I N T R O D U C T I O N

8.9K 202 20
                                    

IntroductionCatharine

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Introduction
Catharine

Sa murang edad ko ay napunta ako sa isang club kung saan pumuposing ang mga babae na walang bra at panty lang ang suot. Doon pumipili ang mga mayayamang kalalakihan ng mga babaeng iuuwi at pararausan.

Napilitan akong hanapin ang isang babaeng humahawak ng mga kalapating mababa ang lipad dahil sa sobrang pagkadesperada kong maisalba sa panganganak ang nanay kong may mayoma. 150 thousand pesos ang kailangan ko pero hindi ko alam kung magkano ang ibabayad sa puri kong hindi pa nadudungisan.

Hanggang sa may makapili sa aking matandang mayaman pero sa halip na swerte yata ang mapasa-aking mga palad ay walang kabayarang kamalasan. Hindi pa man lang nag-uumpisa ang lahat ng balak milyonaryo na gawin sa akin ay nangisay na siya sa kama nang makita akong nakatapi lang ng twalya.

At ako ang itinuturong pumatay dahil may nakita sa bag ko na isang milyong piso na ninakaw ko raw sa matanda, at may laman din iyong ipinagbabawal na gamot.

Hindi ko alam ang aking gagawin hanggang sa kunin ako ng mga kalalakihan na hindi ko kilala bago pa man ako damputin ng mga pulis. Hindi sa akin ang bag. Ipinabitbit lang iyon sa akin ni Mamita at ang sabi ay ibigay ko raw iyon sa isang tao na kakatok sa hotel na anak ng matandang lalaki.

Nakakalito pero wala na akong magawa.

Hindi naman nga ako nakulong pero nakulong ako sa isang kwarto, hanggang sa puntahan ako ng isang lalaki at isang babae.
Itinuturo ako ng babae na pumatay sa matandang lalaki samantalang hindi ko naman siya kilala.

Iling ang sagot ko at isang hagulhol. Nakakatakot ang babae pero mas nakakatakot ang lalaking nakasuot ng amerikana. Gwapo siya pero ang mukha ay hindi sasanto ng kahit na sino. At kung nakakatakot ang mukha niyang walang kasing dilim, hindi kaya mas nakakatakot din ang kakaiba niyang karisma?

T R A D E D✴
MAIDENS & AUTOCRATIC GENTLEMEN
CATHARINE

ALL RIGHTS RESERVED
2018
©FeistyKontessa

TRADED✔️(inc)Where stories live. Discover now