Natigilan naman ang dalaga sa kanyang narinig, "A-ano pong ibig niyong s-sabihin, Mama?" nagtataka niyang wika bago humiwalay sa kanyang Ina.

Hinaplos na lang ni Mama Janet ang buhok ni Nicole, "Alam nang Papa mo ang tungkol sa pagbubuntis mo, at plano niyang dalhin ka sa Dubai para ilayo ka kay Josh."

Mabilis namang napahiwalay si Nicole rito sabay sabing, "M-mama ayoko po! Ayoko pong sumama kay Papa sa Dubai!" singhal ng dalaga dahil sa isipin na malalayo sila ng kanyang anak kay Josh.

"Nakapag-desisyon na ang Papa mo, wala na tayong magagawa pa roon." matigas na anas ni Mama Janet.

"M-mama! Wag niyo naman pong gawin sa akin ito, paano po ang pag-aaral ko?" lumuluhang usal pa ni Nicole sa kanyang Ina.

"Isang buwan na lang naman at tapos ka na sa ikalawang taon ng pagkokolehiyo mo, kaya't doon mo na iluluwal ang magiging anak mo."

"Ayoko po, Mama! Ayoko!" bulyaw ni Nicole saka dali-daling tumakbo papalabas ng kanyang silid. Narinig pa ng dalaga ang pagsambit ni Mama Janet sa kanyang pangalan, ngunit hindi na niya ito pinansin pa at nagmamadaling nilisan ang kanilang tahanan.

Dagliang nilisan ni Nicole ang kanilang lugar tangan ang kanyang sarili lamang. Tumakbo ito patungo sa kalsada at agad pumara ng taxi.

"Manong sa Urdaneta Village po." humihikbing saad ng dalaga sa taxi driver.

Yakap-yakap ang sarili na lumuluha si Nicole sa mga oras na tinatahak niya ang bahay ng mga Dela Vega, dala ang pag-asa na masabi sa kanyang kasintahan ang lahat-lahat ng dapat nitong malaman.

Sa pagkakataong iyon ay batid na niya sa kanyang sarili, na handa na siyang sabihin ang kanyang kalagayan kay Josh. Kahit nagdadamdam, ay nilunok na lang ni Nicole ang kanyang pride dahil ayaw niyang malayo sa binata.

Nasa ganoong pag-iisip si Nicole nang marinig niya na biglang nagsalita ang taxi driver, "Mukang babagsak na ang malakas na ulan." anito habang pasilip-silip sa langit.

Bahagyang sinilip din ni Nicole ang kalagayan ng panahon at nakita niya na walang mga bituin sa langit at mukang malakas na ulan ang nagbabadyang bumuhos, anumang oras.

Makalipas ang kalahating oras ay narating na ni Nicole ang tahanan ng mga Dela Vega, "Manong, sandali lang po 'yung bayad." saad niya bago lumabas sa taxi.

Ilang beses nag-doorbell si Nicole, ngunit walang sumasagot, ni sumisilip sa tahanan nila Josh ay wala rin, "Hubby, nasaan ka na ba?" bubulong-bulong niyang sambit sa hangin.

Laking gulat ni Nicole nang biglang bumusina ang taxi na kanyang sinakyan kanina, kaya't mabilis siyang napabaling dito. Nakita ng dalaga na ibinaba ng driver ang bintana ng passenger seat nito.

"Ineng, matagal ka pa ba? Gagarahe na kasi ako at baka abutan ako ng malakas na ulan sa daan." wika nito bago isinandal muli ang kanyang likuran sa driver seat.

Sandaling nagpabaling-baling si Nicole sa gate nila Josh, ngunit bagsak ang balikat na napabuntong hininga na lang ang dalaga bago pumasok muli sa taxi, "Manong, pwede niyo po ba akong ihatid sa The Luxury Residence sa bgc?" pakikiusap niya rito.

Nakita ng dalaga na napakamot ng ulo ang taxi driver sabay sabing, "Gagarahe na kasi ako, Ineng eh." pagtanggi nito sa kanyang pakiusap.

"Sige na po, Manong... Dodoblehin ko na lang po ang bayad ko sa total ng magiging metro ko." pagmamaka-awa pa ni Nicole rito.

Sa huling pagkakataon ay napakamot ulit ito ng ulo, na animo'y nayayamot, "Sige na nga po." pagsang-ayon nito bago pinaandar ang kanyang taxi.

Sa buong biyahe ni Nicole ay nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan. Inabot ng halos isa't kalahating oras ang ibiniyahe ng kanilang sasakyan bago tuluyang narating ang The Luxury Residence, isa sa high-end condominium sa BGC.

"Pakihintay lang po ng bayad, Manong. May tatawagan lang po ako sa loob." ani Nicole bago lumusob sa malakas na ulan.

Humahangos niyang tinungo ang lobby ng nasabing condominium at bumungad naman agad sa kanya ang isang receptionist doon, "Good Evening po, Maam. Saan po sila?" pagtatanong nito.

"Ahh Miss, pwede pa-connect ako kay Mr. Dennis Asperga?" nanginginig na sambit ni Nicole, dahil sa lamig ng aircon na nanunuot sa kanyang buong kalamnan.

"For awhile po, Maam. Iche-check ko po kung gising pa si Mr. Asperga." anito saka ginamit ang kanilang intercom.

Sandaling naghintay si Nicole nang magsalitang muli ang receptionist, "Maam, pinapatanong po ni Mr. Asperga kung sino po sila?"

"P-pakisabi si Nicole..." nangangatal niyang utas dito bago niyakap ang sarili, dahil sa damit niyang bahagyang nabasa ng malakas na ulan.

"Sir, Nicole raw po," rinig pa ng dalagang sambit nito. Nagpatango-tango pa ang receptionist sa kausap nito bago ibinaba ang intercom. "Maam, okay na po... Bababa na po si Mr. Asperga." nakangiting sambit pa nito sa dalaga.

"Thank you, Miss." ani Nicole bago naupo sa couch na nakahilera sa lobby.

Ilang minuto ang ipinaghintay ng dalaga nang biglang marinig niya na may sumambit sa kanyang pangalan, "Nicole!"

Nang mag-angat ng tingin ay ang nag-aalalang mukha ni Dennis ang bumungad sa kanya. Mabilis namang napatayo si Nicole, at sinalubong ng yakap ang binata.

"What's wrong, hun? Bakit basang-basa ka?" punong-puno ng pag-aalalang usal ni Dennis nang mailayo ang kanyang sarili sa dalaga.

"P-pwede ba akong makituloy sa inyo, kahit ngayon gabi lang?" naluluhang saad ni Nicole nang tingalain niya ang binata.

"O-of course! Tara, magpalit ka muna ng damit baka magkasakit ka pa." ani Dennis, saka mabilis na hinablot ang kaliwang kamay ng dalaga.

Sandaling tumigil naman si Nicole sa paglalakad sabay sabing, "D-dennis, pwedeng pakibayaran muna 'yung taxi? W-wala kasi akong dalang pera eh. Babayaran ko na lang kapag nakauwi na ako." nahihiya niyang wika rito.

Mabilis namang pinisil ni Dennis ang kanyang pisngi sabay sabing, "Silly... Kahit wag mo nang bayaran. Just stay here ako nang magbabayad." anito at dali-daling tumakbo papalabas para bayaran ang kanyang metro.

Nakangiting sinalubong muli ni Dennis ang dalaga bago mabilis hinablot ang kamay nito, "Let's go, hun." masiglang sambit nito bago sila sumakay ng elevator.




*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now