ONE LAST REASON

50 13 14
                                    

Naalala mo pa ba yung araw na una tayong magkita?

Nasa park tayo nun. I was 16 and you were 18 back that day. Aksidente lamang yung pag-uusap natin dahil dun sa batang nadapa habang naglalaro siya.

Tutulungan ko sana siyang makatayo nun at tadhana nga naman nagkasabay pa talaga tayo.

Napatitig ako sa mukha mo noon at nakatitig ka rin naman saakin. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko nun para isnobin ka. Nakaka intimidiate kasi masyado ang presence mo nun to the point na gusto kong lamangan. Aaminin kong mataas ang pride ko nung mga panahong yun.

Binilhan ko yung bata ng icecream in cone para matigil ang pag-iyak niya at kung hindi ka nga rin naman mapang-asar nun, nilamangan mo yung akin at binigyan mo yung bata ng icecream solo pack. Tch.

I swear, nainis ako. Well, baka nga nagliliyab na yung ulo ko nun. Tsaka siguro, nasaktan lang ang ego ko. Pa'no ba naman, pagkakita nung bata sa ibinigay mong icecream e binitawan yung akin. Hay, buti nalang at mahaba pasensiya ko nun dahil kung hindi baka napatulan ko na yung batang yun. Sayang din yung cornetto ko ah. Ako nalang sana ang kumain non.

Months passed and yeah, you keep on annoying me. Simula nung insidenteng yun sa park e hindi mo na ako tinantanan pa.

Araw-araw o sabihin na nating kada-oras pa, kinukulit mo ako. Napag-alaman ko rin na magkapit-bahay pala tayo. Kayo yung bagong lipat sa baranggay namin. At kung hindi nga naman din talaga masaklap makaplano si tadhana, pareho pa talaga tayo ng pinasukang university.

Akala ko makakalusot na ako sa perwisyong dala mo dahil hindi tayo pareho ng grade. Pero peste nga naman talaga, panay text naman ang alam mo. Ni hindi ko nga binigay sayo yung numero ko eh pero si mama traydor din, binigyan ka nga. Ku-mare kasi ng mama mo ang mama ko. Tss.

Every night, hindi ako nakakatulog dahil panay tawag ka. Pinapabuksan mo yung bintana ko para makapag-usap tayo. Hindi naman talaga sana kita pagbibigyan nun pero pamilya ko naman peperwisyuhin mo. Gago ka, mag doorbell ba naman daw sa gitna ng gabi? Naaalimpungatan tuloy kaming nasa bahay. Ang kapal talaga ng mukha mo nun.

--

Lumipas pa ang mga araw, buwan at taon. Maraming nagbago dahil sa insidenteng yun. Yung araw na bigla ka nalang nagtapat sakin.

Gusto kita Alyana, simula noong una nating pagkikita sa park pati noong sa araw-araw na pagpapapansin ko sayo at magpasa-hanggang ngayon. Gustong-gusto kita to the point na mukhang mahal na ata kita.

Yun yung mga salitang binitawan mo na halos nagpagunaw ng mundo ko.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot o maski kung ano ang aking magiging reaksiyon. Dahil isa lang ang alam ko sa sarili ko nun.

Hindi kita mahal, Zeffery.

Sorry, pero hindi ko talaga pwedeng ipagpilitan ang sarili ko. Gustuhin ko mang suklian yung pagmamahal mo, pero hindi ko kaya. I'm so sorry, Zef.

Tinanggap mo yung desisyon ko noon. Sabi mo,

Okay lang Ally, hihintayin kita. Kahit ga'no pa katagal. Hindi ako magsasawa. Kasi sabi nga nila, ang tunay na nagmamahal, nakakapaghintay. Siguro nabigla lamang kita. Basta, hihintayin kita.

Lumipas ang mga sumunod pa na buwan at hindi mo nga pinako ang mga pangako mo.

Araw-araw, hatid sundo mo ako. May tsokolate, bulaklak, at kung ano-ano pa. Walang palyang araw na hindi mo pinaparamdam saakin na totoo ngang mahal mo ako.

At dahil sa mga ginagawa mo, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.

Tuluyan na din akong nahulog sayo.
Hindi ko pa sinabi sayo ang nararamdaman ko. Kasi, hinintay ko pang gumraduate tayo ng highschool.

One Last Reason | One-shotWhere stories live. Discover now