CHAPTER TWENTY TWO

2.7K 60 9
                                    

Zander Kace Anderson POV

*Ring!*

*Ring!*

Napa balikawas ako sa kama nang makarinig ako ng sunod-sunod na pag tawag sa aking cellphone. Bumungad ang pangalan ni Chris. Wala akong balak sagutin ang tawag niya kung kaya't binuksan ko ang silent mode ng aking cell phone at bumalik muli sa pag tulog nang makitang 5:00 am palang.

***

*Ring!*

Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock. Inaantok pa rin ako kung kaya't dali dali kong pinatay ang alarm clock. Ilang minuto pa muna ako nanatiling naka higa saka binuksan ang cellphone ko nang makitang mayroong 5 miss calls galing kay Chris ngunit, ni isang notification galing kay Cassandra ay wala akong natatanggap.

Baka busy lang.

Bumangon ako sa akin kama nang makitang 9:00 am na. Isa lang ang klase ko ngayong araw at ala una pa iyon ng hapon. Nag inat pa muna ako saka nag tungo sa banyo upang mag sipilyo matapos ay nag tungo sa study room ko at tinapos ang mga activity sa ibang subjects ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag aaral nang marinig ko muling tumunog ang notification ng aking cell phone. Daglian ko iyong kinuha at umasang galing ito kay Cassandra ngunit, bigo pa rin.

"Kahit man lang tweet at insta wala??" Dismayado kong naibaba ang cell phone saka nag patuloy ako sa pag gawa ng take home activity.

Inabot ako ng ilang oras bago ko natapos ang  tatlong activity sa major subjects ko nang maisipan kong mag compose ng text message at isend iyon kay Cassandra.

Cassandra my fiancé.
about|FaceTime|info

Today 12:00 pm.

Hey. I was wondering if you're up to lunchdate today??

Sent. 12:00 pm.

Napa sandal ako sa aking kinauupuan saka inilapag sa  lamesa ag cell phone ko. Lumabas ako ng study room at nag tungo sa closet room para ma mili ng aking isusuot na damit.

Kinuha ko ang isang long sleeves na pang itaas at trouser pants. Sakto namang bumagay ang terno ng kulay nitong dalawa. Inilapag ko ang mga ito sa kama saka kinuha ang cellphone ko sa loob ng study room.

Tiningnan ko kung may na receive akong text message galing kay Cassandra ngunit, wala pa rin. Naisipan kong maligo na muna matapos ay nag ayos ng sarili. Muli kong binuksan ang aking cell phone at napangiti nang makita ang text message galing kay Cassandra.

Cassandra my fiancé.
about|FaceTime|info

Today 12:00 pm.

Hey. I was wondering if you're free today? Let's have lunch.

Sent. 12:00 pm.

Okay.

***

Nag tungo ako ngayon sa loob ng isang Italian restaurant habang hinihintay si Cassandra. Sinabihan ko siya na dumeretsyo nalang sa restaurant since malapit lang rin naman ito sa subdivision namin. Muli akong napa tingin sa wristwatch ko nang hindi pa rin siya dumarating. Nainip na ako kakahintay dahil mahigit isang oras na akong naka upo at tanging pag inom lang ng tubig ang ginagawa ko. I tried to call her pero, cannot be reached out.

Arranged Marriage Where stories live. Discover now