BO - Chapter 9

Magsimula sa umpisa
                                    

Buti na nga lang, hindi ako sinamahan ni kuya kundi hindi ako makakakilos nang malaya dahil sa presensya niya.

Pumunta ako sa meat section at kumuha ng dalawang kilong karne. Pagkatapos ay sa mga gulay. Kumuha ako ng iba't-ibang gulay katulad ng repolyo, pechay, sitaw, onions, and garlics. Halos lahat ay nakuha ko na. Ngayon ay kukuha na lang ako ng iba't-ibang mga prutas at ingredients pang dessert.

Pagkatapos ko mamili, papunta na sana ako sa cashier habang tulak tulak ang cart ng mga pinamili ko nang may bigla akong nakabangga na nagtutulak din ng cart.

"Ay, sorry po."

"I'm sorry."

Halos sabay naming sabi. At nang makilala ko ang boses na ito, napaangat ang tingin ko sa taong pinanggalingan ng boses. At ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ko ang taong 'to.

"Luke."

"Fiancée."

Halos sabay ulit namin na sabi. Hindi ko naman maiwasan mamula sa binanggit niya. Naalala ko bigla ang nangyari kahapon na siyang dahilan upang lalong mag-init ang magkabilang pisngi ko.

"Haha. You're blushing, fiancée." Napalabi naman ako at napasimangot sa kanya. "Anyway, are you alone?" Tanong niya at tumango na lang ako dahil nahihiya pa rin ako.

Nandito pa rin kami at nakapila ang mga hawak-hawak naming cart.

"Hmm. Can I invite you to have some snacks with me after we pay all of these?"

Matapos ko bayaran ang mga pinamili ko at ang mga pinamili niya, dinala na muna namin papunta sa parking lot ang mga Eco-bag na dala namin. Tatlong eco-bag pala ang naipamili ko habang sa kanya naman ay dalawang eco-bag lang pero sa mga oras na ito, nakita ko na naman sa kanya ang pagiging maginoo niya. Isang eco-bag lang ang hinayaan niyang buhatin ko at siya na ang nagdala ng iba pa. Nung una, ang gusto niya, siya na ang magbubuhat lahat ng mga pinamili namin pero hindi na ako pumayag kasi nakakahiya naman sa kanya kung siya lang ang bubuhat lahat. Inalok na nga niya ako na siya nang maghahatid sa akin sa bahay namin tapos siya pang pagbubuhatin ko? Pero hindi ko inexpect na may pagka-persuasive pala siya. Kaya wala na akong nagawa pa kundi pumayag sa nais niya na tulungan ako.

Pagkalagay ng mga pinamili namin sa compartment ng sasakyan niya, bumalik na kami papasok sa loob ng mall.

Habang naglalakad, naramdaman ko ang paghawak niya sa isang kamay ko kaya napatigil ako at tiningnan siya na nagtatanong kung bakit?

"I am your fiancé, right? So I have the right to do this?" Banayad niyang tanong kaya wala na lang akong nagawa kundi tumango at ngitian siya pabalik.

Binalik ko ang tingin sa nilalakaran namin at naramdaman ko na lang na in-intertwined niya ang aming mga daliri sa magkahawak naming kamay.

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit gan'to ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. Samantalang kakakilala pa lang namin at bago lang kami na naging magkaibigan.

Sa mga oras na ito, habang nasa loob na kami ng isang fine dining restaurant dito sa mall. Hindi ko maiwasang mapaisip sa nararamdaman ko ngayon.

Bakit ba sa tuwing aalis ako, pakiramdam ko may mga matang nakamasid sa akin?

Yes. Kanina ko pa itong nararamdaman nung nasa dept store pa lang ako. Pero ipinagsasawalang bahala ko na lang. Dahil baka nag-aassume lang ako. Yeah. Ganon na nga siguro.

"Fiancée," Nakangiting tawag sa akin ni Luke after makaalis ng waiter matapos niya sabihin ang order namin.

Hindi ko naman maiwasan na simangutan siya.

Brother's Obsession [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon