Chapter Twelve

45.4K 2K 155
                                    

Boom!

Ica's

"What are you even doing here?"

Hindi ko na maintindihan si Mikee. Ilang beses na niya akong pinapahiya sa harapan ng pamilya ko tapos nandito na naman siya. She ruined y relationship with my brother at kahit na gaano ako kagalit sa kanya ay wala akong ginagawa sa kanya dahil kahit paano ay inirerespeto ko pa rin si Rael pero ang pangugulo niya, iyon ang isang bagay na hindi ko maiintindihan.

"I am taking you home." She told me.

"Then I won't come with you." Matigas na wika ko. Nakipagsukatan ng tingin sa akin si Mikee, kunot na kunot na ang noo ko. Tumaas ang sulok ng bibig niya.

"Whatever happened to your mistress? Don't answer it. Karma niya iyan, bagay lang sa kanya." Walang abog na wika niya. Hinawakan ko siya sa braso at saka hinatak palabas ng silid ni Berry. "Ica, ano ba, nasasaktan ako."

Paglabas namin ay sinampal ko siya. Wala akong pakialam kung nakitingin ang lahat sa amin, basta sinampal ko siya.


"Ang kapal ng mukha mo! Bakit moa ko sinaktan! Ganyan ka na ba talaga sa akin ngayon?! Ica, I am just asking you to come home with me to Boston! Magsisimula tayong muli!"

"Ayoko nga!" I hissed at her. "That ship sank already, Mikee. Hindi pwedeng pagkatapos mo akong itapon, na pagkatapos mo kaming siraing magkapatid, babalik ka sa akin na parang walang nangyari."


"Ang sabi mo, ipaglaban kita!" Wika niya pa sa akin. "This is me fighting for you!" She hissed at me.

"Wrong! Kung gusto mo akong ipaglaban, you will start by telling your family the real you, Mikee. If you do that, maybe then we can talk. Ngayon, umalis ka na!" Sigaw ko. Muli akong pumasok sa silid ni Berry. She was sitting on the bed, looking at the door, para bang hinihintay niya akong pumasok. I smiled.

"Sorry about that..." Naupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. "I'm so sorry. Hindi dapat nangyari iyon."

"Clearly, Nautica, she's still in love with you." Wika niya sa akin. "And I kind of understand her." Sabi niya pa. "Ang mga babae, lahat ginagawa nila kapag gusto nilang makuha ang taong mahal nila – even if that means ruining someone else's life. Hindi ko naman sinasabi na tama iyong ginagawa niya but she clearly loves you, Ica and you are very much in love with her. Bakit mo pinipigilan ang sarili mo?"

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. "You can finally be with her. Kung talagang gusto mo siya, sumama ka sa kanya."


"Why are you even telling me this? Labas sa usapan si Mikee, Berry." Kunot na kunot ang noo ko.

"Ica, mahal kita, pero hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa'yo. Hindi ko nga alam kung tama bang makaramdam ako ng ganito sa'yo. Babae ako – well the last time I checked, babae ako pero ikaw, you made me realize things. You've made me feel things. And right at this moment, I know and I am sure that it's you that I want, pero hindi ko pwedeng ipagpilitan ang mga sinasabi ko o ang nararamdaman ko para sa'yo kasi may sarili kang desisyon. Kung sinong gusto mo, Ica, kung anong gusto mong mangyari, sige na lang. Sabi nga diba, if you love them, let them go. And that's what I am doing with the hopes of you coming back but since it's Mikee, I know that it will never happen."

Bumitiw si Berry sa akin. She wiped her tears. "Iwanan mo muna ako, please..." She said. Napilitan akong bumaba sa kamang iyon at umalis. Paglabas ko ng pinto ay nakita ko si Mr at Mrs. De Lara na pabalik na sa silid ni Berry. May dala na silang mga food basket.

"Ica, saan ka pupunta?" Tanong ni Mrs. De Lara sa akin.

"Uuwi po muna ako. Si Berry po nasa loob, nagpapahinga." Hinawakan ako ng Mama ni Ica sa braso.

Barely NakedWhere stories live. Discover now