CHAPTER TWENTY ONE

3K 60 6
                                    

Cassandra Hendrix POV

Kumawala ako sa pag kakayakap kay Liam at tinapik ang kanyang balikat.

"Thank you. I really appreciate it."

"And what's that?" Halos mapa talon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Zander Kace. Napalingon ako sa gawi niya kasabay nang paghawak niya sa aking beywang.

Ito na naman. Hindi nag papaalam.

"Wala. I just asked him a favor..."

"Eh, bakit sa kanya pa?? Nandito naman ako?" Napa irap ako saka napalingon kay Zander Kace.

"I asked him a favor to look after you inside the court, Kace. Ni hindi mo nga maisip sarili mo tapos gusto mo sayo ko pa sasabihin itong pabor ko."

Kumawala ako sa pag kakahawak niya sa aking beywang matapos ay dumistansya sa kanya nang marinig na tumikhim si Liam.

"I'll go na." Umayos ako ng pag kakatayo saka tinalikuran silang dalawa. Ngunit, hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang marinig ko ang boses ni Zander Kace.

"Teka, samahan na kita. Saan ka ba pupunta?"

"Uuwi na ako, Kace." Wika ko saka nag patuloy sa pag lalakad. Naisipan kong hintayin nalang si Ate Alexandra sa labas ng gate marahil kaninang tanghali pa naka uwi si Mom and Dad matapos ang theater play.

Nag send ako ng text message kay Ate Alexandra habang naririto ako nakatayo sa labas ng Steinfield University. Ilang saglit pa lamang ay mayroong nahagip ang paningin ko na isang pamilyar na babae sa kalayuan.

Amanda?

Naisipan kong tumawid ng kalsada nang may humawak sa aking braso. "Cassandra." Napalingon ako kay Zander Kace na kakarating lang.

"T-teka... Sandali lang.." Hinila ang aking kamay mula sa kanyang pag kakahawak at muling bumaling sa kinaroroonan ng babae.

Nasaan na siya??

"Sinong hinahanap mo??" Hindi ko na nagawang pansinin pa si Zander Kace at nag tungo sa kinaroroonan kanina ng babae. At patuloy na hinanap siya ng aking mga mata.

"Hey, what's wrong??" Wika ni Zander Kace nang sumunod siya sa dito sa pwesto ko.

"Wala. Bakit ka nga pala nandito?" Mayroon siyang iniabot na flash drive sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong pamilyar itong flashdrive na ito.

"Bakit nasa iyo ito??" Ka agad kong kinuha kay Zander Kace ang flash drive.

"Pinabibigay ni Lanz."

*Beep!*

Sabay kaming napalingon sa kotse na paparating nang makarinig kami ng busina.

"Sige una na ako nandito na si Ate Alexandra. Mag pagaling ka." Pag papalaam ko kay Zander Kace saka pumasok sa loob ng kotse ni Ate Alexandra.

***

Mabilis na lumipas ang isang araw at naririto ako ngayon sa loob ng Steinfield University. Katatapos lang ng second class ko ngayon. Mag kakaroon ng ceremony mamaya para sa magiging Most Valuable Player sa naganap na Championship Game noong isang araw.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng napakalaking bulletin board sa lobby habang isa isang binasa ang mga nominees.

"Oh, nice ngayon pala awarding para sa MVP, Chris. Goodluck." Sulpot ni Trixie na kasama si Chris. Mukhang tapos na rin ang klase nila. Napa buntong hininga na lamang ako at umupo sa isang bakanteng upuan dito sa lobby nang mapansin kong napapatingin ang mga tao sa iisang direksyon.

Arranged Marriage Where stories live. Discover now