Simula

129K 3.4K 929
                                    

Simula

Neon lights and smokes from cigarettes are all over the place. Iba't ibang tao ang sumasayaw at nakikipaginuman sa isang tabi. Sinubukan kong takpan ang aking ilong dahil sa nakakasulasok na amoy—naninikip tuloy ang aking dibdib.

I shook my head out of frustration. I can't take this smell but I need to see him.

Iginala ko ang paningin ko sa mga mesa sa buong lugar. Madilim man at masakit sa mata ang mga ilaw na mayroon dito ay nagsikap pa rin akong mahanap siya. I found him at the third row and he''s with his friends. Abala siya sa babaeng katabi niya.

Nilunok ko ang nagbabara sa aking lalamunan. I need to be strong! This is not about me anymore, but for the sake of our own blood and flesh. Hindi ako maghahabol nang ganito para lang sa wala. Ginagawa ko ang lahat nang ito para sa anak ko—sa magiging anak namin.

Lumapit ako sa table nila at kaagad silang napalingon sa akin. Wearing a plain black T-shirt and jeans with a pair of some random rubber shoes, I feel so out of place in this place. Mapait akong napangiti dahil doon.

I don't belong in this world and will never be.

"Leader!" tawag ko sabay hawak sa kaniyang braso. I looked so small while holding his forearm.

I bit my lower lip. Naiiyak na ako kakahabol sa kaniya dahil ilang araw niya na akong iniiwasan. Kapag tinatanong ko naman kung anong problema niya ay hindi niya ako magawang sagutin nang maayos.

"Mag-usap tayo—" hindi niya na ako pinatapos dahil hinatak niya na ako at sapilitang inilayo sa kanilang mesa.

Hinawakan kong muli ang braso niya pero kaagad niya itong hinawi. "Go away, kid! You're too young for me! Disgusting!"

Ang pinipigilan kong luha ay tuluyan nang kumawala mula sa aking mga mata. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin para pakinggan niya ako sa nais kong sabihin. He needs to hear me out! Kahit kaunting oras lang...kahit sandali lang.

"Leader, please!" pagmamakaawa ko. Do I need to be down on my bended knees before he hear me out? "Please..."

"Fuck!" mariing mura niya sabay hawak sa aking siko. Inilapit niya ako sa kaniya. Walang bakas ng pagiging mabait ang kaniyang mukha. I don't even think he has the same eyes that I fell in love with before.

Ang mga mata niyang nanlilisik ay gustong-gusto ko pa rin. His pointed nose fits perfectly with the shape of his wet pinkish lips. Perpektong-perpekto ang pagkakahubog sa kaniya at lahat nang iyon ay nakatatak na sa aking isipan.

Mas lalo lang nanikip ang dibdib ko.

I really want him! Hindi ko alam sa kung paanong paraan ko siya mapapanatili sa akin pero handa naman akong gawin ang lahat. Kahit ano...

"Pakinggan mo naman ako, Leader—"

"Enough! Why are you even here, huh? Nasaan na 'yong lalaki mo?" aniya sabay lahad ng buong lugar kung nasaan kami.

Naguguluhan akong napailing.

"Wala akong l-lalaki, Leader—"

"Bullshit! Do not fucking fool me, Dea!" sigaw niya sa harapan ko.

Napayuko ako. Bumuhos ang aking mga luha at pakiramdam ko ay tila pinagsakloban ako ng langit at lupa. I wanted to cry so bad but I don't want to stress myself. Kailangan kong maging matatag para sa batang nasa sinapupunan ko, ang magiging anak mo.

"G-Gusto lang naman kitang m-makausap, e..." halos pabulong kong sabi, na tingin ko ay hindi niya naman maririnig dahil sa lakas ng tugtog sa buong paligid.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak papunta kung saan. Nagulat ako nang lumabas kami sa lugar na 'yon. Padarag niya akong iniharap sa kaniya.

"Umuwi ka na, Dea! Leave me alone!" sigaw niyang muli.

Itinakip ko ang aking palad sa aking mukha. Humagulgol ako dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko ngayon. What did I do to deserve this? What happened to him?

"Ang bata-bata mo pa tapos ganito? Come on, kid! Go home and enjoy your youth without me!" giit niya pa.

Matapang ko siyang tiningnan. Mahal na mahal ko ang taong 'to na kahit anong sabihin niya ay hindi ko magagawang saktan siya. I will never hurt him the way that he did to me.

"Alam kong bata pa ako p-pero mahal na mahal kita!" sabi ko sabay titig sa kaniya.

"What do you know about love? You're just seventeen or eighteen! For God's sake!" naiiritang aniya sabay sabunot sa kaniyang buhok.

Mas lalo lang akong napaluha. Ang tagal naming dalawa na naging malapit sa isa't isa pero hindi niya matandaan kung ilang taon na ako?

Matapang niya akong tinalikuran. Wala talaga siyang planong pakinggan ako. Siguro ito na ang huling beses na makikita ko si Leader—ang magiging ama ng anak ko.

Sinikap kong hindi matumba sa kinatatayuan at inayos pa ang sarili. Pinunasan ko ang aking mga pisngi na ngayon ay may bahid na ng luha.

"Leave, Dea,"  huling sabi niya bago ako iniwanan para bumalik sa loob.

Pilit kong inalala ang kaniyang imahe. Ang perpekto niyang mukha at katawan, ang mga pinagsamahan namin, lahat ay pilit kong inaalala. Halo-halong masaya at malungkot pero sinusubukan kong alalahanin ang lahat isa-isa.

Ang sakit pala...

Sometimes, I hate my heart for being so weak. Kung mas naging mautak lang sana ako at hindi nagpadala sa tukso ay baka naisalba ko ang kawawa kong puso.

Hinaplos ko ang aking tiyan.

I know you're there, baby. Pasensya ka na kung ganito lang ako, ha? Pasensya ka na, anak. Mahal na mahal kita.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now