"WHAT THE HECK ALEXANDER CLION!?" sigaw ni Arianne kay Clion at tinulungan akong tumayo, "Kung wala kang gagawing matino dito, please lang, umalis ka na." seryosong sabi ni Arianne. Nagulat naman kaming dalawa sa inasal niya.

"Che---" naputol ang sasabihin ni Hyung nang sinamaan siya ng tingin ni Arianne. Wala na siyang nagawa kaya lumabas na siya. But before he fully left, sinamaan niya muna ako ng tingin. I was kinda scared by his glare, never niya pang ginawa iyon. He was always on my side. Siya ang parang protector ko since I'm the maknae. My mind wasn't that mature enough. Pero syempre, sa mga nagawa at napagdaan ko, impossible naman na hindi pa ako magiging mature. I took time to realize my mistakes and reflect on it. That makes me mature. That's why I'm fixing my mistakes right now.

"Ano Pendelton? Tutunganga ka nalang diyan? Akala ko ba sasamahan mo ko sa hospital?" medyo pagtataray saakin ni Arianne. Tch! Sungit talaga nitong babaeng ito!

Inalalayan ko siya papuntang parking lot where I saw a car. Siguro ito ang susundo saamin. May excuse letter na naman na kami ni Arianne so walang problem sa attendance namin.

We arrived at the hospital. On the way here, tahimik lang ako. I still don't wanna pressure her to tell me kung ano bang meron sakanya. Alam kaya ito ni Rayelle?

Mukhang namukhaan niya na medyo nagtataka ako kaya kinausap niya ako.

"I know that you're kinda confused right now. But I really can't tell you. May time naman para diyan, soon malalaman niyo din." nakangiti niyang sabi saakin.

"Sige, sige... Change topic! Ano ano ba mga favorite ni Rayelle? Ano bang mga bagay na magpapasaya sakanya?" excited kong tanong sakanya. Yes, I have known her when we were still a child pero bata pa kami nun. I'm sure that she changed her favorites?

"Akala ko alam mo na iyon? Nagbigay ka na nga ng regalo kay Rayelle noon diba? Nung sinusuyo niyo kami for forgiveness?" umiiling na tugon saakin ni Arianne.

"Ehh? Maliban doon?" pagtatanong ko. Malay mo, meron pa diba?

Can't blame me, I just want her to be happy.

"Hmmmmm... You really like her huh?" nakangiting sabi saakin ni Arianne, "Well, she likes---No! Love pink! You already know that. She loves fluffy things like teddy bears, cuddly pillows, and etc., she's like a child na dapat binebaby pa. Juskooo, napaka childish nun! If you're gonna court, for real, better ask the permission of her parents, especially her sister. Alam mo naman na ang nangyari diba? She wants a guy who exert effort para mapasagot siya. Marami rami na din ang nanliligaw sakanya pero madali ding sumuko. Well, because of me, actually. Sinusubok ko sila kung seryoso sila kasi base din sa mga nakikita ko sa panliligaw nila kay Rayelle, they don't exert effort kaya minsan, kahit gwapo man yun, natuturn off na si Rayelle. She's always asking me na subukan yung mga yun kung seryoso ba. Well, it turns out, not." sagot ni Arianne saakin. So ayun pala huh?

𝓗𝓸𝔀 𝓽𝓸  𝐋𝐎𝐕𝐄 𝔂𝓸𝓾 𝐁𝐀𝐂𝐊?Where stories live. Discover now