Chapter 3

601 21 0
                                    


Ayumi's POV

"Bakit mo pa kasi pinatulan"-naiinis na paninisi ko kay Maicah na ngayon ay nag iiscroll lang ng nag iiscroll sa facebook.

"Eh ano naman? Tama naman kasi ako at mali sya and you know me hindi ako mag papatalo"-seryosong sagot naman nya at muling nag Scroll.

"Bahala ka,basta ayaw ko next time na madamay ako"-natatawang sabi ko naman kaya napatigil si Maicah at tumingin saakin ng naka poker face.

"So ganon? Iiwan mo ko?"-sabi nya at pinatay ang phone.

"Andd... You also know me Maicah,hindi ako magaling makipag away"-sabi ko pa kaya napa irap na lang sya .

"Ewan ko sayo"-sabi nya lang at umirap uli sabay bukas ng phone nya.

Ilang minuto pa ang hinintay namin pero wala paring tao na dumadating dito sa Classroom namin,as in kami lang dalawa ang nandito sa Classroom,ayun ang saya,super lamig hahaha charowt.

"Yumi,Ayumi gising"-panggigising saakin ni Maicah kaya napa inat naman ako at tumingin kay Maicah.

"Hinahanap ka ng kapatid ni Niel"-sabi nya ng makita na nag tatanong ako.

"Ate Ayumi!"-sigaw ng nasa may pinto na pala na si Alex. Pumasok sya ng dahan dahan sa loob ng Classroom namin na para bang nag tatago.

"Eto na nga pala yung damit"-sabi nya at patuloy na lumingon ng lumingon sa paligid. Iniabot nya saakin ang isang paper bag na may laman ngang damit. Inabot ko rin naman eto at dahan dahang inilagay sa desk ko.

"Salamat Alex ah,pasensya ka na pati ikaw ay nasayang ang oras dahil sa pag dadala ng damit na ito"-nahihiyang sabi ko sakanya kaya napatawa sya.

"Its ok Ate,wala rin naman kaming Class after lunch and mapapagalitan ako ni Kuya if hindi ko sinunod ang utos nya lalo na't pag dating................ Ay wala alis na ako"-sabi nya kaya napatawa naman itong si Maicah na hindi ko alam kung bakit. Umalis na rin si Alex kaya tumayo ako para pumunta sa C.R.

"San ka?"-tanong ni Maicah habang hawak ang phone nya at hindi tumitingin saakin.

"C.R"-sagot ko naman kaya tumayo rin naman sya.

"Sama ako"-sabi nya at dun parin sa Phone nya nakatingin. Hindi ko naman sya pinansin at lumabas na ng Classroom. Habang nag lalakad ako ay patuloy ang pag lingon ko sa busy sa pag cecellphone na si Maicah.

"Aray"-agad akong napalingon sa likod ko kung asan si Maicah at nakitang wala na sya sa likod ko at ang meron lang dito ay ang likod ng isang napaka tangkad na lalake.

"Tsk! Hindi kasi natingin sa dinadaanan"- reklamo ng lalake kaya agad naman akong pumunta sa kung saan nakaharap ang lalake na kung saan ay si Maicah pala ang kanyang kausap.

"Edi dapat tumabi ka na lang! "-galit na sabi rin naman ni Maicah at pinatay ang Phone nya.

"Ikaw na nga itong patanga tanga ikaw pa itong galit"-seryosong sabi ng lalake na may halong pag susungit.

"Tama na yan Maicah,baka naman mamaya kung anong gawin nyan sayo"-takot na bulong ko kay Maicah kaya napaatras naman sya.

"Che!"-galit na sabi ni Maicah at hinigit ako.

"Hayst"-nakangiti kong sabi kaya napatingin naman saakin si Maicah ng masama.

"Anong tinatawa tawa mo?"-inis na sabi nito habang nakaupo sa may dry place ng C.R.

"Wala lang,natatawa ako kasi ang dami mo ng nakakaaway kahit first day palang and... Sa lahat ng nakaaway mo ngayon kay Justin ka lang walang nailaban"-nangiinis na sabi ko habang inaayos ang damit.

"Syempre sabi mo sakin baka kung anong gawin ng lalakeng yun eh"-naiinis na sabi nya naman at umirap.

"Edi dapat lumaban ka parin, ganun naman ang ginagawa mo diba? Kahit sinasabi ko na tama na"-pangiinis ko pa kaya napatingin nanaman sya saakin ng masama at hindi ko na nga napigilan ang pagtawa ko.

"Tapos ka na diba?"-galit na sabi nito at nauna nang lumabas sa C.R kaya dali dali rin naman akong lumabas at hinabol sya.

"Gagalit? Toh naman! Hindi ka na mabiro!"-natawang sabi ko pa pero sya ay galit na nag lalakad parin.

"Whatever"-sabi lang nya at nag lakad pa ng mabilis.

Lumipas ang oras at natapos ang mga Classes namin ngayong Firstday, nailipat na rin ng Section si Maicah and syempre pati ako at kung minamalas ka nga naman... Pinayagan akong lumipat sa Star Section.

Ang Section na hindi ko minsan ginustong lipatan.

***

"Sasabay ka ba kay Michael?"-tanong ni Maicah habang inilalagay ang gamit nya sa kotse nya.

"Syempre hindi,alam mo naman na hindi ako nun kilala pag nasa School kami and may dala akong kotse"-sagot ko naman at binuksan ang kotse na katabi ng car ni Maicah.

Si Michael ang pinsan ko at nakatira lang kami sa iisang bahay dahil nasa ibang bansa si Mama para ayusin ang mga Business namin dun. Member si Michael ng isang sikat na grupo sa School namin kaya ayaw nyang ipaalam na may pinsan syang pangit at outcast sa School. Tanggap ko naman yun dahil alam ko na ayaw nila saakin.

I also have an older brother and he's a member of a group that is also popular in our School... Group of the Badboys,hindi kami nakakapagusap dahil nasa iisang bahay lang sila ng mga kagrupo nya and wala nga atang nakakaalam na kapatid nya ako eh,kasi nga... Walang nakakakilala sakin.

Pero all of those problems doesn't matter to me,I want to be who I am, I grew up like this so I'll remain what and where I'am right now.

***

"Ayumi!!!!!!!"-nabigla ako dahil sa malakas na sigaw na nanggagaling sa loob ng bahay kaya agad akong tumakbo papunta sa loob at napatigil naman ako ng makita ang isang napaka tangkad,maputi at magandang babae na may hawak na maleta.

"Maccy?"


The Nerdy Girl,The Bullies,The Badboys and The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon