakahanap na ako umupo ako baka kasi maunahan ako ng iba HAHAHAHAAHHA puno na kasi eh

"ERP!"Napalingon ako sa tumawag sa akin

"Oy Erp! Akala ko ba may practice ka?"tanong ko kay Prince at naka suot na ng Jersey

"Kakain lang kasi ako saglit! Eh ikaw? Bakit wala kang kasama? Sino kasama mo? Nasaan si Lexi"dami naman nitong tanong

"May kasama ako Erp, Si Dustin"sabi ko

"Close na agad kayo haha"ngumiti siya habang sinasabi niya yun at bigla dim nawala yung ngiting iyon sa labi niya

"Hindi naman Erp! Wala kasi siya kasabay mag Break time kaya sinabayan ko na siya"sabi ko at nakita ko si Zachary papunta na dito sa pwesto ko

"Ahh... tingin ko nga hahaha. Sige na kakain pa ako Erp. Kain ka ng madami!"sabi niya at ngumiti sa akin

"Sige, text na lang ah? Ingat"sabi ko sa kanya bago siya tumalikod sa akin

Umupo na si Zachary sa harapan ko at may dala siyang Dalawang Fried Chicken with rice, dalawang salad at lemon juice. Ang yaman niya

"Ito sayo oh" sabi niya inabot niya sa akin yung Fried Chicken with rice at yung Salad tsaka yung Lemon Juice

"Thank you Zachary"sabi ko medyo nahihiya akong kumain

"Kain ka lang jan! Wag ka mahiya! Ikaw pinaka unang kaibigan ko dito sa Campus na ito"sabi niya saka kumagat siya ng Fried Chicken niya

Love at First SightWhere stories live. Discover now