THE TOMBOY -1

Magsimula sa umpisa
                                    

'Magkano naman ang magpa-Top Overhaul dito sa inyo, Jessie?' shoot kayo sa banga, another chance to close adeal si Jessie Ortega. Totoo ang lahat ng mga sinabi ko pero sa marketing, kahit hindi ako nag-aral ng BSBA major in Marketing, ang pagsasabi at paghahamon mo sa isang customer ay isang paraan para mapapayag mo silang gumawa ng business sa iyo. Hindi naman 100% sigurado pero may chances, at sa negosyo tulad ng palaging sinasabi sa akin ng Ninong Arthur ko ay malaking bagay sa negosyo kung may chances ka na magka-cpose deal sa isang prospective customer.

'Estimate mga 8,000 to 15,000 po Sir. Kasi Top Overhauling po ang gagawin natin sa Fortuner ninyo.'

'Ang mahal naman ng singil ninyo!' pagsusupladang turan ng asawang babae sa akin.

'Naku Mam. Dito po sa Casa Delida, mura na po ang singilan namin dito dahil kami narin po ang mismong tumatrabaho ng lahat ng repairs. Wala na kaming inuupuhan para gawin ang trabaho kaya po mura na iyong sinabi ko sa inyo.'

'Sige, babalik na lang kami. Magka-canvass pa kami sa iba pa dito sa San Juan.'

'Okay po Mam, Sir. Salamat rin po.' Isa pang natutuhan ko kay Ninong na hindi mo kailangan magmukhang sugapa sa customer kahit pa gustong-gusto mong maging customer sila. Matutong mag-take away ng customer or iyong ipapakita mo ang great side ng business mo pero hahayaan mo silang maghanap or pumili sa iba. Na hindi mo sila pipigilan dahil marami sa mga customers ang mas nae-engganyong makipag-negosyo sa'yo kapag parang tinataboy mo sila at hindi mo sila hinahabol.

'Mag-almusal ka na muna doon sa opisina, Jessie. Pihadong hindi ka pa kumakain ng almusal. Nakapag-kape ka man lang ba sa inyo? Ang aga mo dito kanina, baka magka-ulcer ka niyan!'

'Sige po Ninong, akyat po muna ako. Magkakape po muna ako.'

'Oo't may pandesal rin doon, hangga't mainit-init pa. May palaman na iyon, mantikilya. Magtimpla ka na lang ng kape mo, may mainit pang tubig sa termos.'

Katulad ng sinabi ni Ninong sa akin ay umakyat nga ako at pumunta sa opisina niya. Nagtimpla ako ng kape at kumagat sa pandesal. Paborito ko ang pandesal na may mantikilya tapos ay isasawsaw mo ang pandesal sa mainit pang kape. Natutuwa ang mga bituka ko sa tiyan kapag ganyan ang ina-almusal ko.

Ako nga pala si Maria Jessielyn Ortega, 19 years old at magtu-20 na sa September 8. Nakatira ako dito sa San Juan, dito ako ipinanganak at nagkaisip narin. Bunsong anak ako ng mag-asawang Jessie at Paulina Ortega, apat kaming magkakapatid. Ang panganay namin ay si Kuya Mark John, 35 at single pa. Naaksidente siya last 2 years ago sa construction na pinag-tatrabahuhan niya. Aksidenteng maipit ng isang malaking makina ang kanang kamay niya kaya simula noon ay hindi na siya tinanggap pa sa ibang trabaho. Ang pangalawang kapatid naman namin ay si Kuya Mikael Joshua, 32 at may girlfriend. Siya ay namamasukan bilang delivery man sa isang Chinese Restuarant sa may Sta. Mesa, Manila. Ang sinundan ko naman ay si Kuya Miguel Julius, 24. Nasa bahay lang siya at nag-aalaga ng 5 years old na anak, si Sabrina. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na magtrabaho dahil maagang binawian ng buhay ang asawa niya at hipag kong si Ate Cassandra. Halos kakapanganak pa lang kay Sabrina ng mamatay siya sa sakit na Breast Cancer, sobrang depress si Kuya Miguel kaya hindi na naasikaso ang sarili. Si tatay, 60 years old. Dating mekaniko na kasamahan ni Ninong Arthur na mekaniko rin sa isang talyer. Doon niya kinuha ang pang-gastos namin apat na magkakapatid noon sa eskwelahan at ang pantawid namin dati sa pang araw-araw na buhay namin. Si nanay, 62. Dati naman siyang sales lady sa isang department store bago pa ito mabuntis kay Kuya Mark pero noong tatlong buwan na siyang buntis ay pinahinto na siya ni tatay sa pagtatrabaho. Mula noon ay hindi na siya namasukan muli. Hindi ko alam kung paano nagawa nila tatay at nanay iyon pero kaming apat na magkakapatid ay September ang birthday. Si Kuya Mark ay Sept. 14, Kuya Mikael ay Sept. 7, si Kuya Miguel ay Sept. 30 na ka-birthday ni Noah at ako ay Sept. 8 naman. Ang tatay ay Feb. 26 habang si nanay ay Feb. 11 ang birthday.

Marias Of My Life -MARIA JESSIELYN ORTEGA (THE TOMBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon