6 ~ Words

372K 13.5K 4.9K
                                    




CHAPTER SIX

MADILIM pa lang ay bumyahe na si Alexza papunta sa beach house nila Drake. Kalahating oras ang layo niyon mula sa condominium niya na nasa syudad. Pagkatapos niyang makipag-usap sa binata no'ng hating gabi ay dinatnan din siya ng antok. Payapa ang naging tulog niya kahit ilang oras lang dahil alam niyang ayos na si Blake.

Aligaga siya buong maghapon kahapon kakaisip sa bata, nang mag gabi ay hindi niya na nakayanan at tinawagan na talaga si Drake upang mangamusta. She's thankful that Blake is okay, she felt at ease because of that.

Ibinaba niya ang bintana ng sasakyan ng makatapat sa gate ng beach house. Pataas na ang araw, malamig pa rin ang simoy ng hangin. Ang hampas ng alon sa dagat ay marahan lang, nakakarelax.

"Good morning ho, bibisitahin ko lang po si Blake." Magalang na bati niya sa security guard sa gate ng bahay ni Drake.

"Pangalan ho, Ma'am?"

"Alexza Mendez, Blake's teacher."

Tumango lang ito na para bang inaasahan na na darating siya ng gano'n kaaga. The gate went open, pinaandar niya ang sasakyan niya sa loob.

Drake beach house is newly renovated. Hindi ganito ito noon. Mas nagmukhang moderno na ngayon ang dalawang palapag na bahay sa harap niya. The wall is the combination of white and royal and light blue, kasing kulay ng dagat. Each window and wall glass weren't tinted enough, you can still see some parts from inside.

Bumaba siya sa white Chevrolet niya at kumatok sa mayor na pinto. Naka-ilan katok na siya pero wala namang nagbubukas.

"Tulog pa po siguro ang mag-ama, Ma'am."

Napalingon siya sa nagsalita. Ang puting polo shirt na suot nito ay katulad ng gwardiya sa gate. Malamang, gwardiya rin ito.

"Ang mga kasambahay ho kaya?"

"Mamaya pang alas otso pa ang dating ng mga 'yon. Pasok ka nalang sa loob Ma'am."

"S-Sige po. Salamat."

Iyon nga ang ginawa niya. Pinihit niya ang doorknob at napailing pa siya na hindi iyon naka-lock. Sa pagpasok niya ay nagpaka-feel at home siya. Sa kusina siya dumeretso at nag-umpisa ng maghanap ng lulutuin para sa almusal ng mag-ama. Of course, she did not only think about Blake, she also think about Drake. Sa ganitong paraan man lang ay makabawi siya sa ginawa niya sa lalaki.

Mula sa salamin ng bintana ng kusina ay tanaw niya sa labas ang unti-unting pag-liwanag ng paligid. Tahimik naman ang buong kabahayan. Halatang tulog pa ang mga nakatira.

She used to visit this beach house before, she and Drake had some memories here. His bedroom was her most favorite place of this house, because that's the only place where she and Drake made love over and over again. It was the best feeling ever. She treasure it very much. She will never forget those days that she was with him. Kung sana ay pwede pang maulit ang mga sandaling iyon.

Pasado alas sais na nang matapos siyang magluto ng hipon na sinabawan, she also baked some cookies and pancake. Then she cooked garlic fried rice, bacon, ham and sunny side up egg for Drake. She made them milk and black coffee.

She smile at herself while looking at the breakfast she made. It feels like she's making it for her husband and son. Damn, sana nga totoo nalang ang iniisip niya.

Dala ang unang tray ay nilagpasan niya ang kwarto ni Drake, sa halip ay ang katabing silid ang pilit niyang binuksan.

Tumalon ng husto ang puso niya nang makita ang itsura ng mag-amang mahimbing na natutulog. Blake is laying his head on Drake's stomach, ang isang braso naman ng binata ay nakadantay sa tiyan ng anak.

Territorial Men 2: Drake Villafuente (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon