Special Chapter

Depuis le début
                                    

"Obviously." bored na sagot nito sabay abot sa kaibigan ng rosas.

"Sayo na. I don't need it anyway." na narinig ay bagsak ang balikat na naglakad na ako paalis. Lagi nalang. Hayy.

Hindi ko na napansin kung saan niya dinala yung note.

Tumigil ako sa paglalakad. Inalos ko ang  eye glasses na suot ko. Itinaas ko din ang strap ng bag ko bago naglakad with confidence.

Tsk. Magkakacrush din siya sakin. Tiwala lang.

Natapos ang buong maghapon na pasulyap sulyap ako sa reyna tuwing may pagkakataon ako. Lalo na kapag vacant period. Nagtataka na nga siguro ang mga estudyante sa college nila. Paano kasi, iihi nalang ako, talagang sa building pa nila at doon pa sa floor kung nasaan ang room na madalas nilang pinapasukan. Alam niyo kung saan? Fifth floor.

---------------------

"Kasi naman, patago tago ka pa, eh." sabay pisil sa pisngi ko ni Cara.

"Oo nga. That's cowardice, Em. Paano ka mapapansin ng reyna mo." medyo malakas ang pagkakasabi nya kaya dali dali kong tinakpan ang bibig niya.

ala sais y media na ay nasa school padin kami. Wala tambay lang muna. Minsan lang din mangyari na magkakasama kami dito sa school.

Isa pa, nandito pa din kasi si Amanda. Mamaya pang 8:30 ng gabi ang dismissal nila. Gosh! Ang pangit ng sched nila.

"Oo na. Alam ko naman na di niya ako mapapansin sa ganto no. May plano na ako, guys. Relax lang kayo diyan." sabi ko.

"That's our girl!" sabay sabay na sabi ng apat sa akin tapos ay tinapik tapik ako. Nagkakatuwaan kami nang mapansin ko si Amanda na naglalakad dala ang bag niya. Napatayo ako. Hindi naman yon lumalabas sa room nila dala ang bag niya unless awasan na nila.

"Girls, una na ako." hindi ko na sila hinintay sumagot. Dali dali na akong sumunod sa baby ko. Araw araw ko kasi siyang hinahatid sa gate ng pasimple. Hindi niya alam siyempre. Medyo malayo ang distansya namin. May nakapasak din na earphones sa mga tainga ko habang kaswal na naglalakad sa likuran niya. Hindi naman nakaplug sa phone ang mga yon. Display lang.

"Are you following me?" natuod ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko siyang magsalita. Nagmamadaling yumuko ako.

"Huh?"

"Sabi ko, sinusundan mo ba ako?" hindi naman pagalit ang pagkakatanong niya pero kinakabahan padin ako.

"H-hindi, ah!" maang maangan ko.

"Eh, ba't ka nandito?"

"B-bawal na bang d-dumaan dito ngayon?"

"Tss. Whatever. Just in case you forgot, doon sa kabila ang parking ng mga bike." she pointed to the left. Napakamot ako sa pisngi.

"F-feel ko lang umikot."

"Okay. If you say so, Fabian." sakto namang dumating ang driver niya at pumasok na siya sa sasakyan.

Alam niya pala ang surname ko at alam niya din pala na nakabisikleta ako.

I smiled at the thought.




Kinabukasan, ganon pa din. Pumasok ako nang maaga na may dalang bulaklak. Red rose naman ngayon. Ubos na yung white, eh.

Nang mailock ko yung bike ko ay nagtatakbo ako pabalik sa may gate para maghintay.

I'm planning to give it to her personally. Sana tanggapin niya. Kinakabahan ako.


Matapos ang halos isang oras ay dumating na din siya sa wakas. Tulad ng nakasanayan ay may iba pang tao na nakaabang. Hindi naman sila literal na nakahilera sa gilid ng dadaanan niya. Mga pasimple lang din. Feeling nila di halata. Tsk. Sa dami nilang yan.

HarayaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant