From nagsusungitan/nagbabangayan to naghaharutan/naglalambingan. Anlake ng naging progress ng dalawang ito hindi lang sa vball career nila kundi maging sa "friendship" nila.
Nailabas ni bea ang makulit na side ni jho na di namen akalain na meron sya pala nun, thanks to beibei.😁

"Jhobea oh, nilalaglag kayo ni morente." sumbong kim.

Napatingin kame dun sa dalawa na magkaakbayan na palapit sa min.

"Ate ly!" si bea ng makita ako at inalis ang pagkakaakbay kay jho at patakbong lumapit sa kin tas niyakap ako pagkalapit sa kin. Di pa sya nakuntento ay bumeso sya sa kin ng ilang ulit.

"Hi ate." nakangiting jho ang bumati sa kin ng makalapit sa kin. At tulad ni bea ay bumeso din sa kin.

"Ano guys? Ginawa nyo na naman kameng pulutan nyo noh?" si bea na tumabi agad kay jho sabay akbay ulit.

"Si mich...." silang lahat sabay turo kay morente.

"Kagaleng." si mich. "Parang ako lang eh noh. Lahat po kaya tayo." then make face sa min.

Inawat na sila ate mona at sinabihang magsibalik na sa dorm, inaya naman nila akong magdinner kasama ang team na di ko naman tinanggihan. Na miss ko rin ang mga makukulit at pasaway na mga batang ito.

Habang nakikisalamuha ako sa team ay di pa rin naalis ang paningin ko kina jho and bea, na kapansin pansin na ang pagiging clingy nila sa isat isa lalo na nung nauwi na sa dorm ang girls. Kung dati eh clingy na at sweet ang dalawa, ngayon kase mas dumoble or mas trumiple pa nga base sa mga nakikita ko ngayon ah.

Si bea na halos ayaw humiwalay kay jho, laging nakabuntot at kung di agad makita si jho ay hanap agad. Magka akbayan or holding hands pa nga. Si jho na asikasong asikaso naman ngayon si bei, nakita ko kung pano naging super sweet si jho kay bea na di ko naman nakitaan ng ganyan sya nung andito pa ako.

Ang mga tawanan nila, tinginan, sulyapan tas ngingiti and yung aura nila ngayon....Kakaiba lang. Iba ang glow nila, pati mga mata.
May isang kutob akong nasesense ngayon habang inoobserbahan ko ng lihim ang dalawa....At nangiti ako.

"Sana di sila matulad sa mga SENIORS nila....." tas muli akong napangiti pero ngayon may onteng pait na. "Nakakapang hinayang lang kung mauuwi lang sa wala ang lahat."

















JIA

PHEW!

Napaganto na lang ako pagkalabas ko ng office ng athletic director ng school, nakahinga na rin ako ng maluwag ngayon kase kanina nung nasa loob pa ako at tinatanong ako ni sir ay kabadong kabado ako. Feeling ko lalabas sa dibdib ko ang puso ko!

"Bes....."

Napabuntong hininga na lang ako pagkakita ko kay jho na matyagang naghintay sa kin sa baba ng building, pareho kameng halfday lang ang pasok ng araw na to.

"Tara. Lunch na tayo."pinasigla ko ang boses ko paglapit ko sa kanya.

"Ju---"

"Kain na muna tayo." ako at inangkla ko pa ang braso ko sa kanya.

Pagkarating namen ay nagpumulit si jho na ilibre na lang ako sa lunch na pinagtalunan pa namen ng slight pero naging mapilit ang gaga kaya para wala ng mahabang dikusyon ay umo-o na rin ako.

Nakahanap agad kame ng magandang pwesto para makakain na kame, siguro parehong mga gutom kaya galit galit muna ang drama namen ni jhoana, parehong focus sa mga foods eh.😅

"Uhm.....B-bes....."

Sandali akong napahinto sa pagkain, ramdam kong gusto nyang buksan ang usaping yun kaya nagpatiuna ako at iniba ko agad ang topic.

Best thing i (N)EVER hadDonde viven las historias. Descúbrelo ahora