Ghad! Ang sakit pa din pero kakayanin!

Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang 'G'. Buti na lang at solo ko ngayon ang elevator. Nang nasa second floor na, biglang may sumakay na lalaki. Medyo nagulat pa ito nang makita ako. Teka! Kilala ko ba siya? Bakit ganyan siya makareact? Umiwas na lamang siya ng tingin at pumasok na. Kumibit balikat na lamang ako pero in fairness ang gwapo niya hihi.

Nang tumunog na ang elevator, inunahan ko na 'yung lalaki papalabas ngunit napahinto ako nang marinig ko ang pangalan ko. Napatingin ako sa malaking flat screen TV na nakadikit sa pader at gano'n na lang ang pagkagulat ko nang makita ko ang aking litrato.

"Katarina Fajardo reported missing this Sunday morning. It was said that all her clothes and things were gone after her mother noticed that no one is responding while she's knocking on her daughter's door." Sabi ng reporter. Pagkatapos no'n ay nagflash ang mukha ni Mom habang umiiyak.

"Please help me find my daughter. I love her so much and I can't sleep knowing that she's somewhere out there alone. Please help me find my baby Katrina." Umiiyak na pahayag ni Mom. Muntik na akong matawa sa pinagsasabi niya.

"I will reward $10,000 to the one that will find her and will bring her to me safely. Please call me immediately if you already found her, 09..."

Napatingin ako sa lalaki na nakasabayan ko kanina sa elevator. Kunot noo siyang nakatingin sa TV at dahan-dahan niya akong binalingan ng tingin. Umiwas ako ng tingin at nagmadaling pumunta sa elevator. Kailangan ko ng disguise para 'di nila ako makilala. Bwisit! Lahat niya talaga gagawin para sa pera! Naigulo ko ang aking buhok sa inis. Mabuti na lang at ibang pangalan ang nilagay ko nung nagcheck in ako.

Nagmakeup muna ako at siniguro kong 'di ako makikilala. Iniba ko din ang aking suot at hairstyle. Kinuha ko ang aking shades at lumabas na. Sana gumana!

Sumakay na ulit ako sa elevator. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko na naman 'yung lalaki. 'Di ako nagpahalata na nagulat ako. Pumasok na ako at nag-aktong mayaman. Pati pagbitbit ko ng aking bag pangmayaman dapat. Nang bumukas na ang pinto ng elevator, agad akong lumabas. Muntik na nga akong matapilok dahil sa taas ng heels ko.

Tahimik kong tinahak ang daan patungo sa parking lot ngunit gano'n na lang ang pagkagulat ko nang may biglang humila sa akin at sinandal ako sa pader. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso. Nagpumiglas pa ako ngunit biglang nahulog 'yung shades na gamit ko.

Shete! Ano bang ginagawa ng lalaking ito dito?!

"Katarina Fajardo." Sabi nito habang nakatingin sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Waepek 'yung makeup ko!

"What are you talking about?" Tanong ko sa kanya. Pinatinis ko pa ang boses ko.

"You can't fool me. Malaking pera rin ang $10,000." Pinandilatan ko siya ng mata.

"Don't you dare." Banta ko sa kanya gamit ang aking totoong boses. Napangisi siya sa aking sinabi. Ugh! Nakakainis! Gwapo naman sana eh mukhang pera pala amp! Walang iba kundi si Topaz Gazella, 'yung ipapakasal sana sa akin ni Mom ngunit dahil sa bad behavior ko, nagwalk out 'yung parents niya kasama siya.

Akala mo ang bait! Psh!

Binitawan niya ang aking braso at nagpamulsa.

"I dare." Sabi niya. Konti na lang at masusuntok ko na siya sa mukha!

"Don't." May diin kong sabi sa kanya.

Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago ngumisi ulit. Sira ata 'to eh!

"Okay." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Madali naman pala siyang kausap eh.

"Okay." Lalampasan ko na sana siya nang bigla siyang nagsalita.

Yours Only [FULL STORY AVAILABLE ON HINOVEL] Where stories live. Discover now