Chapter 1

1.3K 27 0
                                    

Chapter 1-Flashback

"Hi, I'm Ayumi Aira Evangelista"-hindi ko na pinahaba pa ang sasabihin ko dahil alam ko naman na hindi sila nakikinig.

"You may take your seat"-bored na sabi ni Mrs. Fontalcon kaya umupo na ako sa pinakang likod at sulok ng classroom.

Once again, Ako si Ayumi Aira Evangelista,nag aaral sa Stars University and galing nga sa pangalan nito...  School ito ng mga magaganda't gwapo, mayayaman,matatalino at karamihan sa kanila ay mga sikat.

Isa lang naman akong babae na mayaman at matalino kaya siguro ako natanggap sa School na ito. Alam ko na walang may gustong pumasok ako sa School na ito kaya miske si Mrs. Fontalcon ay inis na inis sakin,siguro dahil pangit ako.

"Kilala nyo naman na siguro ang lahat ng classmate nyo"-bored na sabi pa nya.

"Ok,Class Dismiss"-sabi pa ni Mrs. Fontalcon sabay mataray na umalis. Tumayo naman ako at nag lakad papalabas ng classroom para daanan ang nag iisa ko'ng kaibigan na si Jamaicah Lopez.

Famous sya sa School na ito, maganda kasi sya, mayaman at matalino pero hindi nya trip ang mga lalake na nag kakagusto sakanya eh dahil minsan na syang iniwan ng taong mahal nya.

FLASHBACK...

Jamaicah's POV

Ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko, lahat ng kaibigan ko ay nandito,lahat sila ay masaya pero mas sasaya pa ako kapag dumating na ang pinaka espesyal na tao sa buhay ko.

"Happy 18th Birthday Maicah "-lumingon ako ng marinig ko ang boses ng bumati saakin, biglang napaltan ng napaka laking ngiti ang kaninang nag aalalang mukha dahil baka hindi hindi sya dumating pero ngayon... Napaka saya ko, hindi sya nawala sa birthday ko.

"Thankyou Babe, akala ko hindi ka na makakadating "-sabi ko sakanya at binigyan sya ng napaka higpit na yakap. Medyo nawala ang ngiti ko ng may dumapong kamay sa braso nya kaya agad akong bumitaw para makita kung sino ang napaka kapal na babae ang gagagawa nun. Nakita ko naman  and naka ngiting si Almira.

"Here's our special gift for you our dear Jamaicah"-nakangiting sabi nya saakin kaya marahas ko namang kinuha ang gift na sinasabi nya. Kung iniisip nyo na mabait ang babaeng ito...  Pwes nag kakamali kayo, sya ang babaeng nag tatangkang agawin si Nathan,Ang boyfriend ko.

"Thankyou "-ngumiti ako sakanya ng pilit at marahas na hinablot ang braso ni Nathan.

"Pwede ba kitang makausap? "-tanong ni Nathan at hindi na nga ako naka sagot ng hinila na nya ako papunta sa Garden. Nawala ang ngiti ko ng tumigil na sya sa pag lalakad at halata ang pagka balisa nya.

Lumapit sakanya ang Driver nya at binigay ang isang box na hindi ko alam ang laman.

"Here's My Gift "-sabi ni Nathan at iniabot saakin ang box, pilit akong ngumiti sakanya at tinanggap ang regalo.

"Is there's something wrong? "-hindi na ako nag Thankyou dahil sa bumabagabag saakin,iba na rin ang kinikilos nya kaya hinawakan ko sya sa kamay.

"Nathan, Is there's something wrong?"-seryosong pag uulit ko kaya tumigil naman sya sa pag papanic.

"I have to tell you something "-nagpapanic na sabi nya tapos hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Then tell me"-sagot ko naman tapos hinawakan din ang kamay nya.

"Maicah.... Aahhmmm"-hindi maituloy na sabi nya.

"Why don't you tell her? Sabihin mo ang totoo Nathan "-napalingon ako ng mag salita galing sa likod ko si Almira. Naka ngisi sya habang sinasabi ang mga katagang yan.

"What do you mean ? "-pati ako ay kinakabahan na sa ikinikilos nilang dalawa. Tumingin ako kay Nathan at binigyan sya ng ekspresyon na may pagtatanong.

"Nathan...  Gusto kong sayo mismo manggaling ang gusto nating sasabihin kay Jamaicah... Go tell he-"-hindi na natuloy ni Almira ang pag sasalita nya ng biglang sumigaw si Nathan na ikinabigla namin.

"Shut up! "-sigaw nya kaya napa irap na lang sakin si Almira.

"Just tell her! "-inis na sigaw rin naman ni Almira sabay irap at nag walk out.

"Just tell me Nathan!  What is it?! "-naiiyak na sabi ko na dahil halos si Nathan ay maiyak na rin habang nakatingin saakin....

The Nerdy Girl,The Bullies,The Badboys and The GangsterWhere stories live. Discover now