Chapter 59

9.7K 189 29
                                    

Leigh's POV

"Leigh? Ano yang suot mo?"
Tiningnan ko naman ang sarili ko.

I'm wearing royal blue tube night dress na hapit sa katawan ko at kita ang likod ko even my cleavages. Sinadya ko talaga na magpkita ngayong gabi dahil naiinis ako sa kanya even if I like the dress that he had been sent to me pero I want him to piss off.

"Bakit ba? Hindi ko susuotin yun no" then I wear the pair of my circle large earrings.

"Sigurado ka ba talaga sa itsura mo ngayon? I don't mean to say this but you're actually look like a bitch in your outfit Leigh" napatawa naman ako dun.

"I want him to notice it too. Sinadya ko talaga maging ganito" sabay kindat ko sa kanya dahilan ng pag-irap niya.

"Whatever. Paaano kung magalit siya? Paano kung mababastos ka lang sa party na yun?" sunod-sunod na tanong niya.

"Yan ang gusto kong mangyari. I don't want him to enjoy the night. Gusto ko mainis siya sa itsura ko and beside hindi ako mababastos and I can handle myself okay?" umupo ako ng kama para magsuot ng heels. Sa lahat ng binigay niya sapatos lang ang sinuot ko.

"Tell me the truth Leigh" at nasa unahan ko na siya.

"What?" gulat na tanong ko dahil napakaseryoso nito.

"Gusto mo ba talagang inisin siya o gusto mo lang malaman kung may epekto ka pa sa kanya?"

Natigilan ako sa biglang sinabi nito. Anong ibig niyang sabihin? Alam ko naman na wala na akong epekto sa kanya ngayon.

"Kate it's a no. I want him to get irritated that's all" but I guess hindi ko siya nakumbinsi.

"Okay" pero alam kong hindi siya naniniwala.

"You don't still believe me aren't you? Aalis na nga ako" sabay kuha ng silver purse ko.

"How about Luke? Hindi ka ba magpapaalam sa kanya?" pigil niya sakin. Napailing ako ng bumaling ng mga tingin ko sa anak kong payapang tumutulog.

"Ayokong makita niyang ganito ang itsura ko" mahinang sagot ko sa kanya.

Luke is a smart kid at ayokong magalit siya pag nakita niyang ganito ang suot ko. Nawala nga yung possessive kong kuya pero biniyaan naman ako ng striktong anak na katulad din ng ama niya.

"Okay, mag-iingat ka. Tawagan mo ako agad if magkaproblema" paalala nito.

"Salamat. Sige aalis na ako. Ikaw na bahalang magpaliwanag kay Lucas"

Bumaba ako at lumabas na ng gate pero natigilan ako ng makatanaw ng isang sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay.

I don't feel any weird feelings towards the car pero bakit dito nakaparada. I clear my thoughts at dali-dali ng lumabas dahil malalate na talaga ako.

"Good evening ma'am" napakunot ang noo ko sa biglang pag approach nito sakin.

"Bakit po?" tanong ko.

"I'll be your driver for tonight. Tara na po hatid ko na po kayo kanina pa naghihintay si sir sa inyo"

So siya ang magiging driver ko na pinadala din ni Alexander? Well that's okau for me at least hindi na ako mahihirapang dalhin ng kotse ko.

"Tara na po" nakangiting yaya ko.

"Okay po ma'am" as he open the door for me.

Excited na akong inisin siya. Wait for me Alexander hindi lang naman ikaw ang marunong mang-inis. I can play your games my dearest brother.

Her Possessive BrotherWhere stories live. Discover now