EPILOGUE

1.3K 63 17
                                    

Author's Note:

Finally, natapos ko rin itong story na 'to na ilang araw na ginulo ang utak ko dati. HAHAHAHA. Anyways, nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagbasa nito.:) Appreciated.

- shino

•~•~•~•~•~•

E P I L O G U E

[LAUREL:]

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Malungkot, dahil hindi pa rin ako kinakausap ni Yanny ng maayos. Kinakabahan, dahil hindi ko alam kung mananalo ba ako sa contest na 'to. At, pursigido, dahil alam kong kahit anong mangyari ay ako pa rin ang pinili ni Yanny. Bakit ko nga ba 'to ginagawa, gayong alam ko namang ako ang pipiliin ni Yanny? Nakakahiya mang ipaliwanag, pero gusto kong maging proud siya sa akin. Alam kong wala naman akong maipagmamalaki. Hindi ako mayaman. Hindi ako kasinggwapo ng iba riyan—o ni Erick. Hindi ako nakaka-enjoy kausap.

In short, simpleng tao lang ako.

Kaya nga sa ganitong bagay ako sumusugal, e. Alam kong dito, maipagmamalaki niya ako. Oo, hindi ito big deal, pero ito lang kasi ang maipagmamalaki ko, e.

Matagal ko nang gusto si Yanny. Naaalala ko pa nga, first year pa lang ako nang una ko siyang makita. Na-weirduhan ako noong mga oras na iyon dahil hindi ito normal, e. 'Yong magkagusto ang isang lalaki sa kapwa niya lalaki. Noong una, pinilit kong iwaksi ang nararamdaman ko para sa kanya. Pinilit kong ibaling sa iba ang atensyon ko.

Ngunit wala rin.

Sa kanya pa rin ako nahuhulog, e.

Nagkasya na lamang ako noon na pinagmamasdan siya sa malayo. Oo, literal na malayo. Nasa lower section kasi siya, habang nasa first section naman ako. Magkabilang dulo ang mga homeroom namin. Makita ko lang siyang nakangiti noon, masaya na ako. Pakiramdam ko pa nga, para sa akin ang mga ngiting iyon.

Noong second year naman kami, nagkaroon ng camping sa kabilang bayan. Isa ako sa napiling sumama noon. Actually, ang naging kasama ko noong mga oras na iyon ay si Erick. Rivals kami nito, pero at the same time ay magkaibigan naman kami. Mabait kasi ito, at magaling makisama. Kami rin ang magkasama noon sa tent. Doon ay aksidente niyang nasabi ang pagtingin niya kay Yanny. Bahagya pa akong nabwisit sa kanya noon. Hindi ako aware na hindi lang pala ako ang palihim na humahanga kay Yanny. Mula noong oras na iyon ay pinili kong ilayo ang loob ko sa tao. Hindi p'wedeng maging sila ni Yanny. Kailangan kong gumawa ng paraan.

Hanggang sa dumating ang araw na iyon.

Habang nag-aayos ng mga gamit ko sa room ay pinatawag ako ni Ma'am Tapnio sa Faculty Room. Noong una ay nagtataka ako dahil bihira lang namang magpatawag ang isang iyon. Usually, 'yong mga trouble makers lang ang pinapatawag niya. Ano naman kaya ang nagawa ko? Nang makarating ay agad ko siyang tinungo.

"Pinatawag niyo raw po ako, Ma'am?" magalang kong tanong dito.

Ngumiti naman ito sa akin. "Yes, Laurel. Mayroon sana akong hihinging pabor sa iyo, kung p'wede lang."

"Sure, ano po 'yon?" tanong ko pa.

"Kilala mo ba si Gianni Marquez ng Section 10?" aniya.

Bahagya naman akong nabigla nang marinig ang pangalan ni Yanny. Hesitant man ay tumango naman ako.

"Good," sagot naman nito, sabay labas ng mga test papers niya nitong nagdaang Second Periodical Examination. "P'wede mo ba siyang i-tutor? Don't worry, creditable naman sa GWA mo ito."

Yanny and LaurelWo Geschichten leben. Entdecke jetzt