What if?

63 4 0
                                    

Hindi na ako nakarinig muli kay Marcus simula nang gabi na ‘yon. Siguro ay masaya na sila ng bagong babae na pinalit niya sa akin. Nakakapanghinayang lang dahil hindi ko inaasahan na ganito kadali matatapos ang relasyon namin. Ang ibig kong sabihin ay nakikita ko pa ang sarili ko na kasama siya sa mga susunod na taon. Kapag kasama ko siya, minsan naiisip ko na tatagal kami at mas lalalim pa ang pagmamahalan namin sa isa’t isa. Nakakatawa lang na ngayon ko naiisip ang mga bagay na ‘yon kung kalian wala na kami. Wala nga naman perpekto sa mundo at mas lalong hindi ko na maibabalik ang nakaraan kaya mas mabuti pang magpatuloy ako sa buhay ko kaysa magmukmok dito sa loob ng kwarto. Ilang araw na ba akong hindi lumalabas ng bahay at ang tanging kaharap ko ay ang iPad mini ko. Bawat araw ay wala akong ginawa kundi ang maglalaro ng CoC. Nakakaadik naman kasi itong laro na ‘to, bakit hindi niyo subukan? Haha! Nakuha ko pang mag-endorse.

Bumangon na ako sa kama ko at sinimulan ayusin ang kwarto ko. Naiirita na ang mga mata ko sa nakikita kong mga kalat at oras na para linisin at ayusin ang mga gamit ko dito. Pero bago ‘yon ay kakain muna ako dahil nagugutom na ako. Dali-dali akong nagbihis at naglakad papunta sa malapit na karinderia sa amin. Hindi naman kasi ako marunong magluto kaya ang ginagawa ko ay bumibili na lang ako ng ulam at kanin dito, ako rin lang naman mag-isa ang kakain. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na maalala ang mga bagay na ginagawa para sa akin ni Marcus noon. Dati, sabay kami maglalakad papunta sa karinderia at bibili ng ulam kapag tinatamad siya magluto ng pagkain namin. Papayungan pa niya ako dahil alam niyang hindi ako mahilig magpayong. Kaya madalas akong pinapagalitan noon dahil umiitim na daw ako kakababad sa ilalim ng araw.

Iniling-iling ko ang ulo ko para hindi na makaalala pa ulit. Tapos na ‘yon at hindi ko na dapat inaalala pa. Nakakainis naman kasi ‘tong utak ko eh. At oo, wala akong dalang payong. Bakit ba? Ang sarap kaya maglakad sa ilalim ng araw. Vitamin D din ‘yon. Hahaha. Pagdating ko sa karinderia ay nakita ko ang isang pamilyar na likod ng lalaki. Kung minamalas ka nga naman, alam kong likod ni Marcus ‘yon. Kung kalian ako lumabas ng bahay saka naman talaga kami pagtatagpuin ng kapalaran. Nakakaurat lang diba?

Patay-malisya lang ako at hindi ko na lang pinansin ang nakita ko. Agad akong tumingin ng mga lutong ulam. Biglang kumalam ang tyan ko nang makita ang mga ulam. Ang sasarap ng luto ngayon ni Ate Janice.

“Ate, isang order nga po ng giniling at isang order po ng sinigang tapos dalawang kanin po.” Turan ko kay Ate Janice na nagbabalot na ng ulam na binili ni Marcus. Ramdam ko na nakatingin siya sa akin at ramdam din ni Ate Janice ang tensyon sa amin ni Marcus.

“Ate, ako na din magbabayad ng order niya.” Rinig kong ani ni Marcus kay Ate Janice. Syempre, nagulat ako diba? Agad ko siyang tiningnan at doon ay tuluyang tumigil ang mundo ko. Kahit na ilang linggo kaming hindi nagkita ay wala pa rin nagbago sa itsura niya, gwapo pa rin siya. Medyo lumalalim lang ang eyebags niya. Bakit kaya? Siguro ay palagi siyang pinupuyat ng bagong girlfriend niya. O baka naman gabi-gabi niya akong iniisip? Assuming much, Ace? Agad ko naman iniwas ang tingin ko sa kanya at nagbayad kay Ate Janie.

“Ate, ako magbabayad ng sa akin. Magkano lahat?” Sambit ko dito. Kinapa-kapa ko ang bulsa ko at wala akong makapa na pera. Anak ng! Nakalimutan ko magdala ng pera! Ang malas-malas ko ngayong araw na ‘to. Nakakaloka. Nakarinig ako ng mahinang tawa sa likuran ko. Aba, tinatawanan pa ako ng mokong.

“Ate, ito ang bayad para sa kinuha niyang ulam.” Sabay-abot ni Marcus ng pera kay Ate Janice habang natatawa-tawa pa. Naku, talaga naman. Agad kong kinuha ang plastic na naglalaman ng ulam at nagsimula na akong maglakad ng mabilis palayo sa kanya. Pero, mabilis din niya akong naabutan at inakbayan pa ako ng mokong.

“Wala man lang bang thank you dyan? Nilibre na kita ng ulam mo.” Turan nito habang nakangisi sa akin. Huminto ako sa paglalakad at binaling ko ang tingin ko sa kanya.

Kuya Barista (Short Story) (ON-HOLD)Where stories live. Discover now