Nauna nang nagpaalam sa amin noon si Erick. Mukhang seryoso nga siya sa naging proposal niya kanina dahil sinabi pa nito na mag-aaral siya ng maigi para matalo si Laurel. Naku, kasalanan ko 'to, e. Parang binibigyan ko pa ng false hope 'yong tao. Kasi naman, ang hirap kaya niyang i-reject! I mean, hindi niya deserve 'yon, e. Kaso nga lang, hindi ko naman magagawang suklian 'yong pagmamahal na ino-offer niya sa akin. Ang hirap naman nito!

"Ehem."

Agad ko namang nilingon itong kasama ko ngayon, na kanina pa nakakunot ang noo. Okay, ano na naman kayang problema nito?

"Oh? Problema mo na naman?" usisa ko rito.

"First, hindi mo man lang napansin ang pagbabago sa hitsura ko. Second, hindi mo man lang ako pinili kanina na maging tutor mo ulit para sana wala ng argument na naganap pa. Last, kailangan talagang lingunin si Erick kahit palayo na 'yong tao?" seryoso nitong pahayag.

Okay? Hindi ako aware na ganito pala 'tong nerd na 'tong magselos. Grabe, ha! Anyway, oo nga pala. Nagpagupit ang loko. Guess what? Bagay na bagay sa kanya ang bago niyang gupit. Nagpalit na rin siya ng salamin. Hindi na 'yong nerdy-ish tingnan. E 'di siya na ang in love!

"First, sorry naman kung hindi ko kaagad napansin dahil nga hindi naman tayo nagkita buong magdamag, at idagdag pa ang nangyari kani-kanina lang. By the way..." Saglit akong tumigil para bigyan siya ng matamis na ngiti. "Ang gwapo mo sa bago mong hairstyle. Next, paano ako magsasalita kanina, e sobra na akong nahihiya sa naging resulta ng exam ko. I mean, parang hindi ako worth it maging tutee ninyo ni Erick. Lalo na sa'yo. Idagdag pa 'yong mga sinabi ni Ma'am na nako-compromise na pala 'yong performance mo sa klase ninyo dahil hati ang oras mo. Sa tingin mo, ano'ng mararamdaman ko roon? Last, naaawa lang ako kay Erick dahil nahihirapan akong i-reject ang pagmamahal niya sa akin. Napaliwanag ko na ba?" sagot ko rito.

Bahagya ko namang napansin ang pagba-blush nito sa sagot ko, kaya natawa naman ako.

"Bahala ka. Hahayaan kitang tumiyempo kung paano mo ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Basta ang pinanghahawakan ko lang ay ang pagmamahal mo sa akin. Iyon lang," aniya.

Matapos niyon ay napagpasyahan na naming sundan si Anika sa Starbucks para sa panlilibreng gagawin ko sa kanya. Buti na lang at pumayag itong kasama ko na sumama. Akala ko kasi, magsisimula na rin 'tong mag-aral para sa Math Quiz Bee, e. Ang sabi ko sa kanya, kahit sinong manalo sa kanila ay dito ako magpapa-tutor. Ako na nga ang tuturuan, ako pa ang mag-iinarte. Ang ganda ko naman yata sa lagay na 'yon, 'no. Chos!

"Ang tagal ninyo, ha!?" natatawang reklamo ng babaita nang makarating kami sa p'westo niya.

Natawa naman ako. "Pasensya naman. Ang dami kasing litanya ni Ma'am Tapnio, e."

"Order ka na. Dalian mo, ha?" sagot naman niya.

Inirapan ko naman siya, saka tumayo na para mag-order. Hindi ko naman napansin na sinundan pala ako ni Laurel.

"Ako na ang magbabayad," aniya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Paano ang ipon mo? Keep that. Minsan lang 'to."

Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Ang ipon, madali lang i-recover. Ang effort ko para sa'yo, hindi isinasantabi."

Ano kaya 'yon? Ang korni niya, ha. Naka-attract pa tuloy kami ng atensyon dahil sa sinabi niya. 'Yong iba, simpleng pagngiti naman ang naging reaksyon. May ilan din namang napataas ang kilay. The heck? Well, kahit nakakaimbiyerna lang, pinili ko na lang na i-ignore sila. After all, buhay ko naman ito; buhay naman namin ito. At kami lang ang p'wedeng kumontrol nito. Nang makapag-order ay agad kaming bumalik sa p'westo namin.

"Thank you, girlush!" masayang reaksyon ni Anika habang inaayos ang pagkakap'westo ng kanyang matcha frappe sa mesa.

Napaikot na lang ako ng mata sa kanya. As usual, umiral na naman ang dugong-IG niya. Ipopost lang naman niya kasi 'yon.

Yanny and LaurelWhere stories live. Discover now