Chapter 57

8.5K 164 8
                                    

Leigh's POV

"Ma'am wala pong nakalista na appointment si sir at kabilin-bilinan niya po ba hindi ako magpapasok " Kahit anong pilit ko hindi ako papasukin ng secretary niya. 

"Alam ko and I really sorry for that. Kaya sige na please hindi naman ako magtatagal. Sabihin mo na lang na nandito ako" matagal niya akong tininingnan bago bumuntong hininga. 

"Pasalamat po kayo idol ko po kayo. Sige po sandali lang" parang nawala ang kaba ko sa huling sagot nito. 

She knocks three times bago pumasok. Naghintay lang ako ng ilang minuto bago ko siya nakitang lumabas. 

"So pwede na?" tanong ko but she just frown. 

"I'll try ma'am pero you must set an appointment first bago kayo tuluyang pumasok" Ang arte ng lalakeng yun dati naman pinapasok lang ako pagkarinig pa lang ng pangalan ko pero ngayon may appointment na siyang nalalaman. 

Well what would you expect sa isang business man? It's a matter of appointment and formality at sakin pa talaga. 

"MA'AM WAIT LANG!" I immediately lock the door pagkapasok ko.

"I said she's not allowed to come ins . . what the?" Pag-angat at pagtingin niya sakin. 

"Get out!" tumayo ito at lumapit sakin. 

"I need to talk to you please just give me a little spare of your time please" parang hindi ito makapaniwala.

"Wow seriously? Coming from you?" sumeryoso naman ang mukha nito. 

"Leave" pero pinili kong labanan ang tingin niya at umiling.

"Ten minutes" napasinghap na lang ako ng hawakan nito ang doorknob. 

"No, leave" pero hindi ako nagpatinag. 

"Kahit 5 minutes na lang just please. . " buong pagmanakaawa ko. Matagal niya akong tiningnan hanggang sa paunti-unti itong lumayo. 

"I'll let you have my time this time but just make sure that whatever you'll say I'll get interested on it or else.." 

Pumikit ako at hinintay ang sasabihin nito pero ganun na lang ang pagtataka ko ng maramdaman ang hininga nito sa gilid ng labi ko at bago pa ako dumilat lumayo na ito at umupo sa upuan niya.

Lumapit ako at umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan niya. Walang imik at tanging mga mata ko lang ang nakatitig sa mga mata nito until I've decided to state my purpose here. 

"It's all about Dela Vega's Company" tumaas naman ang gilid ng labi nito sa sinabi ko. 

"What about my company?" kailangan kong kumalma ngayon kahit parang gusto ko ng sumabog sa inis.

"It's still your parent's company Alexander" diin ko sa bawat salitang binibitawan ko pero parang wala lang itong pakealam. 

"So you're here to talk to me that. I'm sorry to pop your bubbles little sis but It's now my company Leigh" I clinch my fist sa sinasabi nito.

"Your father is sick Alexander and just because of what you did. Ano hihintayin mo na lang na mamatay yung ama mo?" Pigil na galit ang ginawa ko dahil kapag nagwala na ako hindi ko alam kung anong mangyayari sa pag-uusap namin knowing him. 

"Dahil ako hindi. Alam mo ba kung ano kahirap para sakin makitang nahihirapan yung ama mo na nagsilbing ama ko din ? Alam mo din ba kung gaano kahirap harapin si daddy na nanghihina?" 

Her Possessive BrotherWhere stories live. Discover now