Wala kana sa akin, kasi nasa kanya kana.

13 0 0
                                    


"Wala kana sa akin, kasi nasa kanya kana"

Takot ng masaktan
sawa ng maiwanan
paulit ulit nalang nararamdamang
hindi naman dapat

Kailan ka ba darating
upang punan ang
puso kong nasasaktan
nang dahil sa kanya?

Pwedi bang pag iniwan ka niya
bumalik ka nalang ulit sa aking piling
mahal kita
tanggap kita
tanga na kung tanga
Pero ayaw ko ng mawala ka

Hindi ko kase lubos maisip
na ako'y iyong bibitawan
na sa pagdating niya sa buhay mo
ako'y bigla mong nilisan

Ang daming bakit at sana
ang tumatakbo sa isip ko
pero dalawa ang mas nangibabaw dito
Yung bakit siya ang pinili mo?
at yung Sana ako nalang ulit.

Alam kong darating ang araw na to
na kung saan ako'y iyong lilisanin
at siya'y iyong mamahalin
pero bakit ganun?
Diko tanggap
Diko kayang mawala ka

Dahil ba mahal kita
kaya ako nagkakaganito
o sadyang nasa iba ka na
Kaya hindi ko lang matanggap na
Wala kana sa akin, kasi nasa kanya kana.

HerFeels, blackhartx

Her Feels.Where stories live. Discover now