Chapter 19- The Perfect Advice

9.7K 309 12
                                    

Kiro

Ano kaya ang tumatakbo sa utak ni Sakura? Kalmado pa siya ng lagay na yan habang hindi ko alam ang gagawin ko!

"Kiro..."
Napatingin ako kay Sakura na nakaupo na sa table niya.
"Pwede bang magrequest ng kahit dalawang monitor? Kahit tig 32 inches na TV lang."
Tumango ako. I can't even trust myself to speak.

Iniwan ko siya sa office ko at kinausap si Asahi.
"Did you see Mr. Song earlier?" Tanong ko sa kanya. Nasa meeting room kami na katabi lang ng office ko. Tumango si Asahi.
"I ask one of our spies to follow them. They knew each other. That is for sure." Sagot ni Asahi.
"Did Mr. Song said anything about Sakura?"
"He is looking at her earlier. I don't know if he recognizes her. His men went back to the Club to look for that woman who dances the other night. He seems to like the masked woman. Mr. Song even tempted to pay double for her."
I closed my fist to calm my nerves.
"Anyone in our men knew who she is?"
Umiling si Asahi. "Good thing she was wearing a wig and a mask that night."
"There is someone in our group that is working on the other side," I said to Asahi.
"I will update you as soon as I have that information. Some of our men are questioning the ladies who were that masked woman. Nobody knew her. They even said she can't speak Japanese."
"Good. Investigate those men who are looking for the masked woman. Do not speak her name."
"Careful on your emotions... They might use it against you, Kaede." Asahi warned me.

Bago siya lumabas, nagbilin akong maglagay ng dalawang TV sa kwarto. I video called Gab ng maiwan akong mag-isa sa meeting room.

"Balita?" Tanong nito.
"I need back up, Gab. I need someone who will tag with Sakura."
"Why?"
"Ayaw niyang magpa-pull out. Mukhang nakilala siya ni Mr. Song na siya ang sumasayaw noong isang gabi. That man wanted her. Gusto niya pang magbayad ng doble para lang makuha niya yung masked woman."
Umupo ng maayos si Gab.
"We are looking for a trail between your cousin and Mr. Song. Sakura and Xykie are working on their theory." Sabi ni Gab.
"Isa pa yan. Pwede bang barilin ko na lang si Takashi?"
Tumawa si Gab. "Gago hindi pwede. Suspended ka nga di ba? Magiging kaso mo yan, wala ka sa Knights pre. Lalabas na crime of passion yan."
I snorted. "Kailangan ko ng bantay kay Sakura. Hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan dito."
"Sige, ako ng bahala doon." Sagot ni Gab.
"Salamat."
"Eh kumusta ang sweet torture mo? Kaya mo pa ba?"
"Tangina mo kang chismoso." Sagot ko sa kanya. Lalong tumawa si Gab kaya sumilip si Xykie sa monitor kung sino ang kausap nito. Xykie waved at me then went back to her station. Nasa HQ pa pala ang animal kung mang-usisa.
"Alam mo brad, wala kang laban dun. Sumuko ka na. Ano pa ba yang pinaglalaban mo at pinipigilan mo yang nararamdaman mo?"
"Gago ka. Nandiyan si Xykie. Daldal mo Gabriel para kang nakainom."
"Sige lalabas ako. Teka, transfer ko sa phone ko." Saglit nawala si Gab. Pagbalik niya nasa isang meeting room siya at nasa phone.
"Lumabas na ako ng HQ... Magsalita ka na. Mukha ka ng kulang sa tulog. Para ka ng singkit na panda." Sabi nito. Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang si Gab sa akin.

"Alam mo, hindi naman natin kasalanan kung ano man ang kasalanan ng magulang natin." Sabi nito.
"Ano yang pinagsasasabi mo, Gab?"
"Alam na ng lahat ang tungkol sa arranged marriage ng pamilya nyo. Iyon ba ang gumugulo sa isip mo ngayon?"
"Ano nakain mo?" Ganting tanong ko.
"Mahirap makipagsapalaran sa second chance." Taningang gago, nasa mood magpayo.
"Hindi lahat nabibigyan ng second chance. Ano ba kinakatakot mo brad?"

"I am not good for her," I said to Gab after a while.
"Kay Sakura?"
"Sino pa ba pinag-uusapan nating dalawa?!"
"Okay...fine...Galit ka agad. So you thought you are not good for her...Dahil ba sa mayaman siya?" Tanong ulit ni Gab.
"That...and look at my life. Head ng Triad... Anong klaseng buhay mabibigay ko sa kanya?"
"As far sa I know, isa kang Knights, Kiro. At kung iisipin mo naman ang yaman niya, nagdaan din ako sa ganyan... Sa tingin mo hindi ako nanliit sa yaman ng daddy ni Cailee?"
Hindi ako kumibo.
"Handa ka bang makita siyang hawak ng iba?" Tanong ni Gab.
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Iniisip ko pa lang na magdadate sila ni Takashi, umiinit na agad ang dugo ko.
"Kung hindi eh isantabi mo ang pride mo." Dagdag ni Gab. "Wala na tayong magagawa sa yaman nila."

"They are the only family I left, Gab. I will lose them if I fucked up." I said it out loud.
"Naiintindihan ko." Tumango si Gab.
"Since they are your family, they will understand you kung magkamali ka. Sabi nga ni daddy sa akin, hindi niya ako kadugo pero anak nya pa rin ako. Ganun din si Tito Ayano sayo. Kung nalilito ka na sa gagawin mo, bumalik ka sa tanong na kung kaya mong makita si Sakura na hawak ng iba. Madali lang naman ang sagot sa problema mo. Nakakatakot lang talaga ang unang hakbang."

Natatawa akong nailing. "Tarantado ka...ang aga mong lasing Gab. Sige na. Yung pinapakiusap ko sayo."
Ngumisi si Gab. "You're welcome..."

Forever Yours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon