CHAPTER SEVENTEEN

2.9K 63 2
                                    

Cassandra Hendrix POV

Tumagal pa ako dito sa loob ng police station ng halos ilang oras. Hindi na ako mapakali kung kaya't tumayo ako mula sa aking kinauupuan at pabalik-balik na nag lakad.

"Puntahan mo nga muna doon sa labas si Zander, anak. Kami na ang bahala ng Dad mo dito." Wika ni Mom. Ka agad namang lumapit sa akin si Trixie.

"Samahan na kita. Ako na nahihilo sayo, Cass. Hindi ko alam kung saan ka talaga pupunta."

Lumabas kami ng police station at hinanap ng paningin ko si Zander Kace at nakitang nakatalungko siya sa tabi ng kotse ni Ate Zabrina na para bang mayroong tinataguan.

Nilapitan namin siya ni Trixie at para bang naka kita ng multo nang makita ang mga paa namin.

"Anong ginagawa mo??"

"Cassandra, Trixie. Kayo pala." Napa buntong hininga siya saka tumayo. "Bakit ka naka talungko diyan?"

"A-ahh... W-wala." Pinaningkitan ko siya ng mata at sinuri naman ang kapaligiran. Walang gaanong tao sa paligid at napaka dilim na rin.

"Siya nga pala, nag text si Shein." Iniabot ni Zander Kace sa akin ang cellphone ko. Intensyon ko talagang ibigay sa kanya ang cell phone ko baka sakali kasing kunin ito sa akin ng mga pulis habang isinasagawa ang interrogation sa akin.

Kinuha ko ang aking cellphone at binasa ang text message ni Shein.

Shein
audio|FaceTime|info

Today 9:45 pm

Let's have final rehearsal on Saturday. And paki sabi nalang din kay Zander Kace na mag pagaling siya.

Read ✓ 9:46 pm.

"Zander-este Kace." Nag taas ako ng tingin sa kanya nang mayroon akong maalala. "Nailipat pala ang championship game sa araw ng theater play natin."

"What time?"

"10:00 am and 3:00 pm yung theater play while yung championship game 4:00 pm." Mag sasalita pa sana ako ng pangunahan ako ni Zander Kace.

"Doon na muna tayo sa entrance." Nauna siyang nag lakad at iniwan kami ni Trixie. Sinuri ko ang bawat kilos niya. Para talaga siyang may iniiwasan. Binalewala ko na lamang iyon at sumunod sa kanya. Umupo kami sa mono blocks na narito sa labas malapit sa entrance door.

"Okay, so as I was saying it's either you won't be performing on stage or you won't be participating on the championship game. Kasi 2 plays ang gagawin. One in the morning and one in the afternoon."

"Let me fix my schedule first, Cassandra."

"Okay."

Muli kaming binalot ng katahimikan nang makarinig ako ng sunud-sunod na yapak papalapit sa kinaroroonan namin.

"Tara na." Sabay sabay kaming napalingon kay Mom nang marinig namin ang boses niya. Isa isa silang lumabas ng police station nang may pagtatakang naka balot sa kanilang pag mumukha.

"Why? What happened Kuya Reymond?"

"They had Cassandra's finger prints on the weapon that was used to stab Zander. And also both of your DNA was found in the weapon."

"What?!"

"I can't believe that!"

Hindi mag ka mayaw na usal nila Zander Kace at Trixie nang marinig ang paliwanag ni Kuya Reymond.

Arranged Marriage Where stories live. Discover now