CHAPTER 9

3.6K 145 24
                                    

 
  I Like You
 
  Kringg!!
 
  "Guys gising na!!"gising ko kay na Gizel. Dito na sila natulog sa kwarto ko kasi kasiya naman sila pero para mapadali pag liligo kami ay pwedeng sa mga guest rooms nalang sila maligo. 5 guests rooms ang meron kami at lahat ng yun ay may bathroom.
 
  "Goodmorning!!"—-Gizel.
 
  "Morning."humikab pa si Hannah.
 
  "Morning!"si Kate.
 
  "Guys kung maliligo na din kayo may bathroom sa mga guest room namin dun na kayo maligo para madali tayo pero kung gusto niyo antayin niyo akong matapos tapos kayo naman ang sunod."
 
  "Ah sige! Sa guest room na lang ako para sabay sabay tayong matapos!"—-Gizel.
 
  "Ako din!"—-Hannah.
 
  "Sige!"—-Kate.
 
  Lumabas sila ng kwarto ko at pumunta sa mga guest rooms para makaligo na sila. Ako naman ay pumasok na sa banyo ay naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng shorts at loose shirt. Tapos inayos ko ang buhok ko ng messy bun. Pagkatapos nun ay naglinis na ako ng kwarto ko at lumabas na ng kwarto.
 
  "Jessa gising na ba si kuya?"nakasalubong ko si Jessa na papunta ata sa Movie room.
 
  "Hindi pa ata..wala pa sa baba eh."
 
  "Ah ok."pumunta ako sa labas ng kwarto ni kuya at kinatok ang pinto.
 
  "Kuya?"
 
  "Kuya papasok ako ha?"tiningnan ko kung lock ang pinto at nung hindi ito lock ay binuksan ko ang pinto at sinilip.
 
  "Woi kuya gumising kana kakain na ng breakfast!!"
 
  "Ge susunod ako."
 
  Bumaba ako at pumunta sa dining.
 
  "Manang ano pong breakfast natin ngayon?"
 
  "Bacon,fried rice,egg,vegetable sanwich."
 
  "Ah sige po...Ate patawag naman kay na Gizel nasa mga guest room sila pasabi magbreakfast na dito sa baba."utos ko dun sa maid namin. Hindi naman ako tamad eh,kumakain na kasi ako ng breakfast kaya ayoko namang patigl tigil. Maya maya pa ay bumaba na sina Hannah.
 
  "Kain na guys! Para mamaya ay makapag swimming na kayo."sabi ko sa kanila.
 
  "Ay oo nga pala! Imbitahan kaya natin si Yuan?"—-Gizel.
 
  "Ay magandang idea para hindi na mag meet up sila Xiah diba?"——Hannah.
 
  "Sige pagkatapos nating magbreakfast imbitahan niyo na."
 
  "Oo nga! Baka isama niya sila Migz."—-Hannah.
 
  Pagkasabi ni Hannah nun ay nagkunwari kaming nabulunan.
 
  "Morning girls!"si kuya Shan na kagigising lang.
 
  "Morning!"sabay sabay naming bati.
 
  "Oh kuya kain ka na."
 
  "Aalis pala ako Xiah mga 7:30 pm nandito na ako."
 
  "Anong oras ka aalis kuya?"
 
  "After I eat maliligo lang ako at magbibihis tapos aalis na agad ako."
 
  "Ok."
 
  Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa Movie Room para manood. Masyado pa kasing maaga para sa swimming tsaka kakain lang namin tapos wala pa si Yuan. Sabi daw kasi ni Yuan ay pupunta siya kasama si Cason at Migz. Ayaw daw sumama ni Jax eh kaya tatlo lang sila. Anyways nanonood kami ngayon ng Insidous The Last Key.
 
  "Ahhh!!!oh my gosh nasa likod na niya!!!"—-Kate.
 
  "Oh my geez!!!!malapit na!!!wag ka lilingon sa likod mo anuba!!!"—-Hannah.
 
  "OMG ayan na!!!ayan na!"
 
  "Shiz lilingon ata siya!! Wag ka lumingo mygosh!!"—-Gizel.
 
  Pagkatapos naming manood sa Movie Room ay bumaba na kami dahil nandiyan na daw sila Yuan sa labas.
 
  "Hi guys! Buti nakapunta kayo!"—-Gizel.
 
  "Ang laki naman ng bahay niyo Xiah!"—-Cason.
 
  "Oh tara pasok kayo!"yaya ko sa kanila.
 
  Pagkapasok namin sa loob ay pumunta na agad kami sa backyard para makapaghanda na. Para nga kaming may pool party sa dami ng pagkain na hinanda namin. Most of our foods are finger foods. Habang nag aayos pa kami ng mga pagkain ay biglang nagsalita si Cason.
 
  "Guys!alam niyo?para sumama si Jax dapat imbitahin niyo si Sandra!sure ako sasama yun."
 
  "Oo nga."—-Migz.
 
  "Sige!Sige!"—-Hannah.
 
  Pagkatapos naming mag ayos ng mga pagkain ay nagsiligo na kami sa swimming pool.
 
  Kami nina Gizel ay mga naka one piece swimsuit at ang mga boys naman ay naka shorts. Pero syempre nag short din ako. Habang nag swiswimming kami ay pumunta si Jessa samin.
 
  "Xiah may tao sa labas,Sandra daw."
 
  "Ay!sige Jessa papasukin mo siya tapos pa deretso mo dito thank you!"
 
  "Hi? Si Jax??"salubong ni Sandra.
 
  "Wala pa. Baka mamaya dumating na din yun."—-Migz.
 
  "Halika na!swimming tayo!"—-Gizel.
 
  "Ah sige,mamaya na pagdating ni Jax."
 
  Tss.
 
  After an hour nagsi-ahon muna kami para kumain. Tapos dumating na si Jax.
 
  "Jax!kanina ka pa iniintay ni Sandra para makapag swimming ang tagal tagal mo naman!"—-Yuan.
 
  "Ah sorry traffic eh."
 
  Pagtapos nun ay tumahimik na. Mga nakain kasi eh HAHAHAHA.
 
 
  "Uhm..Xiah."pagbasag ni Yuan sa katahimikan.
 
  "Oh? Bakit Yuan?"
 
  "Yung meet up na hindi natulo—-
  Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.
 
  "Ah sige!tara sa living room. Guys diyan muna kayo ha!"
 
  Pupunta na sana kami ni Yuan sa living room kaso nagsalita si Hannah.
 
  "Yuan ano ba yun? Dito mo na kasi sabihin. Baka magsel——
  Hindi natapos ni Hannah yung sasabihin niya dahil tinakpan ni Kate yung bibig niya.
 
  "Ah oo nga! Yuan dito na pala tayo."
 
  Lahat kami ay nakatingin kay Yuan at nag aabang nang sasabihin niya.
 
  "Ano kasi...."
 
  "Ano?"sabay sabay pa kaming lahat.
 
 
 
 
 
 
 
 
  Kate's POV
 
  Lahat kami ay nakatingin kay Yuan at nag aabang nang sasabihin niya.
 
  "Ano kasi...."
 
  "Ano?"sabay sabay pa kaming lahat.
 
  "I like.....Xiah."
 
  Aw...ang sakit naman. Ang manhid mo!
 
  "Xiah,I like you."—-Yuan
 
  "Uhm kukuha lang ako ng tubig guys."sabi ko.
 
  "May tubig naman ayun oh."
 
  "Ah oo nga pala comfort room lang ako."sabi ko.
 
 
 
 
 
 
 
 
  Cason's POV
 
  Nagulat kaming lahat sa confession ni Yuan kay Xiah and to my observation,may nasaktan ata halata naman eh.
 
  "Xiah,anong masasabi mo?" Si Migz na ginawa pang microphone yung kamay.
 
  "I...I don't know what to say."
 
  "Ayos lang atleast nakapag confess ako."
 
  Pagkatapos nung confession ni Yuan kay Xiah ay nagseimming na kaming lahat at syempre bumalik na si Kate na galing daw sa comfort room.

A Girl in a Boys' School(OLD VERSION )Where stories live. Discover now