Knight in Red Apron

424 14 15
                                    

ACE'S POV

“Ma, pupunta akong SM, maiwan ka lang dito.” turan ko nang magpunta ako sa bahay. Malapit na kasi ang pasko at wala pa akong nabibili na regalo para kay Mama. Hehe.

Syempre, nakabihis na ako noon nagpaalam ako para hindi na siya aangal. Hahaha! Bumyahe na  ako ng mag-isa papuntang SM kung saan may branch ng Starbucks. Naman!

Pagkadating ko doon ay hindi na ako nagulat sa dami ng tao. E, ika-23 na ng Disyembre. Malamang sa malamang ay marami na talagang tao na nag-lalast minute christmas shopping.

Una akong nagpunta sa department store Limited lang ang budget ko kaya doon ako unang pumunta. Unfortunately, wala akong nakita. Hay. Kaya lumabas na ako ng department store at nag-ikot na lang sa mga boutique.

Isang damit ang nakapukaw ng atensyon ko.

Kulay white na may stripes na maroon. Dahil mahilig sa red si Mama, sa tingin ko ay magugustuhan niya ‘yon.

Hindi ko muna ‘yon binili at nag-ikot pa. Syempre, baka may makita akong mas maganda diba na swak sa budget ko.

May nadaanan akong sale na mga branded shirts din. 50%.

Pumunta ako doon at naghanap ng damit. May nakita akong long sleeve polo. Ang ganda ng design. Green with red roses. Type din siguro ito ni Mama kaso wala nang smaller size! Epic fail ang sale na ‘to.

Hindi naman kasi ganoon kataba si Mama. Tama lang ang katawan niya. Hindi payat, hindi mataba.

No choice ako kundi bumalik doon sa boutique kung saan ko nakita ‘yon damit kanina na may stripes na maroon. Ang cute din kasi noon sleeves, este design. Sleeveless pala ‘yon at may design lang na parang ano... basta. Hahaha!

Kumuha ako nang mas malaking sizes. Small kasi ang naka-display. Nang makakuha ang saleslady ay binayaran ko na din. Pagkatapos kong mamili ng regalo kay Mama ay bumili naman ako ng regalo para sa sarili ko. Hindi naman ako magpapahuli diba? Hehe.

Hindi ko na i-dedetalye pa kung ano ‘yon binili ko. Hahaha! Secret na ‘yon.

Anyways, dahil nga tapos na ako mamili, dumiretso na ako sa Starbucks para bumili ng paborito kong frappucino. Tapos tatambay muna at magpapalamig ng kaunti. Hehe.

E di, pumasok na ako sa loob. Wala ‘yon guard kaya ako na mismo ang nagbukas ng pinto nila.

Pagpasok ko, nalungkot ako kasi hindi ko nakita si Drew. Awww. Hindi siguro siya naka-duty. Pumila pa rin ako kahit na hindi ko siya nakita. E, hindi lang naman siya ang pinunta ko dito diba? Diba? Diba?

Habang nakapila ay nagtitingin ako ng mga breads na naka-display. Kung tatambay ako dapat may kakainin ako para mas matagal ang itatagal ko sa loob. Hahaha! Malay natin, baka maabutan ko si Drew.

At, nagdilang-anghel nga ako kasi bigla siyang lumitaw from somewhere! Hihi.

Siya ata ang gagawa ng drinks ngayon at dahil marami-rami din ang customer nila, hindi kakayanin ng isang tao lang ang paggawa ng drinks.

Matapos mag-order at magbayad ng binili ko ay hinintay ko muna sa gilid ‘yon mga order ko. Walang sumunod sa akin na customer kaya medyo kalmado lang sila sa paggawa ng drinks.

Katulad nang dati, mas  naunang natapos ang paggawa sa frap ko kesa sa pag-iinit ng bread na inorder ko. Nagulat na lang ako ng bigla akong kausapin ni Drew. Hindi ko talaga ineexpect ‘yon. Hindi talaga! Hahaha!

“Nagtratrabaho ka na?” tanong nito. Dito pa lang, alam ko nang hindi siya si Kuya Barista. E kasi, kung si Kuya Barista ‘yon, alam na niya kung ano ang trabaho ko.

Kuya Barista (Short Story) (ON-HOLD)Where stories live. Discover now