GETTING THERE

648 10 2
                                    

Simula noong nakita ko sila Jaz, Miss Bree, Anne at Rick sa rooftop last week, hindi ko na ulet nakita si Jaz. Ewan ko ba para kasing may tinatago sila sa akin eh. Ano kaya yun? Hindi na din pumapasok si Jaz sa school. Ayoko naman siyang puntahan sa bahay niya, inuunahan kasi ako ng takot baka mangyari na naman yung nangyari noon. Eh kung si Miss Bree nalang kaya ang tanungin ko? Tama! Siya nalang talaga ang pag-asa ko.

Pagkatapos ng klase ko, pinuntahan ko agad si Miss Bree sa faculty office. Kailangan ko siya makausap bago ako umuwi. Kumatok ako sa faculty office at pinapasok naman ako ng isang teacher. Nakita ako ni Miss Bree at lumapit agad siya sa akin. Lumabas naman kami ng faculty office para mag-usap.

"Anong problema Megan?"

"May itatanong lang po sana ako Miss Bree.. Ano kasi eh.."

Nakikinig lang siya sa akin. Yung mukha niya parang hinihintay niya yung kung ano ang sasabihin ko. 

"Alam nyo po ba kung asan si Jaz?"

Tumingin ako sa mga mata ni Miss Bree. Para namang pinipigilan niya ngumiti. Anong meron sa tanong ko?

"May tinatapos lang si Jazmine, Megan. Wag mo siyang alalahanin. She's okay!"

"Ganun po ba? Eh asan po siya ngayon?"

"Wala siya dito. Nasa malayo siya."

"Miss Bree? Ahmm.. Yung tungkol po dun sa sinabi nung Anne?"

Halaa! Bakit biglang seryoso yung mukha niya? Malamang seryoso din yung dahilan bakit hindi nila pwedeng sabihin sa akin. Kanina pigil siyang ngumiti pero ngayon parang nangulat siya na parang hindi niya alam yung sasabihin na parang ewan.

"Megan, si Jazmine na ang magsasabi sa iyo tungkol doon... Sa tamang panahon."

Kailan kaya ang tamang panahon? Ano kaya iyon at kailangan na si Jaz pa ang magsabi sa akin? Tsaka, ano ba yung tinatapos ni Jaz? Naguguluhan na talaga ako. 

"Sa ngayon Megan, umuwi ka na at maggagabi na."

Hinawakan naman niya yung kamay ko. Ngayon ko lang napansin, kaparehas sila ng singsing ni Jaz. Kaya ba nakakalabas siya kapag may araw? Pati ba si Anne, Tom at Rick meron din nun?

***BSF***

Dahil gusto kong maglakad para makapag-isip, hindi ako sumakay ng jeep papunta sa bahay namin. Naglakad lang ako simula sa kanto papunta sa bahay. Malapit na ako ng parang naramdaman kong may sumusunod sa akin. Naku! Sino naman kaya yun? Medyo gumagabi na. Nilingon ko sa kanan, walang tao. Sa kaliwa naman wala din. T_T

Tatawid na sana ako ng bigla namang may nakita akong dumaan sa harapan ko, yung parang tumatakbo ng mabilis na mabilis na parang hangin lang pero sure ako na tao yun? Nakakagulat! Nakakatakot na sobra! Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada. May bumubusina na sa akin na sasakyan pero tinignan ko lang yung kotse. Hindi kasi ako makagalaw. O baka feel ko lang ito? Dahil sa takot ko, tumutulo na pala ang luha ko. Nakita ko naman na bumukas yung pinto ng kotse. May babaeng lumabas.

"Magpapakamatay ka ba?"

Tinignan ko lang siya pero hindi ako nagsasalita. Naglalakad naman siya papalapit sa akin.

"Babe, iwan mo na nga yan. Let's go!"

Boyfriend niya siguro yung tumatawag sa kanya. Lumabas din ito ng sasakyan pero tumayo lang sa mag pinto ng kotse. Nakalapit na sa'kin yung babae.

"Hey, are you okay?"

Umiiyak pa din ako. Hindi kasi talaga ako makapagsalita. Nararamdaman ko pang nanginginig pa ang mga tuhod ko.

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon