5 ways para hindi umasa sa wala.

13 0 0
                                    

Umpisahan natin sa iilang tips, para hindi ka umasa sa wala.

***

5 ways para hindi umasa sa wala.

1. Wag bigyan ng malisya ang mga ginagawa niya.

Ito talaga yung first na nangyayari kaya tayo umaasa e. Wala naman kasing meaning binibigyan mo ng meaning. Ano ka dictionary? Wag ganun mga te!

2. Wag kiligin sa mga sweet actions niya.

Nahawakan lang yung kamay or niyakap feel mo gusto kana. Kaya ka nasasaktan e. Bilis mo kase mafall, lalo na sa mga sweet gestures na wala lang naman sa kanya.

3. Wag assuming or feelingera.

Wag mag assume na magkakaroon ng 'Kayo'. Dahil in the first place hindi naman siya sayo at alam mong wala naman talagang pag-asang maging kayo. Minsan kase wala namang masama kung gigising ka sa katotohanan. Try mo ding uminom ng kape, para magising ka sa katotohanang walang kayo at hindi siya magiging sayo.

4. Wag magpadala sa mga asaran.

Inasar lang ng barkada nafall na. Wag ganun! Wag papadala sa mga barkada at umiwas na sa asaran. Baka kasi mamaya ikaw sineryoso mo na ang asaran nyo habang siya eh trip ka lang pala. So sad bes :<

5. Wag mahalin ang dapat kaibigan lang.

Ito talaga yun e. Kanino pa nga ba tayo umaasa sa wala? Edi sa bestfriend natin diba? Alam mo naman kasing hanggang kaibigan lang minahal mo pa. Edi ayan nasaktan ka. Kaya dapat wag mahalin ang taong kaibigan lang. Pag kaibigan lang dapat kaibigan lang, wag ka ng maghangad na maglelevel up pa. Dahil may mga tao talaga na kinakaibigan lang.




Tama naman diba? Haha comment down sa mga nakarelate. #KaibiganLangPala

Her Feels.Where stories live. Discover now