Chapter 5

411 17 0
                                    


Ayumi's POV

Pumasok na ako sa classroom at umubob na lang,medyo nakakaop rin kasi dito sa loob ng bago ko'ng classroom,halos lahat sila ay mag kasama,si Maicah naman kasi ay nasa Science Lab pa kaya wala akong kasama.

Napansin ko ang babaeng nasa kabilang side ng classroom,tahimik rin ito at walang kasama, nagbabasa lang sya ng libro pero ang ipinagtataka ko ay maganda naman sya,halata din na mayaman sya pero bakit ganun? Wala syang kaibigan? Walang may gustong sumama sakanya? Halos lahat ng maganda sa School na ito ay may kasama pero sya lang ang naiiba.

***

"Bakit ang tagal nyo sa Science Lab?"-tanong ko kay Maicah habang naglalakad kami papunta sa Garden. Katatapos lang kasi nilang gawin yung project nila.

"Nagkagulo kasi sa loob,kung ano ano nanaman kasing pinag gagawa ni Chris"-sagot naman nya at ininom ang frappe na hawak nya. Si Chris, ang boybestfriend namin,hindi ko pa sya nababanggit sainyo dahil matagal ko na rin syang hindi nakikita. May isa pa kaming lalakeng kaibigan, si Ron.

"Bakit nga ba palaging wala si Chris at Ron? Hindi na rin sila sumasabay saatin"-malungkot na tanong ko. Ron and Chris are also popular in this school,I don't even know why,Hindi ko alam kung bakit ako ang pinili nilang maging kaibigan,hindi rin sila natatakot masabihan at ma outcast sa School nato ng dahil saakin.

"Busy na rin sila eh,Alam mo na,Engineering"- sagot naman nya,tumigil kami sa may bench dahil sa mga lalake na naka tambay dito. Ang grupo ng mga Bad boys,ewan ko,wala si Kuya eh,wala din si Michael.

"Hi Jamaicah"-bati ni Jerome,napatingin ako kay Maicah at nakitang inirapan nya si Jerome. Napatingin naman akong muli kay Jerome at ngumiti naman sya saakin kaya napangiti na lang din ako ng pilit.

"Tara na"-aya saakin ni Maicah at mataray na umalis pero nung hindi ako sumunod sakanya, agad nya akong hinila.

"May gusto ba sayo si Jerome?"-pangungulit ko kay Maicah ng makaalis na kami. Umirap naman sya saakin ng marinig ang tanong ko.

"Kung meron man malamang bet lang yun,alam mo naman ang mga katulad nila,Isa sila sa mga grupo ng masasamang lalake bukod sa mga Bullies at Gangster. Kung mag kakagusto man sila sa isang babae malamang sa malamang,pag lalaruan lang nila at sasaktan ang babae"-sagot naman nito kaya napaisip ako. Oo nga,tama sya,parang yung Just the way you are lang, but in the end sila pa din.

***

Third Person's Point of View

"Nakikita mo ba yung babaeng yun?"-tanong ng lalake sakanyang kaibigan. Isang grupo ng mga lalake ang nakatambay sakanilang madalas na tambayan.

"Oo"-sagot naman ng leader ng grupo nila.

"Sya,kailangan mo syang mapa oo,kailangan mo syang mapa fall sayo"-sabi ng kaibigan nya. Ang Casanova sa grupo nila.

"Yun lang ba? Kayang kaya yan,Madali lang sya"-sagot naman ng Leader nila at akmang tatayo na pero pinigilan sya ng isa pa nilang kaibigan. Ang pinakamabait sa grupo nila.

"Pwede bang wag na lang sya? Pre iba na lang"-sabi nito pero inalis lang ng kaibigan nya ang kamay nyang nakahawak sa braso nito.

"Ano ka ba Pre, mas maganda nga yun eh,pangit sya so mas maganda kung lalo syang maaout cast sa School na ito dahil nag aassume sya sa isang sikat na lalake"-sagot ng Casanova kaya umalis na ang Leader at wala ng nagawa ang lalake.

***

Ayumi's POV

"Ate Ayumi!"-tawag saakin ni Alex kaya hindi muna ako pumasok sa loob ng room namin.

"Bakit?"-tanong ko dito.

"Ipinapatawag ka nga pala ni Kuya Niel sa SSG Office"-sagot nito at agad rin namang umalis.

Pumasok ako sa loob ng room para magpasama kay Maicah papunta sa SSG Office. Habang nag lalakad kami sa SSG Office ay napansin ko nanaman ang babaeng tahimik sa room namin,naka tambay lang sya sa bench at nag babasa nanaman ng libro.

"Ahm President Niel... Bakit po?"-tanong ko kay Niel ng makapasok na ako sa SSG Office. Walang tao dito at tanging si Niel lang talaga.

"Gusto lang kitang makausap dahil ikaw ang President ng Star Section diba?"-tanong nito. Ako kasi ang nanominate na President sa Star Section. Wala naman kasing may gustong gumawa ng mga School Duties so ako agad ang nanominate.

"Opo"-sagot ko naman at umupo.

"Wag ka na mag po at opo saakin and just call me Niel,Since mag ka idad lang naman tayo and classmates rin naman"-sabi nito kaya medyo nahiya ako.

"Next month mag iistart ang mga Celebrations and Activities sa School na ito so I just want to inform you na kailangan ng mag handa,Sa Star Section rin naman ako so gusto ko na tulungan mo ako"-sabi pa nito kaya napatigil ako. SSG President sya so hindi na sya pwedeng maelect as President. Sa iisang Classroom lang rin kasi kami.

"O-ok po"-sagot ko.

"Hayst! Diba sabi ko wag ka na mag po"-sabi nito at tumawa. Nakakatulala yun ah! Nang mag start ang semester ay madalas na akong kinakausap ng kung sino sino hindi katulad nung high school na halos sila Maicah,Ron at Chris lang ang pumapansin saakin.

***

Umalis ako ng nakatulala sa Office ni Niel. Kasabay ko rin si Maicah at hanggang ngayon ay nag tatanong parin sya kung bakit daw ba ako tulala at kung anong sinabi saakin ni Niel.

"Hindi mo ba talaga sasagutin yung mga tanong ko?"-inis na tanong pa ni Maicah habang nag lalakad kami papunta sa Class Room

"Wala naman akong dapat sagutin sa mga tanong mo eh,about lang rin naman sa up coming Activities ang pinagusapan yun lang"-sagot ko naman dito kaya napairap na lang sya.

"Miss..."-nabigla ako ng may humawak sa braso ko at pag tingin ko....




The Nerdy Girl,The Bullies,The Badboys and The GangsterWhere stories live. Discover now