THE TOMBOY -2

4.7K 72 2
                                    

MARIAS OF MY LIFE
Maria Jessielyn Ortega
THE TOMBOY
by: Blackrose

Chapter 2

Ako si Michael Noah Lardizabal. Ang bunsong anak nina Stanley at Emilia Reyes Lardizabal, nag-iisang kapatid ni Stanley Lardizabal Jr. I was born with a golden spoon in my mouth, lumaki ako na nakukuha lahat ng naisin ko even if how expensive and impossible it may be. In line ang business nila mama at papa sa bookstores. I lost count na kung ilan na ang branches ng LARDIZABAL BOOKSTORE, I only knew that nationwide na ang nasasakop ng bookstore nila.

Nag-aral ako sa SJ Elem. High School, schoolmate ko si Jessie habang classmate ko si Miguel na sinundan ni Jessie. Pero nang going 3rd year High School ako ay nag-transfer ako ng school, sa Saint Dominic University na located parin sa San Juan City. Doon ko nakilala ang tatlong bumuo sa grupong A4. I graduated as Bachelors of Science in Business Administration, Major in Marketing with flying colors. Cum Laude ako when I've graduated.

Bukod kay Kuya Stan na tumutulong na sa family business namin, gusto rin sana ng mga magulang ko na sumunod ako sa yapak ng aking kapatid. Pero kahit pa nagtapos ako ng same course na tinapos rin ng kapatid ko, ayoko ng bookstore business and stuffs. Para kasing ang lame na negosyo noon kaya kahit pa tutol silang tatlo na lumihis ako ng line of business, wala silang nagawa kasi iyon ang gusto ko. I want a business na hilig at trip ko, iyong hindi boring at may thrill everyday and yet kumikita ng malaki at kinikilala. Nasa isip ko noon na mag-put up ng computer/internet shop kaso, nagkalat na ang internet shop ngayon dahil sa nausong pisonet. Hanggang sa sinamahan ko dati si Carlo na classmate ko noong Elementary na magpa-tattoo. Mahilig rin ako sa mga tattoos, I am a fan pero hindi ako nagpagawa that time dahil katatapos ko lang magpa-tattoo sa left arm ko 2 weeks ago, so sinamahan ko lang talaga si Carlo noon. Hearing the buzzing sound of that tattoo gun plus the money Carlo paid, nagkaroon bigla ako ng idea. Kesa sa iba nagpapa-tattoo ang barkada at kakilala ko at maging ako, why not put up a tattoo shop para una sa lahat ay libre na ang tattoos ko at the same ay kikita pa ako. Tattoo shop is an exciting business. Nakakalibang at nakaka-proud after doing a piece sa katawan ng tao, seeing their satisfied faces upon looking at their tats. Pwede! Kaya nga kahit tutol ulit ang parents ko pati si Kuya Stan sa naisip kong business, they have no choice dahil naka-mind set na ako sa tattoo business ko. Sila papa at mama ang gumastos sa pagbili ng space where my shop will be build. Nang matapos ang pinaka-tattoo shop ko, si mama ang bumili ng interior. From mirror to sofas to stools, boss' table, stools, leaning chairs, LED TV, cabinets pati ang tools and machines, foot switches, tattoo guns. Basta gagamitin sa pagta-tattoo, si mama ang gumastos para doon while si papa naman ang bahala sa tarpuline, posters, name ng tattoo shop ko sa board, paints, telephone line, electricity, water supply and aircons. Hiningi ko kay Kuya Stan ang pambili ng magazines na connected with tattoos and tattooing, even computer, printer, photo copying machine, fax machine at refrigerator. Lahat sila ang gumastos but in one condition, ang palaguin ko ang negosyo kong iyon dahil that will be my first and last daw na sasagutin nila ang lahat ng expenses and stuffs. I promised them noon na magiging kilala at dinadayo ang Burdado, which is my tattoo shop name. Para unique and still Pinoy, BURDADO. Oo nga't marami narin ang mga tattoo shops dito sa San Juan pero pagalingan na lang ang labanan. At ang pinaka-magdadala ng isang magandang finish product ay ang Tattoo Designer, the draft that the designer made. At may kilala akong alam kong magaling sa larangan ng pagdo-drawing, inaamin ko na mas magaling pa ang kamay sa akin. Basta't sinabing drawing, she is my man!

Naalala ko pa during High School at College days ko sa Saint Dominic University, pinag-planuhan namin mga taga A4 ang magtayo ng tattoo shop noon. Sosyo kaming apat tapos lahat kami mag-aaral mag-tattoo para mas maraming customers na pwedeng i-accommodate. Kaso that plan remained as a plan at nilimot na ng sistema dahil hindi na namin iyon natupad bilang grupo. Tandang-tanda ko pa binuo namin ang grupong Amazing 4 or mas nakilala ng mga kababaihan as A4. The group was composed of 4 boys... Ako na binansagang A4's Playboy dahil sa madami akong nagiging playmate na kagustuhan narin ng mga babaeng schoolmates even classmates ko. Si Andrew Stephen Lopez ay tinawag na A4's Goodboy dahil sa aming apat, siya ang pinaka-mabait sa amin and honest at studious kaya maraming nagkakagusto sa kanya dahil they saw him as a good boyfriend to be. Si Harold Espinosa kilala bilang A4's Chickboy na pwede daw sa Chick at pwede rin daw sa Boy, pati kasi bakla pumapayag siyang magpa-BJ sa kung saan-saan na lang sila abutan if ever na walang chick na available for his unsatiable needs. Then si Manuel Isidro na sumikat bilang A4's Hacking Genius dahil sa galing niyang tumuklas at mag-hack ng any accounts basta daw computer user. Nakilala kami sa SDU as the famous and God sent for women group na A4. We are into sports; swimming at track and field. Varsity player kami both ng SDU Swimming Team at SDU Track and Field Elite Team, lumalaban kami sa mga inter-college competitions at mga tournaments per regions. Nag-usap kaming apat noon na pare-parehas kami ng kurso in college, I never thought that they had taken it seriously. Kaya magka-classmates kaming apat at same rin ang lugar where we took our OJTs noon.

Marias Of My Life -MARIA JESSIELYN ORTEGA (THE TOMBOY)Where stories live. Discover now