"Hahaha!" hindi ko maiwasang magpakawala nang malakas na halakhak dahil sa sinabi ni Aaron. Kahit kailan talaga itong kaibigan kong ito, kahit anong seryoso nang usapan biglang babanat nang kaartehan. Nakakaloka!

"Tawa ka pa d'yan!" irap nito sa akin.

"Sorry na... Fairy God Mother na lang para masaya." ani ko saka ko siya nginitian nang napakatamis.

Mabilis itong tumayo bago kinuha ang kanyang bag at kapeng iniinom sabay sabing, "Iyan... Kung ganyan ba naman edi matutuwa pa ako sayo." maarte niyang wika bago isinuot ang kanyang Gucci Shades.

"Oh! Saan ka pupunta?"

"Lalarga na ako bakla, magkikita pa kami ng jowaers ko... Tara hatid na kita sa Trinus." pagpi-prisinta nito saka pinaluwagan ang daraanan ko.

"Tara..." nakangiti kong sambit saka ko ikinawit ang aking kamay sa kanyang kaliwang braso.


*****


Habang nasa sasakyan kami ni Aaron ay biglang tumunog ang aking telepono. Mabilis ko namang tiningnan ito at nakita ko na tumatawag si Josh.


Hubby ❤️
Calling...


Mabilis ko namang sinagot ito, "Hubby..."

"Baby, where are you? Nandito na ako sa bahay niyo, sabi ni Tita maaga ka raw umalis?" batid ko ang pag-aalala sa boses nito nang sagutin ko ang kanyang tawag.

"Shoot! Hubby, nakalimutan ko pong tawagan ka kanina. Nagkita kasi kami ni bff at on the way na kami sa Trinus. Sorry po..." hinging pasensya ko kay Josh. Dahil nakalimutan ko talagang itext siya para sabihing hindi na ako magpapahatid sa school.

"Haaayyy..." buntong hininga nito sa kabilang linya. "Okay... Just text me when you get to school, para alam ko na safe kayo ni baby."

Bigla namang sumagi sa aking isipan ang tungkol sa amin anak. Haaayyy... Hindi ko maiwasang makaramdam nang tampo kay Josh, dahil matapos nang lahat ay parang wala lang sa kanya ang mga kinaharap naming problema.

"Hey baby... Still there?" biglang sambit nito sa kabilang linya.

"Y-yes... Sige text na lang kita mamaya." matabang kong turan sa kanya.

"Okay... I love..." hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin, at mabilis kong pinatay ang linya ng telepono.

Sa totoo lang nagtatampo ako kay Josh, kaya't ayokong sagutin ang I love you niya. Ewan ko ba, masyado akong nagiging sensitive na kulang na lang ay para na akong tanga na naghihintay nang proposal galing sa kanya.

Gusto ko sanang kausapin si Josh, kaya lang nahihiya akong magtanong sa kanya. Baka kasi isipin niya na masyado akong nagmamadali, at iniisip ko na baka ako lang naman talaga ang may gustong maikasal sa kanya.

Kung sabagay, hindi ko naman masisisi si Josh. Wala naman kasi talaga sa plano namin ang pagkakaroon ng anak. Ayoko naman na ma-pressure siya, dahil baka kapag nasakal siya sa pangungilit ko ay mas lalo naman kaming malintikan nang magiging anak ko.

Baka imbis na kasal na, baka mapurnada't maging bato pa...


*****


Matapos ang aking klase ay agad kong nasilayan si Josh na prenteng nakasandal sa kanyang sasakyan. Mabilis naman itong napaayos nang tayo nang mapansin niya ang aking presensiya. Nakangiti niya akong nilapitan bitbit ang isang dosesnang rosas na kulay pula.

"Hello baby..." masigla niyang salubong sa akin saka ako hinalikan sa labi. Matapos niya akong mahalikan ay maagap siya dumukwang para mahalikan ang aking tiyan. "Hello angel, nandito na si Daddy." masigla niyang turan bago ako muling hinarap.

"For you..." aniya bago iniabot sa akin ang bouquet ng rosas.

"Thank you hubby..." nakangiti kong sambit sa kanya.

Nginitian din niya ako pabalik bago ako kinabig papalapit sa kanya, "Tara baby... Dinner tayo sa labas."

"Okay po..." mabilis pa sa alas-kwatro kong sang-ayon sa kanyang kagustuhan. Susme! Aarte pa ba ako? Masama kayang tanggihan ang grasiya.

Halos mangilan-ngilan lamang ang kumakain sa restaurant na pinuntahan namin ni Josh. Masasabi kong mamahalim ang establisyamentong aming pinasukan, dahil sa ambiance nitong hindi pangkaraniwan.

Habang abala ako sa pagsuyod nang aking paligid ay naramdaman ko ang malamig na kamay ni Josh, na humaplos sa ibabaw ng aking kamay.

Mabilis ko naman itong hinawakan pabalik, "H-hubby... Ayos ka lang ba? Bakit nanlalamig ang kamay mo?" halos hindi na ako magkaintindihan sa aking kinauupuan dala nang pag-aalala.

Nginitian lang ako ni Josh nang alanganin at nabatid ko agad ang kaba sa kanyang itsura, "I-I'm fine baby... Malakas lang siguro 'yung air condition nila rito."

Napatango-tango lang ako sa kanyang sinabi, ngunit hindi roon nakatuon ang aking isip. Bakas na bakas kasi sa mukha ni Josh ang kaba, hindi ko alam kung tama ako nang napapansin pero mukang may hindi siya sinasabi sa akin eh.

"Here's your order Maam, Sir..." biglang salubong nang waiter bago inihain ang masarap na pagkain sa aming lamesa.

"Thank you..." nakangiti kong pasasalamat sa waiter saka ito tuluyang lumisan.

Tahimik lang kami ni Josh habang kumakain nang masasarap na putahe. Napapansin ko na panay ang tingin nito sa ilalim nang lamesa, na animo'y may sinisilip doon.

"Hubby... Ano bang sinisilip mo d'yan?" kunot noo kong pagtatanong sa kanya, at para makampante ay bahagya na rin akong sumilip sa ilalim ng mesa para makita kung anong kaganapan doon.

"W-wala baby..." biglang sambit niya nang hawakan niya ang malaya kong kamay. "Tapusin mo na 'yang kinakain mo, dahil may pupuntahan tayo." anito at dali-daling nilantakan ang kanyang kinakain na animo'y wala nang bukas.

Gusto ko pa sanang tanungin kung saan kami pupunta or kung may problema ba siya, ngunit mas nananaig ang kagustuhan nang anak ko sa aking sinapupunan na masayaran nang kinakain kong truffle pasta. Kaya't nagkibit balikat na lang ako at nag-focus sa aking pagkain.



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now