CHAPTER 72

1.7K 66 3
                                    




Xiah's POV

Nakalaipas ang ilang linggo ay halos walang araw na ginulo ako ni Xavier tapos si Jax naman palalayuin si Xavier tapos mamaya sila na yung nagsasagutan hanggang sa aalis na lang ako kasi nakakarindi talaga yung sagutan nila kulang nalang kadasagutan nila ma tatarak na kutsilyo sa isa eh. Wednesday ngayon kaya mamaya pang nine ang pasok namin. Kaya naisipan kong mag-mall muna.

"Xiah?"napalingon ako sa bumanggit ng pangalan ko.

"Oh Hi! Kamusta?"

"I'm perfectly fine dear,anyways I'm still waiting for your decision."

"Just wait for it Ms.Sommerville."I smiled.

"Ylona."pagtatama niya. "So I gotta go?"

"Sure."tumango ako at ngumiti.

Pagkalipas ng isang oras ay naisipan kong umuwi na. Pagdating ko sa bahay ay umakyat agad ako at pumunta sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit at humiga sa kama. Kinuha ko yung HIH season 1 na bigay sakin ni ate Casstielle at sinimulang basahin. Chapter Eleven na ako,dun sa part na sinali ni Deib Lohr si Maxpein sa Billiard tapos nalaman lang ni Maxpein at Naih nung may pinapipirmahan yung coach.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pagkagising ko ay bumangon agad ako at tiningnan ang orasan sa bedside table ko.

9:30 am

Bigla akong tumayo at dali-dali kumuha ng tuwalya kaso kamalas-malasang nadulas ako sa rug na nasa sahig tapat ng bathroom ko.

*BOOGSH!*

Hinawakan ko yung paa ko. "Aw!" Magkaka-sprain pa ata ako eh! Late na nga eh. ToT

"Xiah ano ba yan?!"sigaw ni kuya sa labas ng kwarto ko.

"W-wala kuya nadulas la--

*BLAAG!*

Agad nagbukas ang pinto at lumapit si kuya sakin. Hinawakan niya yung part ng paa ko na namumula.

"Tch!"binuhat ako ni kuya ng bridal style at inupo sa kama ko.

"Magpatulong ka kay Jessa maligo tapos lalagyan ko ng benda yan pagkatapos."lumabas na si kuya sa kwarto ko at maya-maya pa ay dumating na si Jessa.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot na ako ng panloob tsaka sinuot ang bathrobe bago ako lumabas ng banyo at alalayan ni Jessa. Pagkatapos kong makapagbihis ay binendahan na ni kuya yung paa ko.

"Hindi kasi nag-iingat."

"Late na ko kuya eh."I pouted.

"Oh yana tapos na."binaba ni kuya yung paa ko. "Tara na at ihahatid ka ni Mang Berting ngayon. Kung ayaw mo maglakad meron tayong naka-ready na wheelchair at isasakay kita don."tumayo naman agad ako dahilan para muntik na akong matumba kasi naramdaman ko ang sakit ng isang paa ko.

"Tch! Tara na!"nauna ng umalis si kuya at tinulungan naman ako ni Jessa bumaba ng hagdan hanggang sa labas din.

Handsome😎 864 missed calls
Xavier 853 missed calls
Gizel 87 missed calls
Kate 34 missed calls
Hannah 16 missed calls

Pagdating namin sa school ay inalalayan ako ni Mang Berting bumaba.

12:30 pm na!!

"Xiah hija? Magwheel chair ka kaya? O saklay?"sabi ni Mang Berting habang inaalalayan akong maglakad.

"Nako okay na po Mang Berting kaya ko na po ito sunduin niyo na lang po ako mamaya pagnagtext na ako sa inyo."

"Sigurado ka ba hija?"

A Girl in a Boys' School(OLD VERSION )Where stories live. Discover now