Chapter 12- Mission Impossible

9.1K 294 9
                                    

Sakura

Pucha, hindi ko gustong magpahalik kay Miguel pero kailangan. Nanonood si Kiro. Although si Kiro ang first kiss ko. Not that he knew that. Natutulog siya nun, sobrang lasing at nakatulog sa sala. I kissed his lips while he was sleeping. Ang lambot ng mga labi niya. But now, Miguel's lips are slippery...Ang dami nyang laway, feeling ko malulunod ako.

"Nagsign off na si Kiro." Sabi ni Xykie sa headset na binigay niya sa akin kanina. Tinulak ko ng bahagya si Miguel para bumitaw. Kulang na lang punasan ko ang bibig ko dahil basang basa.
"Pero si kuya Gab nakasign in pa." sabi pa ni Xykie.

"Can we take it slow?" I asked Miguel. Kung hindi baka gilitan kita. Gusto kong idagdag.
"Sorry...Ang ganda mo kasi. And I feel like we have known each other na." Sabi nito. May pa conyo pa siya. Ngumiti ako at pasimpleng humigop ng ice tea para mawala ang trace ng saliva niya sa mouth ko. Then nagpunas ako sa napkin. Hay, thank you Lord sa napkin. Malaking tulong siya sa akin sa mga oras na ito.
Lumapit si Violet at Brooklyn sa akin at salamat ng marami nang gumawa sila ng excuse para makatakas ako kay Miguel. Para makapag-usap kami ng maayos, lumipat kami sa The Lakeside resto. Sumunod sa amin si Xykie.

"Is it working?" Tanong ni Brook.
"Malay ko. Hindi ko naman napakinggan ang usapan nila Kuya Gab at Kiro. Alam ko lang nakasign in si Kiro, at binuksan ang cctv sa Club Zero. Then Kuya Gab downloaded Miguel's information." Sagot ni Xykie.
"Boom... Iyon na yon." Excited na sagot ni Violet.
"Sinend ni Kuya Gab ang info kay Kiro?" Tanong ni Brook.
Tumango si Xykie habang umiinom ng wine.
"Hindi kaya malintikan si Miguel kung incase lang na nagseselos nga si Kiro?" Tanong ni Summer habang nagbibigay ng drinks sa kabilang table. Nakaupo kaming apat sa bar at si Summer ang nagseserve sa amin. Natahimik kaming lima.
"Pinapaasa nyo ako." Naguguluhan ako sa mga kaibigan ko.
"Kinikilig ka naman." Violet replied.

"Sakura... meron akong nakitang mission sa system. Kakapasok lang." Pabulong na sabi ni Xykie.
Nagkumpulan kaming lima dahil mukhang secret ang sasabihin niya.
"Mayroong illegal na slave trade sa Japan. Sex Slave... at... nakita ko ang Red Dragon Triad ang isa sa prime distributor nito. Ngayon, kailangan ng isang spy for this mission." Bulong ni Xykie.
Napatakip ng bibig si Summer, Violet at Brook.
"Feeling ko hindi si Kiro ang may gawa niyan kung hindi si Haru pa...But then again, Kiro will be out of this mission because of his involvement sa Triad. Pwede kang makapasok sa slave trade." Dagdag pa ni Xykie.
"As a Sex Slave?" Tanong ni Summer.
Tumango kami ni Xykie.
"Hindi ba delikado?" Tanong ni Brook. Hindi kami kumibo.
"Kailangan ni Kiro ng back up. Someone is trying to set him up." Sabi ko. Tumango si Xykie.
"Iyon din ang hinala ko." Sabi niya.
"Pero sino?" Tanong ni Violet.
"Iyon ang kailangan namin malaman sa mission na yun." Sagot ni Xykie.
Tumango ako. "Hihintayin ko ang meeting."
"Parang nakakatakot na ang susunod na gagawin nyo ah." Bulong ni Summer.
"Gangster si sweetie eh...what to do?!" Tukso ni Violet.

Hayyy... anong katangahan ang gagawin ko nito sa Japan?

————————
A/N
2 UD lang ngayon.
sensya na

Forever Yours (Completed)Where stories live. Discover now