Chapter 29- Faithfully

11.3K 328 10
                                    

Sakura

Mayroong dalawang kwarto sa quarters ni Kiro. Actually, maliit na bahay na ito...hindi ang inaasahan kong apat na sulot lang na kwarto. At meron na ring mga gamit.

"Fully furnished pala." I said pagpasok namin. Tutulungan ko siyang mag-ayos ng gamit. Naks, parang newly wed lang. We unpacked his things... Ako ang nag-ayos sa kusina, siya na ang nag-ayos ng gamit niya sa kwarto. Ang daming pinadala ni mommy na pagkain parang ang layo ng pupuntahan ni Kiro.

Nang maayos ko na ang kusina, kumuha ako ng notepad at sinulat ang mga kailangan nya pang bilin. Naabutan ako ni Kiro na nakaupo sa isang high chair at nagsusulat sa kitchen island.
"What are you doing?" Tanong niya at sinilip ang sinusulat ko. He hugged me from my back and kiss my head.
"Nilista ko yung mga kulang mong gamit." Pinakita ko sa kanya ang listahan.
"Kailangan ko ng coffee machine?" Tanong niya nang mabasa niya ang sinulat ko.
"Uh-huh... Para makagawa din ng latte." I replied.
"Hindi ako mahilig sa latte." Sabi nito.
"Ako, mahilig." I said.
He kissed my head again. "Okay. Ilista mo lang." Sabi niya.

Napatingin kami sa pintuan nang tumunog ang door bell.
"Ako na, Kiro." Prisinta ko. Pagbukas ko ng pintuan, bumungad sa akin ang isa sa ex ni Kiro.
"Nandiyan ang kapatid mo?" Tanong nito.
"Wala si Kenshin dito." I replied sabay balibag ng pintuan. Napatingin sa akin si Kiro.
Nagpipindot na naman ang babae sa door bell.
"Ano?" Sigaw ko sa kanya pagbukas ko ng pintuan.
"Huwag ka ngang bastos. Hinahanap ko si Kiro." Mataray na sagot ng babae. Nasaan ba ang steak knife kapag kailangan mo?!
"Hindi ko kapatid si Kiro. Boyfriend ko siya."
"Nagpapatawa ka ba?" Tanong ng babae. Aba't...gusto niyang makalbo.

"Sakura..." Hinawakan ni Kiro ang balikat ko para kumalma.
"Hi...Kiro. Ayaw akong papasukin ng kapatid mo." Malanding sabi ng haliparot na babae.
"Hindi ko siya kapatid. Girlfriend ko siya." Sagot ni Kiro.
"Ha? Di ba magkapatid kayo? Ano to? Incest?" Tanong ng babae.
"Alin ang hindi mo maintindihan sa sinabi naming hindi kami magkapatid ni Kiro? Saang parte ng sentence ang hindi mo maintindihan? Abnormal ka ba?" Pinigilan ako ni Kiro na makalapit sa babae.
"I don't need to explain to you. Please go." Sabi ni Kiro sa kanya. Si Kiro na ang nagsarado ng pintuan.

Nanginginig pa rin ako sa galit.
"Hey, look at me."
Nangingilid ang luha ko ng tumingala ako at tumingin kay Kiro.
"You don't have to fight for a place in me to anyone. My heart is only yours. You don't have to explain to them, Sakura." Pinahiran ni Kiro ang luha na dumaloy mula sa mga mata ko.
"I love you Sakura."
Mas lalo yata akong naiyak...
"I'm forever yours." Dagdag niya pa.
"Faithfully?" Nangingiting tanong ko. Tumango si Kiro.
"Faithfully." He said.
Yumakap ako sa kanya. "I love you."
"I know." He replied.
"I love you so much. Please remember that." sabi nito.

Bumitaw si Kiro sa akin. He held my face and I look in his eyes.
"I love you." He softly said before he kisses me tenderly and I slowly close my eyes.

"Can we do bad things?" I murmured in between his kisses.
"Don't tempt me, please." He replied.

Good things come to those who wait.

Forever Yours (Completed)Where stories live. Discover now