OSL Kabanata: 32

6.9K 274 14
                                    

Wala pang kalahating oras, ay narating na agad ni Nicole ang tahanan ng mga Dela Vega. Mabilis naman siyang pinapasok ng kasambahay doon, at itinuro nito kung nasaan ang kanyang kasintahan.

"Thank you po." pasasalamat ng dalaga, bago tuluyang pinuntahan ang binata sa garden.

Dagli niyang hinagilap si Josh at agad naman niyang nakita ito na abala sa pagsimsim ng alak, habang nakatampisaw ang mga paa sa swimming pool.

"Hubby..." saad niya sa binata, nang tuluyan niyang narating ang kinauupuan nito.

Namumungay ang mga matang binalingan naman siya ni Josh sabay sabing, "B-baby ko!" masiglang usal nito, na animo'y galak na galak na makita siya.

Napapailing na inalalayan na lang ito ng dalaga, saka dahan-dahang pinaupo sa bench na yari sa plastic, "Ano ba kasing naisipan mo at may painom-inom ka pang nalalaman d'yan." iritableng sambit ni Nicole nang tuluyan niyang maiupo ito.

"N-nicnic ko... Upo ka r-rito, please." namumungay na saad ni Josh habang pinapagpag ang kanyang kanlungan.

Napairap na lang sa kawalan ang dalaga, bago sinunod ang kagustuhan nito. Tahimik na naupo si Nicole patagild sa mga hita ng binata, bago ikinawit ang kanyang kanang braso sa batok nito.

Segundo lang ang lumipas nang maramdaman niya, na ipinulupot ni Josh ang mga braso nito sa kanyang maliit na bewang bago isinubsob ang mukha nito sa kanyang leeg.

Sandaling katahimikan ang pumagitna sa magkasintahan nang biglang magsalita si Josh, "Nicnic... W-wag mo akong iiwan ha?" malungkot na sambit ng binata habang mahigpit na nakayakap sa kanyang nobya.

Sa puntong iyon ay biglang nakaramdam ng awa si Nicole rito, dahil mukang may malaking problema itong dinadala. Segundo lamang ang lumipas nang maramdaman pa niya na may luhang dumausdos sa kanang bahagi ng kanyang leeg.

Dagli niyang sinilip ang mukha ni Josh at hindi nga siya nagkamali, dahil umiiyak na nga ito ngayon. Mabilis siyang humiwalay dito bago umupo sa tabi ng binata, "Anong problema? Handa akong makinig, Josh." malumanay niyang saad habang pinapalis ang mga luhang nagkalat sa mga pisngi nito.

Mabilis namang itinukod ng binata ang mga siko nito sa kanyang hita bago pinagsaklob ang mga daliri, na animo'y doon kumukuha ng lakas para labanan ang kanyang nararamdaman ngayon.

"Galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon."

Mabilis natigilan si Nicole sa kanyang narinig, wala mang nabanggit, ngunit malakas ang kutob niya na si Raine ang tinutukoy nito. Mas pinili na lang ng dalaga na manahimik, dahil gusto niyang malaman kung anong pinagdadaanan nito ngayon.

Mabilis namang binalingan ni Josh ang kanyang kasintahan nang hindi ito sumagot, at nakita niya na ngumiti lang ito sa kanyang ng alanganin. Dagli niyang hinawakan ang mga kamay nito sabay sabing, "Baby... Wala akong intensyon na saktan ka, gusto ko lang makausap si Raine para humingi ng tawad."

Hinawakan naman pabalik ni Nicole ang kamay nito, "Naiintindihan ko, hubby... Teka, ano bang nangyari?" malumanay niyang saad dito.

Humugot muna ng isang malalim na hininga ang binata sabay sabing, "After you told me that I had to make up my mind at the reunion, I decided to talk to Raine and tell her everything. As in lahat ng nalalaman ko tungkol sa pag-alis ni Icarus. Alam ko na magagalit siya sa akin, dahil sino ba namang matutuwa sa ginawa ko." mapaklang usal ni Josh at bahagya pang natawa sa huling salitang kanyang naisambit.

One Sided Love ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang