Kabanata 10: Iiwan

Start from the beginning
                                    

     Nahihirapan akong mag-focus sa pag-aaral pero tuwing naiisip ko ang paghihirap ng pamilya, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para magpursigi.

     "Selina..." tawag sa 'kin ni kuya isang araw na nakatulala ako sa harap ng painting sa bakuran.

     "Bakit?" tanong ko.

     Umupo siya sa tumba-tumba ni Lola habang kinakain ang chocolate bar na hawak. "'Wag mong masyadong isipin ang problema ng pamilya. Ang bata mo pa para mamroblema," sabi niya.

     Napangiti ako. "Ikaw ba kuya, pinoproblema mo?" tanong ko.

     "Oo. Kaming matatanda na ang bahala ro'n. Ikaw, 'wag kang makonsensya na mag-enjoy. Papangit ka lalo niyan."

     I smirked. "Pero bata ka pa rin kuya," napaisip kong sagot.

     Natawa lang siya sa 'kin at kinain ang chocolate niya. Na-realize kong napapansin niya 'yung pagiging malungkot ko sa mga nangyayari. Iniisip niya rin ang lagay ng pamilya. Ang online games ay distraction lang din sa kanya.

     Gaya ng sabi ni kuya, sinubukan kong mag-enjoy na gaya ng dati.

     Tumunog 'yung cellphone ko, may message galing sa lalaking hindi ko pa nakikilala. Hindi siya madalas mag-text kaya hindi naman siya 'yung tipo na nakakainis.

     'Kung nalulungkot ka sa buhay, sana malaman mo'ng importante 'yung existence mo sa mga taong nagpapahalaga at humahanga sa 'yo.'

     Napangiti ako at sinubukang sagutin 'yon.

     'Talaga lang a?'

     Ilang sandali, nag-ring ang phone ko. Tumatawag siya. Kinabahan ako pero sinagot ko pa rin 'yon.

     "Ahm... Hi... Sinagot mo," bungad niya. Malalim ang boses niya.

     "Lalaki ka talaga a. So, pinagti-tripan mo ba 'ko?" tanong ko at napangisi.

     "Hindi kita pinagti-trip-an. Kung gusto mo, magpapakilala na 'ko sa 'yo. Nasa school ka pa ba?"

     "Wala... Pero sa totoo lang marami kasi akong iniisip ngayon. Pasensya na. Alam kong palakaibigan ako noon at baka nabalitaan mo 'yon, pero ngayon kasi hindi na masyado."

     "I see. Love life problem? Sorry, baka lang may maitulong ako," nag-aalangang sabi niya.

     "Family..."

     "Same with me. Hindi kita pipilitin magsabi pero balang araw, kung gusto mo nang ibang masasabihan... Pwede ako..."

     Napahinga ako nang malalim. "Okay. Thank you," I said, appreciating his kind words. "Bye..."

     Pagkatapos ng tawag na 'yon, nagme-message pa rin siya minsan ng inspiring words. Hindi gano'n kadalas, tama lang sa mga panahon na sobrang down ako.

     Sometimes, I would reply to say thank you for the encouraging words.

     Kapag humahaba ang usapan, nakakapagkwento siya ng mga problema niya tungkol din sa pamilya. May sakit pala ang nanay niya. Nakikinig din ako sa mga kwento niya. Nagpapalitan kami ng malalalim na opinyon tungkol sa buhay, sa pamilya, at sa mundo.

     That's when I started to appreciate the beauty of the unknown. By not knowing him personally, I can not judge his words and thoughts as compared to his real life.

     'Saka ka na lang magpakilala.'

     'Pero kakausapin mo pa rin ako?'

     'Kung mabuti kang kausap, oo.'

Just TodayWhere stories live. Discover now