CHAPTER 56

1.7K 55 3
                                    


X VS. J

Xiah's POV

Pagkalipas ng isang linggo ay tine-text pa din ako nung anonymous texter na babe pa ang tawag sakin. Anyways isang linggo na lang at exam na namin for this quarter tapos marami na din ang excited sa prom kahit malayo-layo pa naman yun,hindi pa nga nagki-christmas party eh.

Beep!

Hayst. Hindi talaga pumapalya to sa pagte-text.

From:Anon

Hi babe! Kumain ka na?😙

Sent 10:03 am

Break time namin ngayon at gawain na niya talaga ang pagte-text kung kumain na daw ba ako. Naisipan kong itanong kung bakit niya ako tinatawag na babe eh hindi ko nga siya kilala.

To:Anon

Babe?!

Sent 10:04 am

From:Anon

Yes babe? May problema ka?

Sent 10:04 am

To:Anon

WHO ARE YOU????

Sent 10:05 am

I'm always asking him kung sino siya but he always change the topic and I won't make that happen again.

"Sino ba yang ka-text mo Xiah?"tanong ni Migz sabay kagat sa burger niya.

"Oo nga."si Cason naman na sumisipsip ng juice.

"Yung anonymous texter niya."pinangunahan na ako ni Hannah sa pag sagot.

"Sino daw ba siya?ARAY!!"binatukan ni Gizel si Cason.

"Tangek! Kaya nga anonymous texter di ba?"-Gizel.

Beep!

Tiningnan ko yung phone ko para tingnan kung sino yung nag-text pero hindi pala sa akin ang tumunog kaya binalik ko ulit yung cellphone ko sa table.

"I got to go."sabi ni Jax tapos isinakbit na niya yung bag niya sa isang balikat at naglakad na palayo kami naman ay naiwan ditong tulala.

"Anyare dun?"--Kate.

"May nag-text eh tapos yun umalis na."--Hannah.

"Baka pupuntahan si Sandra?ARAY NAMAN!!!"binatukan na naman siya ni Gizel.

"May utak ka ba talaga?"sarkastikong tanong ni Gizel.

"Kaya nga! Ex na yun okay? EX na! Jusko naman Cason."-Migz.


*****

Pagkatapos ng break time namin ay hindi pa din bumabalik si Jax kaya naman dumiretso na kami sa room para intayin ang prof. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na si sir.

"Good Morning class!"sabi ni sir kaya naman tumayo kami at nag good morning din.

"Good Morning sir Baylon."sabi naming lahat tapos umupo na.

"Seems like wala si Ruderpord ah?"sabi ni sir habang ina-ayos yung gamit niya sa table pati yung test papers namin na umabot na ata ng ilang buwan bago ibalik. Tanda niyo pa ba nung nag long test kami tapos yung kay na Jax ay up to 800? Ngayon palang ibabalik.

"Bersosa! 98 over 125!"

Tsk! Hindi talaga magaling sa surname pronounciation itong si sir Baylon. Verzosa yun eh. Pataas ng pataas ang score habang tumatagal at hindi pa kami natatawag nila Gizel at nila Migz.

A Girl in a Boys' School(OLD VERSION )Onde as histórias ganham vida. Descobre agora