C34 - Mood Swings

4.9K 190 30
                                    

C H A P T E R 34

_________________

“Catharine, anak. Gising na. Gising. Lunes na, may pasok na.” Paulit-ulit na pukaw ng yaya Lerma niya sa kanya kaya lang talagang antok na antok pa siya.

“Pesteng bata talaga. Alam na may pasok na ngayon, bakiy naman ba pinuyat-puyat ka pa?”

Nawala ang antok niya at nahila lalo ang kumot. Hubad nga pala siya tapos ang matand ay pumasok sa kwarto nila?

Susmoday! Nakakahiya.

“Y-Yaya, b-bakit po kayo nandito? H-Hubad po ako.” Napasumiksik siya sa may gilid pero ngumiti lang  si Lerma.

“Susmi, ano pa naman ang ililihim mo sa akin? Buntis ka na nga kaya alam ko naman ang nangyayari sa inyo ni Drear simula pa noong araw na ayaw niyang ipahiwalay ang kwarto mo.” Anito habang inaayos ang mga damit niyang isusuot sa eskwelahan.

Si Drear nga pala?

Kaagad siyang tumingin sa paligid pero wala na naman iyon, as usual at ano pa bang ipagtataka niya na ang nahagip ng mga mata niya ay pera sa ibabaw ng mesa.

Napabuntong-hininga na lang siya at isinaksak ‘yon sa drawer. Ano pa bang mababago at bakit umaasa siya? Siguro dahil mapagpaubaya siya kagabi at walang bahid ng pag-aalinlangan ang kusang loob na pagpayag niya sa ginawa nila. At iba naman si Drear kagabi. Hindi naman marahas at parang hindi nga siya sanay na hindi iyon ganoon. Malamang na iniingatan din ang baby nila. At doon naman siya sobrang masaya. Kahit na nangangapa siya sa dilim tungkol sa damdamin niya, iisa naman ang sigurado siya – mahal nila parehas ang bata at iyon ang mahalaga sa lahat.

Tumingin si Catharine kay Lerma at tinatanya niya kung magtatanong ba siya o hindi pero sa huli ay kusang bumuka ang bibig niya.

“S-Si boss Light po?”

“Maagang umalis. Marami kasing naiwan na trabaho sa opisina dahil ilang araw na hindi pumasok. Maligo ka na at hihintayin kita sa ibaba ha. Ihahatid ka ni Greg sa eskwelahan.” Anito na naglakad na papunta sa pintuan.

“Hindi po si Kuya Badong at Kuya Keron? Di ba po kay Boss Light si Kuya Greg.” Pahabol naman niya.

“Hay naku iyon ang ipinaiwan. Simula raw ngayon ay si Greg ang magbabantay sa iyo dahil iyon ang pinakamagaling niyang tauhan.”

Napalabi siya. Hindi naman siya mapapaano. Sino naman ang magtatangka sa buhay niya ay ang babaeng nagtangka na ipahamak siya ay nakakulong na?

Ang babae na iyon na si Fiona, ang lakas ng loob na mamerwisyo ng tao na inosente para lang maisalba ang sarili sa multo na ginawa niyon. Mabuti na lang din at talagang mahal siya ng Diyos at hindi siya pinabayaan na masaktan.

Oo nga nasaktan din siya at umiyak nang husto pero may kapalit na blessing na higit pa sa pera, ang magiging anak niya. At sana masabi na rin niya sa Nanay niya ang tungkol doon. Sana rin ay mapatawad siya ng ina niya sa nagawa niyang pagbebenta niya ng kanyang sarili.

Catharine shut her eyes and prayed. After that, she hurriedly went to the bathroom. Mabuti na lang at hindi masyadong masama ang sikmura niya.

Ilang beses lang niyang sinipat ang sarili sa salamin ay kuntento na siya. Hindi pa naman halata ang t’yan niya na isang buwan na mahigit at gandang-ganda siya sa suot niyang red violet na short at itim na sleeveless, parang lalo lang siyang nagkulay gatas dahil sa tingkad ng kulay ng damit niya.

Naglagay siya ng headband na kakulay ng short niya at sandalyas na ganoon din. Halos lahat naman kasi ng kulay meron yatang nakatago sa cabinet. Maano kayang magkaiba ang suotin niya sa bawat paa para naman magamit niya lahat, at natulala siya sa mga bagong set na naman ng sapatos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TRADED✔️(inc)Where stories live. Discover now