THE MEETING

492 9 2
                                    

Ngayon na pala yung contest na sasalihan ng grupo ni Tom. Dahil pumayag na si Jaz na pumunta ako, magkikita lang daw kami ni Grace sa park para sabay na kami pumunta sa venue. Excited na ako!! ^__^

Tapos na akong magbihis at ready ng umalis ng pagbaba ko ng hagdanan nakita ko si Jaz. Nakabihis din siya. May lakad kaya siya?

"Jaz! Saan lakad mo?"

Tanong ko sa kanya habang papalapit ako sa kinatatayuan niya. Nakatayo kasi siya sa may pinto.

"Sasama sayo!"

Mahinahon niyang sagot! O_O

"Sasama ka sa akin? Bakit?"

"Bakit naman hindi?"

Hindi ko naman kasi inaasahan na sasama si Jaz. Ano naman gagawin niya dun? Baka gusto din niya i-cheer sila Tom. HAHAHA.

"Wala naman. Tara na?"

"Ikaw lang naman ang hinihintay ko eh. Tara!"

Kaya ayun, umalis na kami. Tinext ko na din si Grace na sa venue nalang kami magkita kasi kasama ko naman si Jaz. Madali naman kami nakarating sa venue at buti nalang hindi pa nagsisimula ang contest. Ang daming tao. May kanya-kanyang supporters ang kada grupo. Syempre, may taga cheer din ang The Movers. Karamihan sa mga schoolmates ko andito din eh kaya panigurado maraming sisigaw para sa grupo nila Tom.

"Jaz, doon tayo oh."

Nakita ko kasi si Grace. Nakaupo sa mabilang side ng audience. Kinakawayan niya kami. Kaya madali ko siyang nakita. Sumunod lang din naman si Jaz sa akin. Hindi siya nagsasalita.

"Grace, kanina ka pa?"

"Kadarating ko lang din. Medyo nauna lang ako ng konti."

"Buti nalang hindi trapik eh."

"Oo nga. Nakita ko na din si Tom kanina kaya lang hindi kami nakapag-usap. Nasa backstage na kasi lahat ng contestants eh."

Nagsalita naman agad ang emcee. Naputol tuloy ang usapan namin ni Grace. Si Jaz, tahimik pa din. Halatang ayaw niya sa mga ganitong lugar. Inisa-isang pinakilala ng emcee ang mga hurado. May lima daw kasing hurado eh. Nagulat nalang kami ng ipakilala ang ika-limang hurado.

"And the last judge is the famous International Dance Choreographer and Producer... Miss Vivian!"

Isa sa mga judge si Vivian? Hindi ako makapaniwala. Pati si Jaz napatigil at napatingin sa akin ng makita niya si Vivian na tumayo mula sa judge's table.

"Umuwi na tayo Meg."

"Hindi Jaz. Dito lang tayo."

Kung maghaharap kami ni Vivian, siguro ngayon na ang tamang panahon. Tinadhana sigurong magkita kami ngayon. Sana lang walang masamang mangyari. Walang nagawa si Jaz. Hindi kami umalis. Pagkatapos naman ipakilala ang mga hurado ay nagsimula na ang contest. Isa-isang nagpakita ng galing sa pagsayaw ang bawat grupo. Huli naman na sumayaw ang grupo ni Tom. Sabi nga nila, save the best for last. Haha.

"Please give a round of applause to.. The Movers!" Emcee

"Go go go The Movers.."

"Go Tom!!! Yey!!"

"Break a leg The Movers!!!"

"Yey!! Galingang nyo!!"

Panay hiyawan at sigawan ang naririnig namin. Syempre, papahuli ba naman kami ni Grace? Eh di sumigaw din kami para suportahan ang The Movers. Pero si Jaz, tahimik pa din. Mukhang mas lalo siyang tumahimik ngayon eh. Ano kayang iniisip niya? Malamang tungkol kay Vivian na naman.

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon