5 ~ The Only One

Magsimula sa umpisa
                                    

Sasama pa talaga itong babaeng 'to sa Villafuente's beach house? Do'n kasi nakatira ang mag-ama, katabi lang ng Beach Resort ni Drake.

Tumayo na rin siya nang pumayag si Blake na umuwi na. Kinarga ito ni Drake palabas ng clinic, nakasunod si Maisie pero siya ay sa nurse dumeretso.

"Excuse me, how about Blake's medicine?" Untag niya sa nurse.

Nakangiti itong nag-angat ng tingin sa kanya. "Okay na po Miss Alexza, natawagan ko na ang private nurse ni Blake, papunta na po 'yon sa bahay nila sa mga oras na 'to."

"Private nurse?"

The nurse nod. "Yes po, Blake has private nurse every time he got a fever. Kinukumbulsyon po kasi 'yung bata kapag sobrang taas na ng lagnat. Mabuti nga po at nadala mo siya kanina kaagad dito."

The news made her weak and even more worried. Paano kung lagnatin na naman si Blake? Paano kung umabot sa titirik ang mga mata ng bata dahil sa sobrang taas ng lagnat? Parang hindi niya kayang makita sa ganoong sitwasyon si Blake.

"G-gano'n ba. Sige Miss, salamat." Aniya saka nagmamadaling sinundan sila Drake.

Sa parking lot niya na naaubutan ang tatlo. Nasa backseat si Blake at si Maisie, si Drake naman ay papasok na sana sa driver's side pero nahinto nang makita siyang papalapit.

His brooded eyes that stares at her, makes her feel so uncomfortable. His browse furrowed before he spoke.

"Did you forget anything, Miss Alexza?" The formality of his tone is the reason why her heart is beating hurtfully. It sounds like a conversation between teacher and her student's parent.

Dahil sa kirot ng puso niya ay hindi siya pansamantalang nakapagsalita. She avoided his gaze and drop her eyes on the tinted window  at the backseat of his black Bentley. Without clearly seeing Maisie and Blake inside, her chest tightened bitterly for some reason, jealousy suddenly eat her.

She wanted to be Maisie all of sudden so she could be with Blake, so she could take care of Blake. She want to do it. But how? If the man in front of her is obviously hates her.

Alexza gulp and compose herself, trying her best to act normal even deep inside, she's hurting because of so many reasons.

"G-gusto ko lang sabihin na...huwag mo na muna papasukin si Blake bukas kahit gumanda na ang pakiramdam niya."

Drake eyes remain on her. He did not bother to speak, nakatitig lang ito sa kanya. Kahit noon pa man ay hirap na siyang basahin ang saloobin ng kaharap, pero isa lang ang sigurado siya sa ngayon...

Drake hate her.
Drake hate her presence.

Nakiusap lang ito sa kanya kanina para kay Blake. Wala nang iba. Ang kaunting pag-asa na bumangon sa dibdib niya kanina ay isinantabi niya na.

Siguro nga ay dapat itigil niya na ang nararamdaman para sa binata. Ilang taon na ang nakalipas, hindi na sila babalik sa dati. Hindi na siya 'yung babaeng mahal ni Drake. Hindi na siya 'yung babaeng gusto nitong pakasalan. Hindi na siya 'yung babaeng gusto nitong maging ina ng mga magiging anak nito. Malaki na ang nagbago. Ang pagmamahal niya lang naman para dito ang hindi.

"Okay," his voice was cold. It won't help her. "Anyway, thank you for taking care of my son while waiting for us."

"W-walang anuman," she force to have a casual tone but her voice cracked. "M-mag-iingat kayo,"

Huminga siya ng malalim. Ang mga titig nito ay nakakapaso, para bang maraming gustong sabihin pero mas piniling kimkimin. Tahimik na gumagalaw ang galit na mga panga.

Hindi niya na kaya pang tumagal sa gano'ng sitwasyon, kaya siya na mismo ang umiwas.

Alexza walk towards her car and hop inside. Sa windshield ay tanaw niyang pumasok na rin si Drake sa sasakyan nito.

Territorial Men 2: Drake Villafuente (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon