Di na bago sa min, sa kin ang mga ganong gesture nila sa isat isa. Nasanay na nga lang kame sa mga lambingan/harutan/landian ng dalawang yan, kilalang malambing/clingy/maharot/bully si baby besh at lahat kame ay ginawan ng mga ganong gesture ni beadel pero ibang iba talaga ang treatment nya kay jho. Kahit naman may alam na ako sa kung anong meron sa kanila ay di ko maiwasang mapaisip/maghinala, mukhang lumevel up na ang dalawa ah. Hmm....🤔🤔🤔

Nakita kong luminga linga si bea sa teammates nila tas sa coaching staff na andun sa loob ng court bago muling duma-moves ang hokage ng taon! Ang lakas ng loob nya para gawin yun! Ikaw na talaga beadel!💪👊

Lumipat si bea ng pwesto na nasa harapan na ni jho ngayon at mabilis na ginawa yung binabalak nya.

Di ko alam kung san banda pero malakas ang hinala ko......Hinalikan nya si jho!😚

Nag react naman agad si jho kase hinampas hampas nya si bea na ngayon ay natawa habang iniilagan ang mga palo sa kanya ni jhowjhow. Di naman sila pinapansin ng mga teammates nila kahit nagko-cause na sila ng ingay at eksena.

"May di sinasabe ang dalawang ito." ako. Saka nangingiti habang sinusundan ko ng tingin ang bawat kilos nila.

Hinabol ng palo pa rin ni jho si bea na natatawa pa rin. Tapos na rin ang training nila kaya nakakapag habulan na naman ang dalawa sa loob ng court. Narinig ko pa nga na nagtanong sina maddie at kim kung anyare pero si jia na ang sumagot para dun sa dalawa na kala mo mga bata na naghahabulan.

"Nang asar na naman si bea for sure." si jia.

Di na kumibo ang mga ito at pinanood na lang nila na magharutan ang dalawa yun. Nang mahuli sya ni jho ay abot abot ang palo na kung minsan pa nga ay may pagkurot pa sa tagiliran. Nangingiwi si bea kase lam kong masakit yun pero habang ginagawa yun sa kanya ni jho, eh nakangiti pa ang loko.

"Grabe ang mga palo na sa kanya pero nakasmile pa rin sya?!" ako tas nailing na lang. "Anlakas talaga ng tama neto kay jho."

"Ate ly!"

Nagulat pa ako ng marinig ko yun kaya hinanap ng mata ko kung sino yung tumawag sa kin. Si wongskie pala na kumaway pa sa kin kaya kinawayan ko rin sila( nakatingin na kase ang buong team sa kin😅) nagpasya na rin akong lapitan na sila.

Onteng chikahan sa kanila habang hinintay nameng maiayos lahat ng mga ginamit nila kanina sa training.

"Kanina ka pa ba ate? Sana nilapitan mo kame agad kanina para makatraining ka namen ulit." si ponggay habang nakayakap sa kin.

"Actually, kanina pa nga ako pero mas bet ko munang manood." ako at natawa naman sila sa isinagot ko.

"Ay! Gumagay-on na si phenom!" si jamie.

Nagtawanan ulit ang lahat. Andame pa nilang tinatanong sa kin na sinasagot ko naman. Halos napalibutan na nga ako nila habang chumichika ako. Hindi naman masydong na miss ako ng mga batang ito. Hahahah....

"Asan yung dalawa?" wala sa isip kong tanong sa kanila.

"Sino? Ahh....Yung JHOBEA!" si ana.

"Ang kulit kase nila kaya sila yung pinagligpit ng mga bola at net sa storage room." si ria.

"Mamaya pa kaya sila makakatapos nun, sure akong hanggang dun naghaharutan yung dalawang yun." sabat ni gizelle.

"O baka naman.....May nagaganap na sa loob ng storage room....." maintrigang sabe ni mich sabay tawa.

Nagsitawanan naman ang lahat kaya natawa rin ako dun. Malakas ang kutob ko na mukhang.....di na lang sila ngayon basta mag bestfriend or M.U, sa tagal kong nakasama ang dalawang yun
nasaksihan ko ang pag build up ng friendship nila.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now