Face your fear

60 3 0
                                    

Ilang linggo pa ang lumipas at hindi na ulit kami nagkita ni Marcus. Hindi na rin ito nagpaparamdam sa akin pagkatapos nang nangyari doon sa karinderia. Nakaupo ako ngayon at nagbabantay sa bagong business na tinayo ko. This is what keeps me busy. Kaya siguro ay mabilis ko nakakalimutan si Marcus. Maganda nga pala talagang distraction ang pagiging busy. Pero bakit ko nga ba siya iniisip ngayon? Parang nakita ko kasi siya kanina na umaaligid-aligid sa building o guni-guni ko lang iyon? Masyado na ba akong napaparanoid? O kaya naman... namimiss ko lang talaga siya kaya parang nakikita ko siya kahit wala naman talaga siya dito.

Bumuntong-hininga ako at nag-ayos na lang ng mga papel na nakakalat dito sa table. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng gutom kaya umalis muna ako sa pwesto ko para kumuha ng pagkain sa bahay. Madalang naman kasi ang bumibili ng tanghali dahil sobrang init at mukhang kumakain din sila sa kani-kanilang bahay.

Matapos kumain ay nakatunganga na naman ako ulit sa harapan ng tindahan. Gusto kong umalis at magpunta ng mall. Mabuti na lang at may kasama ako sa pagbabantay ng tindahan at pinaalalahanan ko siya na bantayan maigi ang tindahan at maging alerto sa lahat ng oras. Hindi kasi natin alam kung ano ang pwede mangyari. Marami pa naman dito sa amin mga riding in tandem. Muntik na akong mabiktima noon. Isang lalaki ang bumili ng sim card at pagkaabot ko ng sim card ay retailer sim daw pala ang hanap niya. Medyo nairita ako at nasigawan ko siya. Pinakita pa nito sa akin ang wallet na tanging isang libong piso ang laman kaya mas naging kahina-hinala. Hindi rin bumababa ang kasama nito mula sa motor. Mukhang matapos makapangloko ay kakaripas ng takbo ang dalawa. Mabuti na lang at alerto ako kaya wala sila nakuha sa akin.

Mabilis akong umakyat sa kwarto para magbihis at matapos iyon ay umalis na ako. Hindi rin naman ako magtatagal sa mall. Pagkarating ko sa mall ay agad akong bumili ng paborito kong inumin sa Starbucks. Dire-diretso lang ako pagkabukas ng pinto at agad na pumila. Kakaunti lang ang tao ngayon dahil huwebes pa lang ngayon. Pag-angat ko ng tingin mula sa bag ko dahil hinahanap ko ang wallet ko ay nakatitigan ko si Marcus. Malawak ang ngiti nito sa akin pero kita ang lungkot sa mga mata nito. Nag-iwas naman ko ng tingin at hinanap ulit ang wallet ko.

“Good morning, may I have your order?” Turan nito sa akin habang nakatitig pa rin ito sa akin. Anumang oras ay maari na akong matunaw sa sobrang pagtitig nito sa akin. Pinatong ko ang bag ko sa counter nang hindi ko mahanap ang wallet ko. Shit. Naiwan ko pa sa bahay ang wallet ko. Agad akong tumingin kay Marcus at nagsalita.

“So-sorry, I won’t order anymore.” Iyon lang ang sinabi ko at agad na umalis sa harapan niya. Bago pa man ako makalabas ay hinigit na nito ang braso ko at kinalakadkad ako patungo sa restroom ng shop. Laking gulat ko nang isandal niya ako sa likod ng pinto at ni-lock niya iyon. Ano na lang iisipin ng mga tao sa labas? Baka isipin nila na may gagawin kaming milagro dito ah!

“A-ano bang ginagawa mo, Marcus? Palabasin mo nga ako dito!” Hindi ko napigilang mapasigaw dahil kinakabahan at natatakot na rin ako sa ginawa niya. Hindi naman ako makatakas dahil kinulong niya ako gamit ang kanyang mga braso. Nakatitig lang siya sa akin at ganoon din ako sa kanya.

“Ace...” Panimula nito. Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinigilan ang nagbabadyang luha na tumulo sa aking mga mata. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko siya namiss at na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tuluyang nakaka-move on sa kanya. Oo, nakakalimutan ko nga siya kapag busy ako pero ang puso ko ang hindi pa tuluyang nakakalimot.

“A-ano bang gusto mo, Marcus?” Ani ko habang tinutuon sa ibang lugar ang aking mga mata. Pero hindi ko na iyon maigala pa dahil hinarap iyon ni Marcus sa kanya. Diretso ang tingin namin sa isa’t isa. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita ulit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kuya Barista (Short Story) (ON-HOLD)Where stories live. Discover now